CHAPTER TEN

14.3K 375 19
                                    

Natapos ang isang araw na parang akong lutang na nakatulala, wala akong ganang lumabas sa room namin ng hindi inaantay ang dalawa, gusto kong umuwi.

Naglakad ako patungo sa parking at kung nasaan ang kotse ko, nakayuko ako na naglalakad habang nasa loob ng bulsa ang mga kamay ko.

That woman earlier is a Model, Na base sya sa france at kakauwi niya lang, bakit ko alam? Ni-research ko. She's quite famous, malayong malayo saakin.

That's her type, yung mala model ang datingan like Ms. Vera too, while me I'm wearing a thick eyeglasses, loose tshirt and a baggy pants. So what am I? pumatol siya because she just want something new? Ghad Tihanna, don't complain dahil unang una ikaw naman ang nagsimula.

Papasok na sana ako sa kotse ko ng biglang may pumigil sa braso ko, oh she told me kanina na hintayin ko siya kaya siguro nandito.

"Oh, Ms. Montello anything that you need?" walang gana kong tanong dito.

"Let's go." sabi niya saakin ng hindi pinuputol ang tingin nito.

"Where? Na-flat na naman po ba ang sasakyan niyo?" tanong ko dito at tinitigan ang hawak niya pa ring braso ko, binitawan niya naman ito kaagad.

"Uhm no, I told you earlier that wait for me here in the parking lot." wow, really?

"Ohh, about that Ms. Montello I really need to go somewhere, it's more important kung saan niyo man balak pumunta." sagot ko dito ng nakangiti. Umiwas naman ito ng tingin pero binalik din naman kaagad saakin.

"Where? Can I come?" tanong nito sakin, ghad!

"Baby!" napatingin naman ako kay Brea ng makitang papalapit ito saakin, yes she's a saviour.

"Oh hi, Ms. Montello." bati nito ng makitang nasa harapan ko lang si Ms. Montello.

"Oh here you are, kanina pa kita hinahanap, let's go brea." Aya ko kay Brea na ipinagtaka niya.

"What?" Nagtatakang tanong nito saakin.

"We're going now, Ms. Montello." Paalam ko dito tsaka hinila si Brea papasok sa kotse ko.

Bago magdrive paalis ay nakita ko pa itong sinundan ng tingin ang kotse ko. Great.

"Hey baby, where are we going?" tanong ni Brea ng makapasok kami sa kotse ko.

"Ihahatid kita, saan ang bahay mo?" tanong ko dito na ikinangiti niya.

"Really? Bakit naman biglaan? Do you want to meet my parents na ba? Of course pwede mo na silang i-meet pwede na din tayong ikasal agad e." Nakangiting sabi nito sakin kaya inirapan ko siya.

"Shut up, Brea. Just tell me where." agad naman nitong binigay ang address saakin. Buong byahe ay kwento siya ng kwento na wala naman akong naiintindihan.

Kasalukuyan na akong nagddrive pabalik sa bahay, I need some rest.

Pagkarating ko ay agad kong pinark ang kotse ko sa garahe, naglalakad na ako papasok sa bahay ng marinig ko si mama na may katawanan sa may living area kaya dumiretso dun para tingnan baka kasi sila ni papa yun.

Pagkarating ko doon ay nakita ko ngang may kausap ito pero hindi si papa kundi isang babae hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ako.

Maybe she's one of her client, paalis na sana ako paakyat ng kwarto ng tawagin ako ni mama.

"Tihanna, sweetheart! You're here na pala, come here meet my loyal client." Lumingon ako sa kanila at agad na nagulat ng makita kung sino yung kasama, what the?

"Ms. M-montello?" nauutal na sabi ko, pero nanatiling kunot ang noo niyang nakatingin sakin. Lumapit ako kung saan ang pwesto nila.

"You already know, Amirah?" takang tanong ni mama saakin.

"U-uh she's my professor mama." sabi ko dito at napa-ohh naman ito.

"Really? So how's my daughter, hija?" nakangiting tanong ni mama kay Ms. Montello.

"She's good, Tita." nakangiting sagot niya kay mama.

"Yes of course, my daughter is smart and look at her she's uniquely beautiful like her mother right hija?" Tatawa tawang sabi ni mama kay Ms. Montello kaya napairap ako

"Oh I'll check the Cookies muna, wait here okay?" Sabi nito saamin tsaka dali daling pumunta sa kitchen.

Nang tuluyan ng makaalis si mama ay dahan dahan akong umupo sa pang isahang sofa, nakita ko naman si Ms. Montello na kumukuha ng tissue at biglang tumayo papunta saakin. She handed me the tissue paper, why?

"Wipe that lipstick stain on your right cheek." bigla naman akong naalarma sa sinabi niya kaya bigla akong tumayo at pumunta sa harap ng mirror at meron nga. Si Brea, she kissed me on my cheek before she left my car I didn't know na mag iiwan ng marka yun.

"Is it Ms. DeVega who did that?" tukoy niya kay Brea. Tahimik ako at hindi siya inimik.

"Looks like you had fun." seryosong sabi niya ulit. I remain silent.

"The cookies are cooked, Amirah hija here taste it. You know this is Tihanna's favorite." napatingin ako kay mama na kakarating lang at may dalang tray ng Cookies.

"Really, tita? Oh I thought she likes something in red." napalunok naman ako sa sinabi niya.

"Red? Strawberry? Oh yes that's her favorite and cheeries too, hija." sabi ni mama ng nakangiti, nakita ko rin ang pag ngiti ng Ms. Montello na may kasamang sarkasmo.

"Yes tita, I thought that too 'cause the surrounding's filled with cherries scent when tihanna's came in." ghad, I'm not using perfume with cherries scent kay Brea yun.

"Oh? She doesn't have cherries scent perfume, maybe she got the smell from Heily or Seira." Sabi ni mama at nagtawanan sila.

"Oh right tita, I really need to go. I really don't like the smell of cherry, I'm allergic to it." sabi nito sabay tingin sakin kaya napaiwas ako.

"Oh I'm sorry hija, Shye honey, please samahan mo yung professor mo palabas." napipikit naman ako ng mata ng marinig ang sinabi ni mama, nako naman talaga!

"O-opo mama." tumayo na ako, nauna si Ms. Montello palabas habang naka sunod ako dito.

Palapit na kami sa gate ng huminto ito sa paglalakad at muntikan pa akong mabunggo sa likod niya.

Nagulat ako ng tumingin ito saakin, kaya napakamot ako sa batok ko.

"You're pissing me off, Borneo." seryosong sabi nito kaya napalunok ako.

"I don't wanna ask the most important thing you did dahil mukhang alam ko na." Wait? Is she thinking something na hindi dapat isipin?

"You kissed me first and when I returned the favor, you'll just easily find someone to share kisses with." natahimik ako sa sinabi niya, siya nga tong may kahalikan kanina and then ako pa daw yung may kahalikang iba?

What the hell?

"Just to let you know Brea is a friend Ms. Montello incase you're thinking something inappropriate." sabi ko dito.

"Oh right and pigs can fly, Borneo. You know what? I think it's ok to stay in Teacher-Student relationship, don't cross the boundaries again, Borneo." Huling sabi niya tsaka umalis sa harapan ko, biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi. Fuck!

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now