CHAPTER TWENTY-THREE

12.1K 326 18
                                    

"Students! Please gather here!" Napalingon kami kay Prof Martinez ng tawagin niya kami, natapos kami sa paglilibot dito sa isla mga 4:00 na nang hapon at masasabi kong sobrang sulit ng oras na nandito kami.

Ngayon ay nagreready na kaming umalis dahil baka maabutan pa kami ng gabi sa dagat. Nagsilapitan naman kami kung saan naka pwesto ang mga professors namin.

"Guys I hope you had a great time roaming around in this island. We, your professors are thankful to all of you for cooperating in this activity. We would like to thank the residence of this island for accepting us here and also Ka Muego, Senyorita Vivian and Kamila for preparing us a good food. Maraming maraming salamat sa mainit na pagtanggap saamin dito." nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid matapos ang pasasalamat ni Prof Martinez.

"Maraming salamat din sa pagkilala niyo saaming isla, kahit anong oras ay tatanggapin namin kayo dito. Hinihiling ko na sana ay naging masaya ang paglalakbay niyo dto. Maraming salamat ulit." sabi ni Senyorita Vivian ng may mga ngiti sa mga labi. Makakabalik talaga ako dito sa ganda ng isla.

"Alright, we will call it a day. Maraming salamat Isla De Villanueva! Sa uulitin!" yumuko si Prof Martinez para magbigay pugay sa mga taga isla.

Nagsimula na rin kaming magsisakay sa mga bangka. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Ms. Montello at agad ko naman siyang nakita, mabuti at walang asungot na nakapaligid sa kaniya nandun kasi sumama kay Prof Martinez.

"Hay ang ganda talaga dito, magbakasyon tayong tatlo dito sa summer." sabi ni Heily na nakapangalumbaba.

"Sure! Gusto ko ring bumalik dito." sagot ni Seira sa kaniya. Nauna silang sumakay sa barko habang ako ay hinahantay na makalapit si Ms. Montello dito, nginitian ko ito ng magtama ang paningin namin at agad namang sumilay ang matatamis na ngiti nito.

"Let's go, girlfriend." Nakangiti kong sabi dito at iniabot ang kamay sa kaniya mabilis niya namang hinawakan yun tsaka pinauna siyang makasampa sa bangka agad naman akong sumunod.

"We will be having a pool party tonight, wear a nice swim wear." bungad na sabi nito saakin, muntik ko ng makalimutan yun.

"Yep, I have my rashgard on me. I'm always ready." nakangiti kong sabi sa kaniya pero inirapan lang ako nito.

"You didn't bring any bikini?" tanong niya sakin na mabilis kong inilingan.

"I don't like wearing those. Did you bring some bikinis?" tanong ko sa kaniya.

"Yes, I have an extra one and you'll wear it." akala ko tapos na ko kay Heily, nako naman.

"Amirah, I don't want to." mahinang sabi ko na saktong rinig niya lang.

"Yes of course you want to wear it." nakangiting sabi niya sakin.

"You should show off some skin baby, you have a body to die for. I want to see you confidently walking while wearing a bikini." she said while staring at me with full of adoration. Napahinga ako ng malalim.

"Okay, but can I have a favor atleast?" may naisip lang ako, subukan ko lang naman kung lulusot.

"Yes, what is it?" tanong nito saakin. Lumapit ako ng bahagya sa kaniya, mabuti na lang at busy yung ibang mga estudyante yung iba ay pagod ata kakalibot at yung dalawa naman ay panay kuha ng litrato.

"I will be the one who'll take off your swimsuit after the party. Hmm?" I saw her lips moved, oh she like that idea huh?

"You can always take it off." sabat niya na nakapagpangiti sakin.

"Alright I'll call it a deal. Be ready." nginisihan ko siya bago kindatan. Nasa kalagitnaan na kami ng dagat at nakikita ko na rin ang resort na tinutuluyan namin, it's almost 6:00 and the sun is ready to set.

Kinuha ko ang cellphone ko at pasimpleng kinuhaan ng picture si Ms. Montello sakto naman na sunset ang background nito kaya mas lalong napakagandang tingnan. Napangiti ako habang siniset yun bilang wallpaper ko. Looks perfect.

"Why are you smiling?" tanong nito sakin pero nagkibit balikat lang ako, ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa pampang. Nagsimula na ring magsibabaan ang ibang estudyante at nahuli naman kami ni Amirah.

Nauna akong bumaba para maalalayan siya, aabutin na sana niya ang kamay ko ng natigilan nito at may tinitingnan sa bandang likod ko.

"Let's go." Sabi ko pero hindi ako nito pinansin nandun pa rin sa likod ko ang paningin nito kaya napalingon na rin ako at nakita ang isang may katandaang lalaki at may kasamang dalawang bodyguard.

Seryoso itong nakatingin din kay Amirah, lumapit ang isang bodyguard nito sa gawi namin at inalalayang bumaba si Amirah.

"Dad." rinig kong sabi ni Amirah. Bigla akong napalunok sa pagtawag niya sa lalaking nasa harapan niya. Nakita ko namang lumapit din si Xav sa daddy ni Ms. Montello.

"Tito George, thank you for coming" sabi nito at tsaka sila nakipagkamay sa isa't isa.

"Of course, hijo. I won't let this night pass without witnessing this wonderful night." biglang sumilay ang ngiti sa labi nito.

"Thank you, tito." nakangiti ring sagot ni Xav.

"What are you two talking about?" naguguluhang tanong ni Ms. Montello.

"It's a surprise, Amirah. Oh Ms. Borneo you're still here." bigla namang akong naalarma sa sinabi niya, napatingin tuloy saakin ang daddy ni Ms. Montello.

"I w-was waiting for Ms. Montello. I'm sorry sir, I'll just go." aalis na sana ako ng magsalita ang daddy nito.

"Wait." napatigil naman ako.

"Are you the daughter of Miguel Borneo?" hindi na ako nagtaka na kilala niya ang papa ko dahil isa rin ito sa sikat na business man sa bansa maaaring nakatrabaho na din niya ito.

"Uh yes, sir." napatango tango ito.

"Good to know. You can go now young lady." napatingin muna ako kay Ms. Montello bago umalis.

Napasapo ko naman ang palad sa noo ng makalimutan kong ibigay ang bracelet na binili ko, mamaya na lang.

Nagtungo na ako sa kwarto namin ni Heily at nakitang nagchichismisan na silang dalawa.

"Oh anong latest?" bungad ko sa kanilang dalawa. Napatahimik naman sila agad at nginitian ako.

"We need to ready our bikinis girls!" masayang sabi ni Seira pero parang pilit lang, sigurado akong iba ang pinag uusapan nila kanina.

"8 PM daw magsisimula ang party kaya may time pa tayo para matulog." sagot ni Heily.

"I thought the party will start at 6:30?" napatahimik silang dalawa at nagkatinginan.

"Nagbago kasi ng time para daw makapagpahinga muna tayo." sagot ni Heily. Tumango tango ako, pano ko naman makukuha yung swimsut na ipapahiram ni Amirah? Sigurado akong busy yung dahil kasama niya ang daddy niya.

"Nandyan pa ba ang yung swimsuit na ipapahiram mo sakin, Heily?" tanong ko sa kaniya, kay heily na lang muna tapos sa susunod ko na hiramin yung bikini ni Amirah.

"You'll wear it? Gosh, here this color really suits you." then she hand me the red backless bikini. Napalaki naman ang mata ko.

"Hindi naman ako lalamigin nito 'no?" inirapan niya naman ako kaagad, tatanong lang e.

"Wag na maarte beh, yan na susuotin mo ha. I'm so excited!" Sabay tili nilang dalawa. Mga baliw.

"I'll just take a nap guys, wake me up later before 8 okay?" tumango naman silang dalawa, nilagay ko naman sa gilid ng mesa ko ang binili kong bracelet para sa kaniya. I'll give it to her later as a sign of my unconditional love for her. I smiled then closed my eyes to sleep.

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now