Maroon 19

282 6 7
                                    

At tama nga ang hula ko dahil nasa restaurant pa lang kami ay tumawag na kaagad si Harold sa akin. Kasama ko ang buong family ko, family ni Carl at Harold, mga friends ko at pati na rin sina Tita Kc kaya nasa private restaurant na lang kami kumain.

"Ang magandang kapatid ng UPMBT, nanalo kami." Yun agad ang bungad ni Cj sa videocall. Halos lahat kasi ng players ay nasa isang room mukhang may meeting sila for the next game na gaganapin sa May 11. Kahit sina Brix ay kumaway din sa akin at binabati ako na parang may hihilingin talaga sila.

Ngumiti naman ako at tumango kasi alam ko na. Kahit sila Mama na nakatingin sa akin ay alam na rin kung ano ang maaari nilang hilingin sa akin.

"Go cheese bread! Cheese bread!" Chant nilang lahat kaya yung mga kasama ko ngayon ay natatawa na dahil rinig na rinig nila ang chant na parang tuwang tuwa pa sila kasi masaya ang team ngayon lalo pa at deserve nila 'to dahil nanalo sila today.

"Sige, gawa ako bukas ng umaga para mapadala siya ng gabi agad." Sagot ko sa kanila at nag cheer na sila si Terrence pa nga ang nangunguna kasi matagal na niya talagang suggestion yung cheese bread na yun.

Habang kumakain kami ay nakikipagkwentuhan kami sa mga players gamit ang cellphone ko. Nagtatanong sila kung ano plano namin for the game 2 at ganoon din ang tanong namin sa kanila.

As usual, training pa rin pero mas pagbibigyan nila ng pansin ang mas matinding defense nila dahil dun sila magaling.

Bago kami umuwi sa bahay ay pumunta muna kami sa mall malapit sa bahay namin para bumili ng mga ingredients na gagamitin ko para sa cheese bread.

Bumili na rin ako ng boxes kung saan ko siya ilalagay para ibibigay na lang siya sa mga players at staffs.

Pagkauwi ay natulog na ako sa sobrang pagod, hindi na rin kami nakapag-usap ni Harold kasi extra training sila saka alam ko naman na pagod na siya ngayong araw dahil sa laro.

Pagkagising sa umaga ay sinimulan ko na kaagad ang pagbabake kasi marami akong gagawin.

Sa rami ng efforts nila for the finals ay gagawin ko talaga ang best ko para mapasaya sila kahit sa pagkain lang na binibigay ko sa kanila gaya ng saya na binibigay nila sa akin kapag nanonood ako ng laro nila.

Habang gumagawa ako ay nagdecide akong magpicture, pinakisuyuan ko pa si Ate Mia na kuhaan ako ng picture para may maipost ako sa instagram ko.

After ilang oras ng paggawa halos hapon na ako natapos dahil sa marami ang ginawa ko. Inaya ko sila Mama at lahat kami para magpicture sa tapat ng mga cheese breads nakakatapos lang naming ilagay sa mga boxes.

Pagkatapos ay pinost ko sa instagram ang picture namin, sa public instagram ko siya pinost.

Balak ko na ako na ang magbibigay, ipapa drop off ko lang naman siya saka ako aalis agad para kahit sa malayo maka wave manlang ako sa kanila.

Nagpatulong ako kina Mama sa paglalagay ng mga boxes sa kotse ko at after nun ay naligo na ako bago ako pupunta sa hotel nila.

"Papunta na ako," pagkasabi ko nun kay Harold ay agad siyang tumayo sa pagkakahiga niya sa sahig. Kakatapos lang kasi ng training nila at nagsama sama sila sa room ni Harold para maglaro at dahil inaantay nga rin nila yung dala ko.

"Ako ang bababa!" Sigaw ni Harold kasi pati si Carl tumayo na rin tapos sumunod pa sina Terrence at Jd.

Nagsisiksikan pa sila sa pinto, at ako hilo na kada tingin ko sa cellphone ko dahil umiikot na lang ang nakikita ko sa kulit ni Harold dahil nag-aagawan pa rin sila.

"Para walang talo, lahat tayo sumalubong pero walang lalapit." Pagpigil ni Ricci sa kanila kaya nagsitigil na rin ang lahat at pumayag na kasi wala na silang magagawa.

Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now