At 5:30 PM dumating na sina Jd at Terrence. Malalate raw saglit sina Gerry at Cyril dahil kasama pa nila ang family nila kaya nag oo kami kasi family yun eh.
"Dito ka na ba nakatira? Halos 'di ka na umuuwi sa bahay niyo ah." Salubong ni Terrence kay Harold saka sila nagbatian kaya ngumiti ako at niyakap na muna si Jd saka niyakap si Terrence.
"Grabe naman mukhang busy kayo nakakahiyang pumunta dito." Si Jd naman ang nagsalita saka tiningnan yung mga pagkain na nasa lamesa pero agad siyang inakbayan ni Kuya Carl.
"Actually, yan ang kakainin natin ngayong gabi, pinaghirapan namin yan collective effort. Si Harold sa mga ulam, si Luie sa desserts at ako sa mga plato." Maganda na sana ang pagpapakilala niya nung mga pagkain at ang efforts namin pero natawa na lang ako dun sa dulo maisingit lang niya na may nagawa rin siya.
"Grabe ang effort mo pre, life changing!" Sagot naman ni Terrence sa kanya saka siya nakipag high five kay Harold na natatawa na lang din habang nakikinig.
Umakyat na muna ako sa kwarto ko at nagbihis since wala naman sina Mama dito dahil nasa trabaho siya habang nasa bahay naman si Chin ng kaibigan niya sa kabilang street. Umuwi na rin pala sina Tita at Ate Mia dahil may mga schedule rin naman sila.
At 6:15 PM nakarating naman si Gerry at Cyril nagdesisyon kami na sa may gilid na lang kami ng swimming pool kumain at magkwentuhan.
"Ano plano niyo ngayong tapos na ang season?" Tanong ko at napatingin sila sa akin saka nag-isip.
"Interview ba 'to?" Natatawang tanong ni Terrence pero nag-isip din naman siya ng isasagot niya sa akin at kahit yung iba ang nag-iisip na rin.
"Nagsabi si Coach kanina kasama ako sa 3x3 sa June." Sagot ni Gerry kaya napatingin ako sa kanya at nagtaas din ng kamay si Harold at ngumiti sa akin.
"Kasama rin ako," dagdag pa niya kaya napangiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Booked busy pala kayo," pagbibiro ko at tumango naman sila sa akin. Nagkaayaan na mag ktv karaoke sa may Cubao kasi malapit lang kaya nagdecide kami na pumunta na lang kasi gusto rin naming kumakanta kahit 'di naman kami mga singer.
Sa van na lang kami sumakay at nagpamaneho na lang kay Kuya Rodrigo para susunduin na lang niya kami mamaya pag uuwi na kami. Bukas kasi ay kakain ulit kami sa labas pero sina Juliet, John, Faith at Roseann ang kasama namin kasi manlilibre si Kuya Carl at Harold bago sila pumunta sa Los Baños.
Pagpasok namin sa entrance ng ktv ay marami rami pa ring tao kasi maayos talaga ang service dito, kaya alam ko kasi bago ako pumuntang probinsya ay halos araw-araw kaming nandiditong tatlo nila Roseann kasi mahilig kaming kumanta kahit sumisigaw na lang kami minsan.
May mga nakakapansin kila Kuya Carl kasi ang tatangkad nila tapos ako itong parang anak nila na nakisama sa kanila. Pinakita ko yung ID ko saka sinabing pito kami kaya nag ready na sila ng room kung saan kami pupunta.
Naupo muna kami sa sala sa tabi ng reception habang nag-aantay nung may isang staff na lumapit sa amin.
"Basketball players po kayo?" Tanong niya tumingin naman ako kila Kuya Carl inaantay ang isasagot nila. Tumango naman saglit si Kuya Carl, ngumiti sa kanya yung staff at tiningnan pa siya saglit saka nanlaki ang mata.
"UP Fighting Maroons po kayo? Yung nanalo sa UAAP? 'Di ko kayo agad nakilala kasi naka facemask kayo." Napatawa naman si Kuya Carl at tumayo para tapikin sa balikat yung staff. Naglapitan ang mga staffs sa amin at nanghihingi ng litrato sa kanila kaya ako na ang nagpresinta na kumuha ng pictures kasama sila.
YOU ARE READING
Maroon | Harold Alarcon
FanfictionUP Fighting Maroons #1 Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...