Maroon 25

274 8 6
                                    




Nilapitan ko si Terrence at Harold na nag-uusap sa may gilid at mukhang seryoso sila pareho. Lumapit ako sa kanila pareho at ngumiti saka ako lumapit kay Harold at humawak sa bewang niya at patagilid siyang niyakap saglit.



"May tanong pala ako sa inyo," pagsisimula ko saka pasimpleng tinuro yung babaeng kausap ni Kuya kanina na ngayon ay kausap ni Cyril. Tumingin siya saglit sa gawi namin kaya wala akong nagawa kundi pasimpleng ngumiti sa kanya at ganoon din naman ang ginawa niya pabalik.



"Sino siya?" Tanong ko at humarap sa kanilang dalawa. Tumingin naman saglit si Harold kay Terrence dahil mukhang walang alam si Harold, pero si Terrence mukhang may alam siya pero hindi ko alam kung sasabihin niya.


"Ah, si Abegail, bestfriend ko, kaklase rin namin siya ni Carl nung Grade 10 bago siya lumipat sa US." Paliwanag naman ni Terrence saka ngumiti sa akin. Tumingin ulit ako kay Abegail at nakita ko siyang tumingin sa gawi kung nasaan si Kuya Carl na kausap ngayon ni Mama at Tita Kc.



Tiningnan ko pa siya saglit at napailing na lang ako kasi masyado ko na siyang iniisip. Hindi sila uminom ngayong gabi dahil may appointment sila bukas at sa gabi naman na yun ay pupunta rin maming Xylo.


12 AM na nag sialisan ang mga bisita at huling umalis ang pamilya ni Harold.



"Ingat, text me tomorrow kapag aalis ka na." Paalala ko sa kanya at tumango naman siya niyakap niya ako ng mahigpit saka hinalikan sa noo bago ako pumunta kina Tita Remy para yumakap din.


"Ingat po kayo Tita," nakangiting sabi ko at tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko saka lumapit kay Mama para kausapin saglit.



Pagkaalis nila ay nagkape muna ako sa kusina at sumunod naman si Kuya Carl ay si Chin na mukhang kakagising lang.


Agad kinuha ni Kuya Carl ang gatas sa ref at binigay kay Chin na agad din namang ininom ni Chin saka yumakap kay Kuya Carl at saglit na nagpalambing bago ulit umakyat sa kwarto niya.



"Booked busy pala kayo this month," pabirong salita ko kay Kuya Carl at pinakita sa kanya yung schedule nila. Pupunta sila sa H&M pagsapit ng umaga sa gabi din na yun ay pupunta sila sa Xylo tapos pupunta pa sila ng UPLB para sa bonfire rin.


"Wala eh, champion," pabirong sagot naman ni Kuya Carl at napa omg pa siya sa sinabi niya kaya sinabayan ko na lang din ang kakulitan niya.


"Kuya Carl, nagkagusto ka na ba sa isang tao?" Seryosong tanong ko sa kanya saka ako lumingon sa kanya. Tumingin naman siya sa chandelier namin hindi ko alam kung iniisip niya kung sino or iniisip niya kung sasabihin niya ba sa akin or hindi.


"Meron, impossible naman kung sasabihin kong wala. Pero kung ngayon ang pag-uusapan? Wala." Yung unang sagot niya naniniwala ako pero yung huli niyang sinabi hindi ako one hundred percent sure kasi parang iba eh.


Pero hindi na ako muling nagtanong pa kasi ayoko na ring pakielaman ang buhay niya lalo pa at wala pa siyang balak magsabi sa akin. Sasabihin niya rin yan kaya mas mabuting mag antay na lang muna ako.



"Kaya ikaw, 'wag niyo na sayangin ang isa't-isa. Mahirap tumayo sa pagitan niyo pag nangyari yun." Paalala ni Kuya Carl at tumango naman ako sa kanya. Niyakap ko siya saglit bago ako nagsabi na matutulog na ako dahil kailangan kong pumunta sa bahay nila Faith kasi mag movie marathon kami.



"Nakauwi na kami nila Mama," ngumiti naman ako kay Harold. Kakahiga lang din niya sa kama niya kaya ngumiti ako kasi halatang pagod na rin siya.


Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now