CHAPTER ONE

38.4K 481 87
                                    

Tihanna's POV

Gusto ko ng halughugin yung buong utak ko para maalala yung mukha ng babaeng naka one night stand ko last week pero kahit na anong gawin ko hindi ko magawang maalala.

Blurry lang ang naaalala ko, bukod sa pagtanggal niya sa glasses ko dahil na rin sa tama ng alak na pinainom nina Seira saakin.

Nagising ako kinabukasan na wala na sya sa tabi ko, tanging amoy niya na lang yung natira, nakakaakit na amoy. Sinubukan kong alalahanin simula nung nasa bar kami ay hindi ko talaga maalala.

"Tihanna Shye Borneo!" halos atakihin ako sa pagsigaw ni Seira malapit saaking tenga, magugulatin pa naman ako.

"Ano ba, Sei!" mahinang saway ko sa kaniya. Tumawa naman ito na parang baliw na.

"Kanina ka pa tulala dyan ineng" natatawa pa ring sabi nito.

"Don't tell me iniisip mo pa rin yung naka one ni-" bago niya pa tapusin yung sasabihin niya ay mabilis ko namang tinakpan yung bibig niya.

"Mahiya ka nga, Seira!" Sigaw ko dito. Mukhang nagulat pa ito sa sigaw ko. Tinapik niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya at mukhang gulat na gulat.

"OMG!" sabi nito. Nagtaka naman ako bigla sa inasta niya, minsan talaga baliw ito.

"Sumigaw ka, Shye! OMG nakakaproud, hoy si Shye sumigaw!" Sabi niya dun sa studyanteng hindi kalayuan sa pwesto namin. Sa kahihiyan, kinuha ko na ang bag ko at dahan dahang umalis. Minsan lang kasi ako sumigaw at ang baliw kong kaibigan napagtripan na naman ako.

"Hoy hindi ka naman mabiro!" Sabay hampas niya sa balikat ko, sumusunod na ito sakin.

Hindi pa kasi namin nahahanap yung classroom namin, we're currently 4th year college students taking up fashion course. Hindi man halata medyo saakin pero mahilig ako sa fashion, I like to make beautiful gowns.

"Yung room natin Seira ang unahin mo, first day to male-late tayo nito" nasaan na ba si France ng may katapat tong isang to, si France yung girlfriend niya bale tatlo kaming magkakaibigan at mukha akong chaperone pag magkasama kaming tatlo mabuti nga minsan ay nakakasabay si Heily na pinsan ko kaya nababawasan yung pagka chaperone ko.

"Hindi mo pa ba nakita? Apat na nga mata mo e tapos dalawa lang akin" napairap ako sa sinabi niya.

"Ay by the way, ano kaya yung itsura ni Miss A ano? Or baka alam mo tapos ayaw mong sabihin sakin kasi pangit siya?" ngayon nagsisisi na ako kung bakit ko ba kinwento sa kaniya yung nangyari tuloy isang linggo niya akong kinukulit sa kakatanong kung anong itsura nung babaeng yun.

"Tigilan mo nga yang bibig mo, Seira. May makarinig sayo dyan sisipain talaga kita." sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Sumusungit ka talaga ngayon beh dahil ba yan sa pilit mong inaalala yung mukha ng babaeng yun? OMG ka talaga Shye, masarap ba talaga?" naririnding tinakpan ko ang aking dalawang tenga sa tanong niya, oo masarap sya pero hindi naman kailangang ikwento yun.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang hawak hawak ni Seira ang braso ko, sa malayo ay tanaw namin si Heily na papalapit saamin, tumatakbo ito palapit sa amin.

Nang makalapit na ay niyakap ako nito ng mahigpit. Akala mo naman isang taon kaming hindi nagkita.

"Bitaw nga, makayakap ka naman" saway ko dito kaya napabitaw ito sa yakap sakin.

"Kaya pala ang blooming blooming mo netong mga nakaraang araw ha!" naguguluhan akong inintindi yung sinabi niya, anong blooming teka.

"Anong sinasabi mo?" Nakita ko namang dahan dahang umalis si Seira sa tabi ko kaya ngayon alam ko na kung bakit nasabi ni Heily yun.

"Huwag ka ng magdeny, naikwento na ni Seira sakin, ano na masarap ba? Ano ano ano!" Excited na tanong nito sakin pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Seira na ngayon ay nakangiti at naka peace sign saakin, sa sobrang inis ko ay binato ko ang pinakamakapal na librong hawak ko na sumakto sa ulo niya.

"Aray! Share the chismis kaya yung ginawa ko!" Reklamo niya sabay pulot ng libro ko.

"Hayaan mo na sya, pinsan mo ako diba? Kwento mo sakin lahat lahat as in lahat lahat!" hinila niya ako palayo kay Seira pero hinabol ko pa ito ng sama nang tingin. Humanda ka talaga mamaya, ilulublob kita sa mainit na tubig! Yung classroom namin hindi pa namin nahahanap mag aalas otso na!

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now