UP Fighting Maroons #1
Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...
Madilim na nung nakarating kami sa UP walang tigil din ang sermon ni Carl habang kausap kami sa cellphone at nandun na raw halos lahat ng players at marami na rin daw tao.
Pagkapark ni Harold sa kotse ay bumaba na kami. Nagsuot na lang ako ng cap na suot niya kanina saka black na facemask kasi may covid pa rin just to make sure na safe.
Pagbaba namin ay sinalubong kami nina Carl at nagdaldalan agad sila sa kung ano yung ginawa nila sa bahay habang wala kami at nang inggit pa na pinagluto raw ulit sila ni Mama.
"Yabang mo naman, pag ako pumunta lagi sa inyo syempre mas maraming iluluto si Tita sa akin." Pagyayabang naman ni Harold kaya napatingin na lang kami ni Terrence sa isa't-isa at napailing kasi alam naming walang tigil na naman na asaran ang magaganap kais hindi na naman magpapatalo si Kuya Carl.
Pagkarating namin dun ay nandoon na nga lahat ng players at mag eentrance na sila sa may malapit kung saan sisindihan ang bonfire. Nakikita ko na rin ang ibang mga fans at UP students na excited na sa pagsindi ng bonfire.
Pagkatapos kumanta ng UP hymn ay nagsimula na silang sindihan ang bonfire at dun na ako napatalon sa tuwa habang kinukuhanan ko ito ng video saka tinapat ito sa mukha ni Harold.
"Congratulations Harold, so proud of you." Bulong ko saka hinawakan ang kamay niya at patagilid siyang niyakap na sinuklian naman niya saka siya ngumiti sa amin.
Hinawakan ni Harold ang kamay ko at pinapwesto niya ako sa likod niya saka sila naglakad. Nasa likod ko naman si Kuya Carl at nakahawak sa pareho kong balikat at nagsasalita pa na excited na daw siya kaya napangiti na lang ako at siniko siya. Pumunta sila sa harapan pero sa likod kami nagpwesto nakatayo lang silang mga nasa likod habang nakaupo naman yung mga nasa harap na sina Kuya Cj. Isa isa silang tinanong about sa journey nila during season 84 may special mention pa si Harold na lagi raw nagpapasa ng requirements on time kahit may game kaya agad ko siyang tinulak nung pinapapunta siya aa harapan.
Inasar naman namin siya at ang panguna ay sina Terrence ginatungan na lang namin ni Kuya Carl habang nasa likod kami at natatawa. Nasa gilid namin si Andrea at nasa likod siya ni Ricci kaya ngumiti at sa kanya bago sila tinawag sa harap.
At nung turn na ni Kuya Carl para tawagin ay kami naman ang nang-asar sa kanya. Hawak ngayon ni Harold ang bewang ko habang kamay naman niya ang hawak ko. May mga ilang fans na nagtatanong kung pwedeng magpapicture kay Harold kaya kumalas muna ako sa pagkakahawak ko saka ngumiti sa kanila habang nagpapapicture sila kay Harold. After ng speech ni Kuya Carl ay nanghingi na siya ng alak kaya napailing na lang ako sa tawa.
Nagsimula na ang celebration at ang masasabi ko lang, ang saya saya makitang masaya ang mga tao sa achievement na nakuha ng UPMBT kasi after 36 years ay sa wakas nasa Diliman na ulit ang korona.
Nakipag catch up din ako kina Tita Kc na nandun din pala sa celebration. Nagkwentuhan kami about sa next plan at ngayon na tapos na ang season 84. Nasabi ko rin sa kanila ang plano ng family namin na magkaroon ng short vacation bago ulit maging busy ang lahat.
Tanaw ko sa paningin ko kung gaano kasaya si Harold habang kausap ang mga ka teammates niya at ang mga fans na nagpapapicture sa kanya kasi for me, finally the people are appreciating him kasi dessrve niya yun, deserve nilang lahat yun.
Habang nag-uusap kami nila Tita Kc ay biglang may humawak sa buhok ko at hinila ito magagalit na sana ako pero napasimangot na lang ako when I saw na it was Kuya Carl. Napatawa na lang si Tita Kc matapos niyang makita ito dahil siguro first time nilang makita ang interaction namin ni Kuya Carl.
"Tita, hiramin muna namin 'to magpipicture lang ulit kami." Paalam ni Kuya Carl saka pinatayo ako habang hindi pa rin binibitawan ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Lumapit naman kami kung nasaan sina Harold or should I say ang bullpups ng UP. Lumapit kami at nakisuyo sa photographer na picturan kaming lima.
Nasa pinakadulo si Gerry katabi niya si Carl tapos ako, si Harold at Terrence. Nasa gitna nila akong apat at nagpicture kami, sa unang picture ay naka smile kami, sa pangalawa ay biglang hinila ni Carl at Harold ang magkabilang pisngi ko habang si Terrence naman ay nakahawak sa braso ni Harold at ganoon din ang ginawa ni Herry kay Carl. Napatawa na lang ako sa pose namin at kahit sina Kuya Cj ay napapatawa na lang sa amin habang pinapanood kami.
Pati ang ibang mga students at fans na nakikita kami ay napapatawa na lang din sa amin sa kakulitan namin. At ang huling picture namin ay buhat ako pareho ni Kuya Carl at Harold habang nakaupo sa harapan namin sina Terrence at Gerry saka gumawa ng malaking heart sumama pa doon si Jd na nagpwesto sa gitna nina Terrence at Gerry. Natatawa pa nga ako kasi hindi masyadong pantay ang buhat sa akin dahil mas matangkad si Kuya Carl kaysa kay Harold. Pagkatapos kong bumaba sa pagkakabuhat nila ay isa isa ko silang hinampas saka natawa na lang ako sa kalokohan nila.
Nakipag high five naman si Kuya Cj sa akin saka pabirong binatukan yung lima. Buong gabi ay puro saya at asaran ang nangyari, nag iinuman sila habang nakatingin lang ako sa kanila at nagbabantay.
Anong oras na rin natapos ang celebration at pag-uwi ay ako na ang nagmaneho. Si Carl at Harold ay parehong nasa backseat at pauwi na kami sa bahay since sa bahay na matutulog si Harold sa guest room siya matutulog kasi doon na siya pinauwi ni Mama ngayong gabi kasi lasing siya.
Pagkarating namin sa bahay ay ginising ko na sila pareho para lumabas na sila sa kotse. Bago pumasok sa kwarto si Kuya Carl ay niyakap ko muna siya at nag goodnight sa kanya.
Tumingin naman ako kay Harold at ngumiti sa kanya saka tiningnan siya ng mabuti.
"Tulog na ah, magpapakain pa si Mama dito para sa inyo bago kayo pumunta sa busy schedule niyo." Paliwanag ko sa kanya at tumango siya saka niyakap ako. Hinalikan niya ang noo ko saka ngumiti sa akin bago siya pumasok sa guest room at natulog na. Tiningnan ko muna siya saglit saka ngumiti bago ko sinarado yung pinto at nilock.
Nakita ko yung ibang mga pictures namin na nakapost na sa twitter may nagsabi pa na cute raw namin kanina sa bonfire at marami pang pictures during the celebration.
I posted the photo of us six yung nakabuhat ako kina Carl at Harold saka nakaupo sina Gerry, Terrence at Jd.
'With the gang, love this guys. Ps. Cy where are you?'
Pagkatapos nun ay naligo lang ako saglit saka nagbihis na ako ng pajama para matulog na kasi mamaya ay nandito ang buong UPMBT sa bahay para sa dinner na ipaghahanda ni Mama.