CHAPTER TWENTY-ONE

14.5K 389 38
                                    

Hindi na ako nakatulog ng maayos kasi naman! Hindi ko mapigilan yung ngiti ko.

We're official! Yeah she's my girlfriend and yes. Napatakip ako ng unan sa mukha ko at doon sumigaw, nakahiga pa kasi ako hanggang ngayon.

"Hoy! Nyare sayo 'te? Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Heily saakin na kakatapos lang maligo, kinuha ko naman ang unan sa mukha ko at umupo sa kama.

"Wala, chismosa ka." pigil na ngiti kong sabi.

"Hala hala 'te! Anong nangyari kagabi? Bakit ngiting ngiti ka ngayon?" umupo na din si Heily sa kama ko at inalog alog ang balikat ko kaya hinampas ko ang kamay nito.

"Wala naman, I'm just happy." tumayo na ako at kinuha ang towel at robe na nasa cabinet.

"Ang daya mo talaga, Shye!" sigaw niya ng makapasok ako sa CR. Naligo akong may ngiti sa mga labi, parang tanga naman kasi.

Sabay sabay kaming bumaba na tatlo at hindi talaga maganda ang mood ko ngayon, pinasuot ba naman ako ng ternong damit sakanila.

Para tuloy kaming triplets. It's a mint green color na may flowers flowers pa. Seira is wearing the croptop style, Heily is wearing the sleeveless type at sakin yung polo type.

"Aw we're so cute! We need to take a picture!" tili na sabi ni Heily at prinepare yung camera niya sa sobrang inis ko ay nakabusangot akong tumingin sa camera bahala sya dyan.

"Ang KJ, Shye ah!" sabi nilang dalawa at hinampas pa ako.

Pagkarating namin sa lobby ay andun na din ang mga students pati ang mga professors, nilibot naman ng paningin ko ang kaisa isang taong gusto kong makita ngayon araw.

And there she is, wearing a casual green top na pinaresan niya ng white na cardigan. It matches my polo, okay I'm not mad anymore. Napatingin naman ito sa gawi ko and smiled, napangiti din ako. Shit ganito ba feeling pag may girlfriend na?

"Oh oh you three look good ha! Matchy matchy pa talaga kayong tatlo, looks cute!" bungad ni Brea saamin na nakasuot ng hawaiian dress.

"Small things, Brea. Don't mention it." Mayabang na sabi ni Seira kaya natawa si Brea sa kaniya.

Sabay sabay naman kaming lumabas papunta sa seaside kung saan nakahilira na yung mga bangkang gagamitin namin para makatawid sa kabilang isla.

Nasa harapan na si Porf Martinez at nagbibigay ng instructions pero hindi doon nakatuon ang attention ko kundi doon sa babaeng gusto ko ng lapitan kanina pa.

Nang makakuha ako ng tiyempo ay dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya, clears my throat at idinikit ang katawan ko sa likod niya pero hindi namang gaanong kadikit para di halata.

"Goodmorning." mahinang sabi ko na sakto lang para marinig niya.

Pinaglandas ko naman ang kamay ko sa kamay niya, gosh this is so soft. Want to hold it forever.

"Goodmorning, did you eat your breakfast hmm?" mahinang ring sabi niya pero nakatalikod pa ito saakin.

"Yes, hmm how about you girlfriend?" bigla naman nitong iniwas ang ulo na parang may hinahanap and I can see her ear turning red, oh?

"Stop it, Borneo" she said in a very low tone of voice, oh I knew.

"Why? I'm just asking my girlfriend." Mahina akong natawa, sasagot na sana ito ng may tumawag sa kaniya kaya napalayo ako.

"Amirah, good thing at naabutan ko pa kayo. I want to go there too, and I will be your tour guide there." napa-tss naman ako sa sinabi ng asungot na to, sasama pa talaga.

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now