CHAPTER TWO

21.3K 437 25
                                    

Tihanna's POV

Patuloy pa rin sa pangungulit si Heily sakin habang nasa loob na kami ng classroom at oo kaklase ko silang dalawa, hindi ko alam kong swerte ba to o malas.

"Tumahimik ka na nga, Heily. Madatnan ka ng prof natin na nakaluhod dyan talaga." Oo nakaluhod talaga sya sa harap ko at nagmamakaawang magkwento na ako. Hindi talaga matahi-tahimik yung buhay ko kapag kasama ko silang dalawa.

Balak ko pang tumayo para lumipat sa ibang upuan nang bumukas ang pinto at malakas na sinara ito.

"There's a lot of garbage in front and no one notice that?" Tahimik kaming nakatingin sa kaniya ngayon, bigla bigla na lang kasi itong pumasok.

"No one will move? In the count of three, two-" dali dali kaming tumayo at lumabas para kunin yung basura na sinasabi niya pero pag labas namin ay wala kaming nakitang ni isang plastic. Ano bang trip niya?

"Ay may topak ba yung proof natin? May nakikita ba syang hindi natin nakikita?" Sabi ni Heily at nag tsk lahat ng kaklase namin. Kakamot kamot kami ng ulo pabalik sa loob. Nakita naman namin syang nakaupo sa upuan niya at may kinakalikot sa laptop niya.

"Wala naman pong basura sa labas, Miss" lakas loob na sabi ni Mika, isa sa kaklase naming puno ng colorete sa mukha.

"Take your sits now" ma-otoridad na sabi nito, mabilis naman kaming bumalik sa upuan namin, ngunit bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng magsalubong ang tingin namin, tinitingnan din ako nito na may pagsusuri.

Napalunok ako ng ma-realize kung gaano sya kaganda, kulay tsokolateng mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Damn, she's truly a goddess.

"And why are you still standing there?" napakurap kurap naman ako ng magsalita ito, nakakahiya ka Tihanna. Yumuko ako pabalik sa upuan ko, yang apat na mata mo talaga Tihanna kahit kailan pahamak.

"Hoy nababading kaba dun sa prof natin? Grabeng titig yorn ah" bulong ni Seira na nasa likod ko lang, isa pa to.

"Tumigil ka nga" saway ko dito kaya napahagikgik ito ng mahina.

"Miss, the one who's wearing an eyeglasses, I kept on hearing your voice. Is there anything wrong?" napapikit naman ako, bakit ako na naman? Ang hina na nga ng boses ko.

"There's nothing wrong, M-miss." Sagot ko na lang dito.

"Please introduce yourself, it looks like your mind's not here." ganun na ba ako kalutang? Wala na akong nagawa kundi tumayo.

"G-goodmorning everyone, I'm Tihanna Shye B--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito ulit.

"Please volume up your voice I can't hear it clearly" kanina lang ay naririnig niya yung boses kong sobrang hina, ngayon namang malakas e hindi.

"I'm Tihanna Shye Borneo, pleased to meet you all" tumango pa ako bago umupo, nakakainis ang vibe ng prof na to.

"Okay Miss Borneo, thank you for introducing yourself. " tumango lang ako dito, sunod sunod naman yung mga kaklase ko na nagpakilala.

Hindi ko alam kung trip niya ba talagang inisin ako dahil tanging ako lang yung mahina ang boses kahit na may mas mahina pang boses kanina kesa saakin.

Natapos na ang lahat magpakilala, tumayo ito at tumalikod saamin. Bigla naman akong napalunok sa hapit na hapit nyang pencil skirt na nakapagpakurba sa may kalakihang pang-upo nito.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, ano bang nangyayari sayo Tihanna, umayos ka nga!

Inalis ko ang tingin ko doon at tumutok sa sinusulat niya sa white board. Professor Amirah Montello.

"I'm Amirah Montello, call me Prof Montello. I will be your prof in Pattern Making and Garment Construction, for now I will not discuss any lesson but we will proceed to our first lesson tomorrow. Consider this as your vacant. Thank you, class" sabay sabay kaming nagpaalam sa kaniya at lumabas namn ito agad ng classroom.

"Ikaw ha! Kakaano mo lang tapos parang aano ka ulit ha!" Tatawa tawang sabi ni Heily sakin, anong ano?

"Ano na naman?" naiinis kong tanong dito pero sabay lang silang tumawa ni Seira.

"Tara na sa canteen para di ka natutulala kung kani-kanino." Sabi ni Seira sabay akbay saakin.

Sabay na kaming tatlo na pumunta sa canteen, nahagip pa ng mata ko si Miss Montello na may kausap sa phone at mukhang naiinis din. Pinaglihi lang siguro sya sa inis.

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now