The next day, I received a call from my grandfather at gusto raw niya na pumunta muna kami sa province kahit mga 12 days lang daw ako dun. Paparating kasi ang ilan sa mga relatives namin at parang magkakaroon ng mini reunion. Kahit sila Mama at Chin ay kasama kaya kailan ko ring sumama.
Hindi naman ako masyadong close sa kahit anong side ng grandparents ko sa mother side kasi hiwa hiwalay talaga kami. Malaki kasi ang pamilya ni Lolo 13 silang magkakapatid kaya sobrang dami talaga kapag reunion. Pero kahit isa sa kanila wala akong ka close siguro dahil na rin sa age gap or simply because ayaw din nilang makisalamuha sa amin.
Sa side naman ni Papa wala rin akong nakakausap kasi mas malaki ang age gap nila sa amin. Pero kapag inaaya naman nila kaming mag bonding ay sumasama kami sa kanila kasi mababait naman sila, sadyang hindi lang talaga kami pasok sa lifestyle nila. Dahil kung maluho ako ay mas maluho sila sa akin.
April 20 na at mamayang gabi na ang alis namin dito sa bahay. Sila Ate Mia ang maiiwan dito dahil kukumpletuhin nila ang panonood sa games ni Carl. Adamson ang kalaban nila bukas, magandang laban pa naman yun pero sayang lang at hindi ako makakanood bukas.
Habang nag tutupi ako ng mga damit na dadalhin ko ay katawagan ko si Harold.
"Mukhang against Ateneo na ako makakanood ng game niyo." Paliwanag ko sa kanya saka pinakita yung mga tinutupi kong damit na dadalhin ko para sa reunion.
Pinakita naman niya sa akin yung care package na pinadala ko sa kanya kanina lang kasi nalaman ko na aalis nga ako ng ilang araw at gusto ko na may makakain siya na pagkain from me.
"Okay lang, ramdam ko naman suporta mo kahit 'di ka makanood sa MOA." Nakangiting sagot niya nag joke pa siya na ang corny niya raw minsan pero hindi niya alam na sobrang natural niyang magpasaya kaya gustong gusto ko siyang kausap kasi alam kong marami siyang baon na tuwa.
Magkausap kami hanggang sa bumabyahe na kami nila Mama. Si Mama ang nagmamaneho ngayon dahil gabi raw ako na lang daw ang magmaneho kapag pauwi na kami dito.
Extra training ang dinanas ng UPMBT ngayon lalo na at dahil last game nanalo man sila pero dikit ang laban kaya mas lalo nilang pag iigihan para makabawi sila dito.
Madaling araw na kami ng 21 nakarating sa bahay ni Lolo sa probinsya. Malaki na ang bahay namin dito kasi noong kinasal si Mama at Papa ay kumbinsido sila na palakihin ang bahay dito sa probinsya lalo na at dito rin nakatira ang pangalawang kapatid ni Mama na sina Tita saka ang pamilya niya para samahan si Lolo dito sa bahay. Ang bunsong kapatid naman ni Mama ay ofw, si Tito na ikakasal na next year.
Pagkarating namin sa bahay ay sina Tita pa lang naman ang nandidito kasi mamaya pang tanghali kami nag eexpect na darating ang mga bisita. Marami namang kwarto dito kaya hindi kami mahihirapang magsiksikan dito. May sarili akong kwarto dito at doon nakalagay ang mga gamit ko may naka display rin dito na replica ng jersey ni Harold na kakabili ko lang at ngayon ko pa lang ilalagay sa kwarto ko.
Natulog muna ako kasi mamayang tanghali naman ako gigising saka manonood pa ako ng 4:30 PM na game ng UP.
Nagising ako sa ingay at katok sa harap ng pinto ko. Agad naman akong tumayo at tiningnan ang oras, 1:32 PM na pala kaya agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita ko ang mga apo ni tatay sa mga kapatid niya.
Nakataas pa ang kilay nung isa matapos sigurong makita na nakapajama pa ako.
"Hindi mo manlang kami sinundo, marunong ka pala magmaneho." Yun agad ang sinabi niya at pumasok sila sa kwarto ko ng walang paalam. Napakunot ang noo ko saka tiningnan ang dalawa kong pinsan na sina Althea at Raven na anak ng kapatid ni Mama.
YOU ARE READING
Maroon | Harold Alarcon
FanfictionUP Fighting Maroons #1 Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...