CHAPTER SIX

15.2K 393 23
                                    

Tihanna's POV

Nagmadali akong pumunta sa canteen at tumungo sa pwesto ng tatlo, umupo ako agad at ininom ang strawberry juice ni Seira.

Muntik ko ng maibuga ng maalala na naman ang amoy ng babaeng yun, it really smells like strawberry. Sino ba yun talaga?

"What happen to your lips, Shye?" nagtatakang tanong ni Heily sakin. Bakit ano meron? May naiwan bang lipstick niya?

"W-why?" Kinakabahan kong tanong.

"It looks so red, did you put some lipstick?" Tanong naman ni Seira.

"It's the n-natural color of my lips." hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanila.

"It looks like someone's crashed your lips, it looks like it kissed by someone so hard." napatingin naman ako kay Ms. Vera na ngingisi ngisi naman. Namula ang pisnge ko sa sinabi niya.

"N-no it's just normal, uhm I'll just order something I'll be back." Tumayo na ako at pumunta sa counter, napapikit ako dahil sa katangahang ginawa ko.

Ang landi landi mo talaga, Tihanna!

I saw a strawberry shortcake, iniwas ko ang tingin ko dun at dinako ang tingin sa candies pero stawberry candies din yung nakita ko, fuck!

Ano ba 'to? Pinapakonsensya ba ako dahil nakipaghalikan ako sa professor ko? Para naman akong nag cheat dun sa babaeng naka one night stand ko kahit hindi ko kilala yun.

"Yes miss anong order?" Tanong ng tindera saakin.

"One tuna sandwish and Iced caramel coffee" sagot ko na lang dito tsaka inabot ang bayad, hindi naman natagalan ay iniabot na nito ang order ko.

Huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa table namin, sana wag na silang magtanong pa.

Papaupo na sana ako pero gusto ko na namang tumayo ng makita kung sino ang nasa table namin, bakit siya nandito?

"Amirah is here, she'll join us daw" sabi ni Ms. Vera, napatingin naman ako sa kaniya but she's in the serious mode now. Shit.

Umupo na lang ako sa tabi ni heily which is nakaharap ko si Ms. Montello, swerte mo talaga Tihanna.

"So you like coffee huh?" napatingin naman ako kay Ms. Vera dahil sa sinabi niya.

"U-uh opo, more on iced coffee hindi ko masyadong bet pag hot." I said and sip on my coffee.

"Oh really? Kaya pala" hindi ko na narinig ang sinabi nito pero nakita kong siniko siya sa ni Ms. Montello.

"You know Amirah loves coffee too, but she prefer hot coffees because of me." tatawa tawang sabi Ms. Vera sa sinabi niya, bigla namang uminit ang ulo ko. Inakbayan nito ang nananahimik na si Ms. Montello.

"She likes hot coffee because I'm hot din daw, she can't resist me nga e, right babe?"  nakangisi pa rin siya, tiningnan ko naman si Ms. Montello pero nakatingin lang sya ng masama kay Ms. Vera.

I forgot na may Vera pala, mas nalagot ka lalo Tihanna!

"Are you guys dating?" napatingin naman ako Heily sa tinanong niya sa dalawa, ang direct to the point talaga ng gagang to. Pero bago pa man masagot ni Ms. Vera ay tumayo na ako.

"I need to go now, may gagawin pa pala kaming groupings, kayo din Heily and Seira we need to go. Ms. Vera and Ms. Montello we're going now, thank you for joining us here"

Dali dali akong umalis sa harapan nila, I don't want to hear her answer baka uminit ang ulo ko.

Wait, bakit naman iinit ang ulo ko? Dahil sa katunayang gusto mo yung masungit na professor na yun? Okay fine, I like her! It happened so fast, like what the fuck is happening to me?

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now