Pagkauwi sa bahay ay naligo at inayos ko muna ang kwarto ko para sakto bago matulog ay kakausapin ko na lang si Harold para tanungin kung ano ang nasa isip niya ngayong nakapasok sila sa finals.
"Ang galing mo Harold salamat para kanina." Yun agad ang naging bungad ko sa tawag namin at ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam pero may something sa mga sinabi ko na naluluha ako. Maybe because I saw how he struggled this season dahil new environment, but nakakatuwa na kapag kailangan siya ng team ay bumabawi talaga siya.
Tiningnan niya rin ako habang kumikislap din ang mga mata niya na parang pinipigilan lang din niya na huwag itong tumulo kasi gusto niya na malakas siya sa harap ko habang ako naman ay malayang naipapakita ang nararamdaman ko ngayon.
"Sobrang ganda ng bawi mo, laging mong tatandaan na nandidito ako, kami para sayo." Dagdag ko pa sa kanya at saka ko na pinunasan ang mga mata ko kasi naiiyak na talaga ako. Alam kong deserve niyang marinig ang mga sinasabi ko kasi alam kong pinaghirapan niya 'to, pinaghirapan nilang lahat.
Tumingin siya sa taas ng kisame at nagtagal yun ng ilang segundo.
"Kung pwede lang sana akong pumunta sayo nayakap na sana kita." Pagkasabi niya nun ay mas lalo lang akong naiyak at humagulhol. Hindi ko alam kung anong epekto ni Harold sa akin pero alam ko na sa isang salita niya lamang ay malaki na ang nagiging epekto sa akin.
"Maraming yakap dapat pagkatapos ng season," nakangiti kong sagot sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha sa mata ko at ngumiti ako para ipakitang okay lang ako pero tumagal ang tingin niya sa akin na parang pinoproseso or inoobserbahan niya ang mga galaw ko.
"Labas ka saglit," pagkasabi niya ay tumayo siya saglit at saka lumabas siya sa room niya.
Akala ko naman ay kung ano ang gagawin niya pero pupunta pala siya sa room ni Carl at dun siya naupo.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanya saka tiningnan ang itsura ni Carl when he's looking at me like his sister is grown up or something.
"After season ko pa sana gagawin 'to pero nagtanong ako sa family mo at okay naman daw sa kanila pero syempre nasa iyo ang final decision." Pagpapaliwanag niya, and after that biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon si Tita Jenny, Ate Mia, Tita at Mama.
Hawak ko pa rin ang cellphone ko at kausap si Harold, mukhang siya ang may pakana pasimuno sa lahat ng 'to.
Pumunta kami sa may swimming pool kung saan maraming petals ng bulaklak ang nakatapon at nasa gitna ng garden ang tanong na 'Will you be my girlfriend?'
Agad naman akong napatingin kila Lolo na nakangiti na rin sa akin ngayon habang pinagmamasdan ako. Nakita ko rin ang Mama at kapatid ni Harold na nakangiti na rin sa akin ngayon.
Tumingin naman ako sa cellphone ko at nakita ko si Harold na nakangiti at mukhang nag-aantay sa sagot ko. Nakita ko pa na nagtatago sina Terrence sa likod ng lamesa kung saan nakaupo si Harold habang nakatingin lang sa akin si Carl at nakangiti.
"Sorry talaga at hindi ako mismo ang magtatanong niyan sa harap mo. Proxy ko muna sila Mama, babawi ako after season." Paliwanag niya at tumango naman ako sa kanya at ngumiti para ipakitang okay lang para sa akin.
Grabe ang effort niya para gawin 'to. Pinaliwanag sa akin ni Tita Remy na pinayagan saglit si Harold na pumunta rito pero lumayo sina Mama para iwas contact tapos 'di rin naman siya nagtagal parang siya lang ang nagsimula nito habang tinapos naman nila Tita ang iba.
YOU ARE READING
Maroon | Harold Alarcon
FanfictionUP Fighting Maroons #1 Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...