CHAPTER TWENTY-TWO

13.7K 367 51
                                    

We finally arrived on the said Island and all I can say is wow! This is not an island, this is a paradise.

Nang makababa kami sa barko ay agad kaming sinalubong ng tumatayong punong barangay sa kanila at mga taong naninirahan dito, they're all smiling.

"Magandang umaga sa inyo!" sabay sabay nilang bati saamin. Masaya din namin silang binati, napadako ang tingin ko sa mga uri ng kasuotan nila. Makukulay ang mga iyo at parang hinabi lamang ng kamay nila, napakagaling.

"Nako tara muna doon at kayo'y sumilong, napakainit ng panahon ngayon." nakangiting sabi ni Ka Muego, kaya sabay sabay kaming tumango. Kasama naman nito sa paglalakad yung mga professors namin, napakaganda talaga dito.

"Grabe ang ganda dito, sarap tumira dito." sabi ni Heily na panay kuha ng pictures.

"You want to live here? Just tell me." nagulat kaming tatlo sa pagsulpot ni Ms. Vera sa likod. Bigla namang natahimik si Heily at huminto sa pagkuha ng picture.

"Ay nanahimik?" tukso ni Seira dito pero umirap lang siya. Nakita ko namang naglabas ng camera si Ms. Vera at kinukuhanan ng pictures ang paligid at masayang pinapakita yun kay Heily, pero dedma lang yung isa.

Hindi man sya magsabi saamin alam kong may something sa kanilang dalawa.

"You're ignoring me again." maktol ni Ms. Vera sa kaniya pero hindi talaga pinansin. Wow ha, LQ?

"Let's go girls, doon tayo. Ang ingay kasi dito." sabi niya tsaka kami hinila ni Seira palayo kay Ms. Vera.

"What happen?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya pero nanahimik lang siya ulit, okay I won't bother to ask. Magkkwento din naman yan kung kailan niya gusto.

"Pumarito muna kayo at may hinahandang simpleng pagkain ang mga tao dito saamin, masayang masaya sila dahil may bumisita ulit dito sa isla.

Sandali lang at tatawagin ko si Senyorita Vivian, siya ang isa sa tagapamuno dito sa aming isla" huminto kami sa isang bahay na kubo, pero naka modern style.

Umalis na rin kaagad si Ka Muego at pumasok sa loob ng kubo. Habang kami ay naiwan dito sa malawak na bakuran nila, hindi na rin masyadong mainit dito dahil napapaligiran ng mga puno ng aratilis at mangga.

"Alright students, after nating kumain ay sisimulan na tayong i-tour ni Ka Muego and you need to take down every details na sasabihin niya. We will also get to try their way of making their clothes and many more and that will be your activity for today. Be ready okay?" masayang sabi ni Prof Martinez saamin, mukhang nakakaexcite nga yun.

"Magandang araw sainyo mga studyante at mga propesor ng Brixton University." Lahat ng atensiyon namin ay napadako sa babaeng nakatayo sa balkonahe ng modernong kubo, malapad ang ngiti nito saamin at nakasuot ng puting bestida.

Kulay kayumanggi ang balat nito at nakalugay ang mahabang buhok. Woah, this is the true beauty of a filipina. Mukhang kaedaran lang din naman ito ni Amirah. Bumaba ito para lumapit sa mga kasama naming professor at nakipagkamay.

"Ikinagagalak kong makilala kayong lahat." nakangiting sabi nito saamin, napadako ulit ang tingin namin sa isa pang babaeng kakarating lang na nakasakay sa isang puting kabayo.

Napanganga kaming lahat dahil isang babaeng may kayumangging kulay ng balat at kulot na buhok na kakababa lang sa kabayo nito.

"Ouch!" mabuti at hindi napalakas ang pagkasabi ko non, paano ba naman kasi may kumurot na naman sa tagiliran ko, pagtingin ko kung sino ay biglang nawala ang pagka-kunot ng noo ko at ngumiti sa kaniya.

"Your eyes, Borneo. Want me to take your eyeballs out?" napalunok naman ako sa sinabi niya, kanina nandun lang siya kasama ang ibang mga professors e. Napatango ako sa sinabi niya at umalis na rin ito. Inayos ko naman ang itsura ko at sisiguraduhin kong hindi ako matutulala or ano dyan.

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now