Saturday morning I started to bake Harold's banana loaf bread while we are having a videocall. Gusto niya raw kasi akong makita kung ano ang ginagawa ko before the game lalo na kung nagbabake ako for them.
Habang kausap ko siya ay napadaan si Mama kaya agad kong kinuha ang cellphone ko para ilapit sa kanya at ipakilala si Harold.
"Ma, si Harold," pakilala ko kay Mama agad namang nanlaki ang mata ni Mama at ngumiti ng sobrang lapad na parang alam ko na ang ibig sabihin.
"Ay, sabi ko na nga ba ikaw yung rookie ng UP na bet ko kapag naglalaro." Tuwang tuwa si Mama habang tinitingnan si Harold habang sa kabilang linya naman ay mukhang hindi makapaniwala si Harold habang tinitingnan ang reaksyon ni Mama pero napangiti na lang rin siya when he realized na bet siya ni Mama.
"After season pumunta ka dito sa bahay ipagluluto kita ng gusto mo." Dagdag pa ni Mama saka hinawakan ako sa braso. "Hindi mo naman sinabi sa akin na si Harold pala ang pinagbabake mo maliban sa Kuya mo. Edi sana matagal ko na rin siyang pinagluluto." Dun na ako napailing kay Mama dahil mukhang pag natapos ang seasom 84 ay hindi na ako ang magiging anak niya kundi si Harold na.
"Pasensya ka na Harold, hindi makakanood ang anak ko ngayon dahil may bonding kami." 'Di pa rin tumitigil si Mama sa pagkausap kay Harold at naupo pa siya sa dining area habang hawak ang cellphone ko na parang wala ako sa tabi niya.
"Okay lang po Tita, family first." Sagot naman ni Harold na mukhang mas lalong nagpasaya sa Mama ko kaya napailing na lang ako.
"Huwag kang mag-alala part ka na rin ng family." Sagot naman ni Mama kaya 'di ko na napigilan na kunin sa kanya nang marahan ang cellphone ko para sabihin sa kanya na nagbabake pa ako.
"Gisingin mo ang Tita mo kapag tapos ka na magbake, bye Harold! Good luck sa game niyo, UP Fight!" Napayuko na lang ako sa hiya ko habang si Harold naman ay tawang-tawa sa reaksyon ko sa sarili kong ina.
"Galingan niyo Harold, baka pag nanalo kayo ng championship this season mag donate si Mama sa charity under sa name ng team." Paliwanag ko sa kanya dahil mahilig si Mama sa mga ganoon lalo pa at alumni siya ng UP at hilig niya talaga ang tumulong sa mga taong nangangailangan.
Alam niya kasi yung feeling na kailangan mong bilhin pero hindi mo mabili dahil hindi kaya ng pera mo. Kaya when Mama met Papa he gave her an opportunity to do the things na hindi niya nagagawa noon. Kaya hanggang ngayon na wala na si Papa laging sinisiguro ni Mama na tuwing birthday ni Papa ay tumutulong siya kasi at some point, she thinks na without the help of Papa's money baka hindi ganito ang buhay namin ngayon.
She thought at first that life without my father was meaningless, but when she started helping others, she realized how she became the tool of my father to help other people in his part, and she's enjoying it.
At 12 noon natapos ako, aalis kami ni Mama mamayang 2 PM at ihahatid namin si Ate Mia at Tita para manood sila sa MOA. Kahit mamaya pang 7 PM ang laro ay pupunta na agad sila kasi nag eenjoy din naman silang manood kahit ibang teams saka para sulit din ang tickets.
Nagsabi rin si Mama na kapag napaaga ang gala namin ay baka sunduin na rin namin sila Tita.
At 2 PM hinatid na namin sila, malapit lang naman ang pupuntahan namin. Gusyo ni Mama na mag shopping kami kasi napansin niya raw na paulit-ulit na ang sinusuot ko, wala naman siyang problema dun kasi kapag bumibili naman kami ng bago ay ipinamimigau niya yung mga damit na 'di na namin kailangan pero magagamit pa ng iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/329698933-288-k160007.jpg)
YOU ARE READING
Maroon | Harold Alarcon
FanfictionUP Fighting Maroons #1 Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...