Sa BGC kami nagdecide kumain kasi may bibilhin din ako malapit doon. Sa July ay nagdecide kami na pupunta kami sa Quezon Province at pupunta kami sa isang beach doon kung saan lumaki si Lolo.
"Ang aga natin for today's video ah, mukhang excited sa libre." Pagpuna ni Kuya Carl saka ako binigyan ng pinggan dahil kakain na kami ng almusal.
Mukhang kakagising lang din ni Chin dahil nakapikit pa ang dalawang mata niya kaya naman pinisil ni Kuya Carl ang pisngi niya saka ngumiti kay Chin.
"Gising na," yun lang ang sinabi ni Kuya Carl at nagmulat na si Chin saktong pagbaba ni Mama sa kwarto niya at nakabihis na probably going to her work.
"Carl may pupuntahan ba ulit kayo ngayon?" Tanong ni Mama at saka tumingin sa amin pareho ni Kuya Carl.
"Mommy pupunta kami sa BGC, nagpapalibre ang mga alagad ni Luie." Sagot naman ni Kuya Carl kay Mama. Natawa naman ako kasi ang cute ni Kuya Carl kapag tinatawag niyang Mommy si Mama. Tinatawag niya lang kasing ganoon si Mama kapag kami lang yung kasama niya kasi nahihiya pa raw siya kapag ibang tao.
"Ganoon ba? Oh Luna, 'wag masyadong lakihan ang gastos." Pagsaway naman ni Mama sa akin kasi alam niya na malaki ang magagastos ko kapag sa BGC ako pumupunta.
"Ako na bahala, Mommy 'di makakagastos yan kapag kasama ako." Sagot naman ni Kuya Carl agad agad ko siyang sinamaan ng tingin kasi alam ko na ang mangyayari mamaya. Hindi ko mabibili yung bag na gusto kong bilhin kasi kasama ko siya.
"Ma, minsan lang ako bumili," pagdadahilan ko naman at tiningnan lang ako ni Mama at parang nag-iisip kung ano ang sasabihin sa akin.
"Mas magastos pa nga si Kuya Carl sa mga sapatos niya eh, ako naman sa bag minsan lang ako bumili." Dagdag ko pa at napailing na lang si Kuya Carl kasi alam niya na mali ang naging dahilan ko kay Mama.
"Bahala ka sa bubay mo Luna, pero ito ang tatandaan mo kapag naubos ang allowance mo this month 'wag ko lang malalaman na nanghingi ka sa Kuya mo or sa Lolo mo." Babala ni Mama at pumayag naman ako. Never pa naman ako nanghingi ng sobra sa allowance na binibigay niya sa akin. One time lang kay Kuya Carl kasi naiwan ko yung wallet ko kaya nakahiram ako sa kanya pero binalik ko rin naman.
"Carl, huwag uuwing lasing binilin ka sa akin ng Mama mo. Mag enjoy kayong lahat, pero make sure na walang naaapakang tao." Paalala ni Mama at pareho kaming nagsalute sa kanya bago siya naglapag ng pera sa lamesa at tinuro si Kuya Carl.
"Pang gas mo," yun lang ang sinabi ni Mama at umalis na siya. Napatingin naman ako kay Kuya Carl.
"Akala ata ni Mama sasabay ako sayo," yun na lang ang nasabi ko at kinuha ang pera para iabot kay Kuya Carl.
"Kuya Carl, sabihin mo sa akin kapag malaki yung pera na ilalabas ni Ate mamaya para masumbong ko siya kay Mama." Suhol naman ni Chin kay Kuya saka may inabot siyang papel na hindi ko alam kung ano ang nakalagay basta inabot lang ni Chin.
Tiningnan naman ako ni Chin when she noticed na nakatingin ako doon.
"Ate, it's a congratulatory letter, mayroon din si Kuya Harold I already gave it to him kahapon bago ako umalis ng bahay." Paliwanag ni Chin at tumango na lang ako sa kanya at nagsimula na akong kumain.
"Kuya let's try guess the bill and rating foods later." Pag-aaya ko at pumayag naman si Kuya at mukhang nagustuhan din ang idea ko.
Habang hindi pa kami umaalis ay nakatambay lang kaming tatlo sa living room at nanonood ng tv.
YOU ARE READING
Maroon | Harold Alarcon
FanfictionUP Fighting Maroons #1 Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...