CHAPTER TWENTY-NINE

11.2K 342 59
                                    

A/N: Back to two chapters per day until the midterm break is done. Enjoy reading!

"Bakit ba kasi kayo nandito?" walang ganang tanong ko sa dalawa, nambulabog kasi ito at dis oras na nang gabi.

"We're here para uminom, narealize namin kanina na boring na pala sa bar. Dito na lang." sagot ni Heily sakin tsaka uminom ng canned beer.

"Tsaka nalaman namin na..." hindi natapos ni Seira ang sasabihin ng sikuhin ito ni Heily.

"nalaman namin na mag isa ka lang dito hehe." napairap ako sa kanilang dalawa dahil alam ko na kung bakit sila andito, nasabi na siguro ni mama sa kanila.

"I'm always alone here." Puno ng sarkasmong sabi ko sa kanila.

"Kaya sasamahan ka namin, halika kana dito inom kana." aya ni Heily saakin pero umiling ako. Nasa kwarto ko kami ngayon at nakahiga na ako sa kama habang may hawak na libro habang sila ay nasa lapag at nag iinuman.

"Someone called me earlier." sabi ko habang nasa libro pa rin ang mukha ko, naramdaman ko namang natigilan silang dalawa at parehas na tumingin saakin.

"Who was it?"Seryosong tanong ni Heily saakin.

"It's a woman's voice, she just call my name then hanged up." binaba ko ang librong hawak ko para tingnan sila.

"Don't mind it, baka prank call lang or wha---" I stopped Heily from talking.

"It's her voice." seryosong sabi ko sa kanila tsaka sila nagkatinginang dalawa.

"Shye, maraming magkakaparehas na boses. Baka na wrong number lang kaya binaba agad." no, it's hers. I know it's hers.

"It's her Seira, I know her voice. It's her." madiing sabi ko, you can fool me by other voices but not her voice.

"Okay, if it's her. What will you do?" seryosong tanong ni Seira saakin. Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya.

"You still want to be with her? Right? You're still inlove with the person who hurted you right? Shye, grow up!" sigaw ni Heily saakin, napalingon ako sa kaniya at nakatayo na ito.

"You still talking about her! It's not good for you!" nagsimula ng tumulo ang luha nito at inaawat naman ito ni Seira.

"I can't afford seeing you crying and locking up yourself again, shye!" naiiyak na sabi nito. I just looked at her straight in the eye.

"I just need to clear things up, Heily." deritsahang sabi ko sa kaniya kaya napatahimik ito.

"I just need to clear things up to finally move on, matagal kong pinag isipan kung anong kulang pa at hindi ko pa sya mawala sa isip ko. I just realized that I need her reasons and answers to my questions for me to be fully recovered. I'm fine, If I saw her again, I won't waste any time to ask for her reasons."  binaling ko ulit ang paningin sa librong binabasa ko, I know it will be hard for me but it's for my own good.

"We're one call away, shye. If you need something or you need a shoulder to cry on we're always here, Okay?" Hindi ko namalayang nakalapit na si Seira saakin at niyakap ako, nananahimik na din naman si Heily kaya baka kumalma na din ito.

"Let's get coffee downstairs." biglang sabi ni Heily habang pinapahid ang luha sa mata nito.

"It's 10PM." sabi ko sa kaniya pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Yes and it's the right time to drink coffee, I want to drink coffee and you two will come with me." niligpit naman nito ang dala niyang mga canned beers at dinala palabas ng kwarto ko.

"Hindi ba sasakit ang tiyan non?" tanong ko kay Seira na ikinatawa niya.

"Well, let's see. Come on." aya ni Seira saakin kaya tumayo na ako sa kama at kumuha ng jacket.

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now