Maroon 24

310 6 1
                                    




Late na ako nagising sa sobrang pagod ko siguro kahapon dahil buong araw akong wala sa bahay. Paglabas ko sa kwarto ko ay marami rami na ang tao dahil yung ibang pagkain na ipapakain sa dinner ay nagpa cathering na lang si Mama.



"Magandang tanghali madam, tapos na po kaming kumain lahat ikaw kakagising mo pa lang." Kakagising ko pa lang boses na agad ni Kuya Carl ang narinig ko kaya agad kong kinuha ang suot kong tsinelas at hinagis mula sa 2nd floor papunta sa kung nasaan siya.


"Aray! Ang sakit nun ah," inda naman niya kasi napalakas ata ang bato ko ng tsinelas pero dinilaan ko lang siya at naglakad na pababa only to see Harold looking at me while laughing.


"Ito ang sinasabi ko sayo Harold, mapanakit yan." Sabi ni Carl at pabiro niya pang pinalo palo ang balikat ni Harold para kunwari ay binabalaan niya si Harold.


"Sinisiraan mo pala ako ah," yun na lang ang sinabi ko saka tumabi ako kay Harold na nakaupo sa living room at nanonood ng tv.


"Anong oras ka nagising?" Tanong ko sa kanya saka ko siya niyakap at agad naman akong nakarinig ng ubo mula kay Kuya Carl na nagwawalis sa tapat namin.


"Ba't ka nagwawalis? 'Di ka naman kumikilos dito sa bahay." Pahsaway ko kay Carl kasi walis siya nang walis sa harap namin.


"Kapatid, bago ka kasi bumaba dito ay kumakain ako ng polvoron at hinampas ako ni Harold sa braso kaya nahulog." Paliwanag ni Kuya Carl at pinakita niya yung balat ng polvoron na nasa sahig at yung maliliit na parte nito.


Tumingin naman ako kay Harold at agad siyang umiling at hindi tumingin sa akin, ibig sabihin guilty siya na ginawa niya yun.


Tahimik lang kami sa may living room puro tunog lang ng mga gamit sa kusina ang naririnig. Inaantok pa rin kasi talaga ako kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Harold at pumikit ulit ako para sana umidlip pero hindi natuloy.


"Balita ko may pakain daw dito ah! Dinner pa sabi pero inagahan na namin para nasa unahan kami ng pila." Agad akong napamulat pagkatapos kong marinig ang boses ni Cyril at nasa likod niya sina Terrence at Gerry.


"Pagkainan talaga ang lakas ng radar niyo." Pagkasabi nun ni Kuya Carl ay nag thumbs up pa siya na parang ang galing ng ginawa nina Cyril.


Lumapit naman sila sa amin ni Harold, niyakap ko sila saglit bago ko sila sinapak sa braso.


"Istorbo kayo papikit pa lang ako eh." Tinawanan lang nila ako. Agad ko namang tinawag si Mama at sinabing nandidito na ang mga bullpups sa bahay.



"Kumpleto na sana tayo kung aagahan lang ni Jd next time." Pagdadaldal ni Cyril at hindi na siya tumigil dire-diretso na ang pagsasalita niya at ang nagpapatigil lang sa kanya ay yung pagkain na hinain ni Mama sa may lamesa sa living room.



"Balita ko nagpicture kayo ng hindi ako kasama ah," At isa-isa niya kaming tiningnan kaya lahat kami ay umiwas ng tingin sa kanya. Hindi kasi siya nakapunta kahapon kaya nga may special mention siya dun sa post ko.


"Dami mo alam," saka binatukan ni Carl si Cyril. "Pumunta ka sana kahapon para kasama ka." Dagdag pa ni Carl at yun buong tanghali ay naglalaro lang sila sa living room. Umakyat na muna ako para maligo at magpalit nang damit para sa susuotin ko mamaya.


Paglabas ko sa kwarto ko ay agad akong hinila ni Harold pababa dahil nag-aaya raw si Mama na magpicture ulit kami this time kasama na si Cyril para matigil na raw yung pagrereklamo niya sa living room.


Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now