CHAPTER THIRTY-TWO

11.6K 366 55
                                    

A/N: Hello readers, sorry for the late update. I've been very busy for todays video, one update lang today and tomorrow. May pupuntahan pa ako bukas kaya one update lang din. I hope you all understand. Luv lots!

"Mauubos ba natin to?" nakatulalang sabi ni Heily, pabalik balik ang tingin nito sa tatlong na napuno ng pagkain.

"Mukhang hindi." sabi ni Vera habang nakatulala din.

"Let's eat." simula ko, kumuha ako ng salad nicoise at nagsimulang kumain. Naramdaman ko naman ang mga mata nilang nakatingin saakin.

"What?" Takang tanong ko.

"Wala, kain lang dyan." sagot ni Heily sakin na may kasamang ngisi, ano na naman?

"Ikaw Amirah, you should eat more too. Sobrang ipinayat mo. Eat more veggies and meat." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Vera.

"Eat this." sabi ko tsaka pinaglalagay sa plato niya ang gulay tapos karne.

"Hoy tama na yan, Shye. Hindi naman tataba agad si Ms. Montello sa isang kainan lang." napatigil ako sa pagsalin ng pagkain sa plato niya at sumulyap sa kaniya at nakitang nagpipigil ito ng ngiti, tss.

"It's okay, I can eat this." Sabi niya, tsaka ko lang na-realize ang ginawa ko kaya umayos ako ng upo at nagsimula na ding kumain.

"Ang sarap ng beef bourguignon nila ha." papuri ni Heily sa kinakain niya.

"It doesn't even taste good..." bigla na lang lumabas sa bibig ko, fuck this kung ano ano na lang lumalabas sa bibig ko.

"Bakit? May nakainan kana ba na mas masarap dito? Suggest mo sakin Shye ha!" masayang sabi ni Heily sakin.

"No, I just know it d-doesn't taste good." uutal utal kong sabi.

"I know someone who can cook the best beef bourguignon" singit ni Vera.

"Who?" excited na tanong ni Heily sa kaniya.

"It's Amirah." napayuko ako sa sinabi ni Vera.

"Ohhh, kaya pala." may pagsusuyang sabi ni Heily, kukunin ko sana ang tubig para uminom pero dahil sa ka-clumsyhan ko ay pag angat ko ng baso bigla itong nadulas sa kamay ko at nabuhos, mabuti sana kung saakin lang nabuhos pero pati din sa kaniya. Ang galing mo talaga, Tihanna!

"Oh gosh!" Tili ni Heily, napalunok naman ako ng sinimulan niyang pagpagin ang suot kong slacks ng kamay niya.

"Do you have spare slacks in your office? You can change it later." nag aalalang sabi niya pero siya nga ay basang basa na rin ang suot niyang trousers.

"S-stop it, I'll just go to the comfort room." suway ko sa kaniya kaya tumigil naman ito sa pag pagpag sa slacks ko. Dali dali akong tumayo at pumunta sa banyo. Agad akong pumasok sa isang cubicle at umupo sa bowl tsaka huminga ng malalim.

"Umayos ka, Tihanna!" mahinang sigaw ko sa sarili ko, napatakip ako ng kamay sa mukha ko. Narinig ko naman ang biglang pagbukas ng pintuan ng banyo kaya tumayo na ako at lumabas.

Pareho kaming natigilan ng taong nasa harapan ng salamin ng makita niya akong lumabas sa cubicle, bakit parang nagulat pa siya e dito nga sinabi kong pupunta ako.

Nagkasalubong ang mata namin sa salamin kaya iniwas ko ang paningin dito, pero sakto namang sa likod ako nito napatingin na ngayo'y wala na ang suot suot nitong cardigan kanina kaya hindi ako mapakali kung saan ko na naman itituon ang paningin ko.

"Are you okay?" tanong niya sakin kaya mabilis akong tumango.

"Nabasa din yung cardigan ko kaya I took it off muna." sabi niya sakin, lumapit naman ako sa isang sink na katabi lang niya at naghuhas ng kamay.

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now