CHAPTER SEVEN

14.9K 401 35
                                    

Tihanna's POV

Pagdating ko pa lang sa bahay ay bumungad na agad saakin si papa, napangiti ako at lumapit dito.

"Oh hija, you're late." Lumapit din si papa sakin at niyakap ako, ngayon lang siya nakauwi ulit galing business trip.

"Papa." tanging sabi ko lang dahil namiss ko siya.

"I miss you my princess. How's school? Let's take a sit, I have a lots of pasalubong for you." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, alam ko kasi yung mga klase ng pasalubong ni papa he knows what I want.

"Papa you don't have to buy me anything, I'm a grown up woman na." Sabi ko dito na ikinailing lang niya.

"I just want to spoil my baby." Isa isa niyang binuksan ang laman ng paperbags at lahat yun ay pasok sa panlasa ko mapa damit hanggang perfume.

"Honey, you're here. Why are you so happy seeing your dad's pasalubong while you ignored my pasalubong ha?" kakababa lang ni mama mula sa taas at naka crossed arms pa. Nako naman talaga.

"Ma, you always buy me things I'm not comfortable and that's answers your question." sagot ko dito na tatawa tawa.

Tumawa din si papa kaya tiningnan siya ni mama ng masama. Hay they're so immature talaga minsan.

Kinuha ko na ang mga pinamili ni papa tsaka umakyat na dahil mukhang magbabangayan na naman sila.

Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ko ay dumiretso ako agad sa vanity mirror ko at napangiti na parang baliw. Naalala ko na naman kasi yung ginawa ko kanina, nakakakaba pero aamin ko masarap siyang humalik.

Napatakip ako sa mukha ko at napatili, pero nakakahiya pa talaga. Kinuha ko naman ang cellphone ko at binuksan ang facebook account ko. Clinick ko naman ang search button at walang ano ano na sinearch ang pangalan niya.

"Amirah Montello" sambit ko habang tinatype ang bawat letter ng pangalan niya.

Nasa unahan agad ang account niya kaya napangiti ako at clinick yun.

Bigla akong napalunok sa profile picture niya, she's only wearing a black one piece swimsuit.

Oh, no doubt she's big. Clinick ko yung photos niya at clinick ulit ang profile picture button, grabe yung mga profile pictures niya umaabot ng thousands ang likes. She deserves it naman because she's a goddess.

Nag scroll pa ako sa ilalalim at nakita ang pinakaunang profile picture niya, buti na lang talaga at naka public ang account niya.

Natawa ako sa unang picture niya dahil halatang jejemon era niya to, naka cap pa at naka peace sign. Gosh nakaranas din pala sya ng ganitong era.

I was busy looking at her old photo when my mother knock on my door, binaba ko muna ang cellphone ko at pumasok na si mama.

"Yes, ma?" tanong ko dito.

"Honey, the dinner is ready. Bumaba kana, okay?" tumango naman ako agad sa kaniya tsaka siya lumabas.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng makita kong naka like ako sa profile picture ni Ms. Montello 7 years ago, halos nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. Nanginginig ang kamay kong in-unlike ang picture niya, but I'm 100% sure that it already notified to her.

Sa sobrang inis ko sa sarili ko ay dumapa ako sa kama at sumigaw habang may takip na unan ang mukha ko.

"You're so doomed, Tihanna!" paano kung isipin niyang stalker ako? Hindi pa ba?

Letse ka talaga! Napatayo ako sa gulat ng biglang mag ding ang notification ko, tiningnan ko ang phone ko at halos lamigin na naman ako ng makita ang friend request niya, what do I do now?

Huminga ako ng malalim bago ko inaccept yun, nakakahiya naman kasi diba kung hindi ko sya ia-accept.

Ang kapal naman ng mukha ko non kung is-stock ko siya sa friend request list ko. Pagkatapos kung i-click ang respond ay tumakbo ako palabas ng kwarto ko, nakakahiya kasi talaga!

Pagkababa ko ay nakita ko sina mama at papa na nasa dining table na at masayang nag uusap, okay bati na sila. Sabay naman silang napatingin sakin kaya nginitian ko sila bago maupo.

"You look pale hija, are you okay?" Biglang tanong ni mama sakin na may pag aalala, paano hindi ako mamumutla e na-like ko lang naman yung picture ng professor ko 7 years ago.

"Yes ma, I'm just tired lang siguro." Sabi ko dito sabay ngiti ng pilit sa kanila.

"Take a rest after our dinner okay?" sabi ni papa kaya tinanguan ko ito.

Paano kaya ako magrerest kung nalike ko yung old post ng professor ko.

Nang matapos kaming kumain ay nakipagkwentuhan pa ako kina mama at papa, tawa sila ng tawa ngayon habang tinutukso nila akong magiging matandang dalaga na daw ako dahil wala pa akong pinapakilala sa bahay.

Sabihin ko na lang kaya na bakla ako? Na hindi sila magkakaroon ng manugang na lalaki kasi babae ang pakakasalan ko. I hope they will understand.

"Ma, Pa" sabay naman silang tumingin sakin.

"Yes hija?" Nakangiting tanong ni papa na naluluha ang mata dahil sa kakatawa.

"I'm gay" mula sa tawang tawa nilang reaksiyon kanina ay napalitan ito ng seryosong mukha.

"What?" tanong ni mama sakin.

"I'm gay, ma." Seryoso kong sabi.

"Yeah right, you're gay and?" tanong ulit ni papa saakin. Hindi na sila galit? Hindi ba nila ako sisigawan?

"Pa, I'm gay nga hindi kayo galit?" tanong ko sa kanila kaya nagkatitigan silang dalawa.

"We're in shock because finally may lakas ka na ng loob umamin." Nagtataka naman akong tiningnan silang dalawa, what?

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko.

"We already know that you are gay, sweet heart. Nalaman namin nang makita namin ang mga CD's mo na puro about sa girl fell inlove with a girl." nakangiting sabi mama sakin. So all this time?

All this time nakita nila yung mga CD'S ko and they didn't tell me? Nakakahiya kana talaga, Tihanna!

"Ma! Bakit niyo naman pinakealaman yun!" Sabi ko sa kanila habang namumula na naiiyak na, kasi naman e!

"Nakita lang namin anak, don't worry your secret is safe with us." Sabi naman ni papa tsaka nag appear pa sila ni mama. Nakaaimangot naman akong tiningnan silang dalawa kaya nilapitan nila ako at niyakap.

"Oh my little girl, it's okay that you're gay ang importante ay wala kang tinatapakang tao, okay?" Tumango ako sa sinabi ni mama tsaka yumakap ng pabalik sa kanila.

"Hush now my little baby, if the world is against with you, well we are here to support you. I love you, sweetheart." Napaiyak na tuloy ako sa sinabi ni papa, I'm so lucky to have them both.

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now