CHAPTER-THIRTY THREE

12.2K 357 56
                                    

A/N: Hello readers, Don't forget to watch episode 9 later at 12 midnight PH time. Yes, napaaga ang premiere time because episode 9 is a special episode. Trend starts at 10:30PM #ทฤษฎีสีชมพูEP9

Naimulat ko ang mata ng marinig ang paulit ulit na doorbell sa labas, ang aga aga pa. Tiningnan ko ang orasan sa lamesa na nasa gilid ng kama, it's 7:00 AM in the morning! It's my rest day for fuck sake!

Tumayo ako at pipikit pikit na lumabas ng kwarto, kung sino man tong istorbo sa tulog ko. Humanda ka.

"What!!?" nakapikit kong tanong sa taong nasa harapan ko, nakakainis!

"Goodmorning." Mabilis na dumilat ang mata ko ng marinig ang boses ng taong nasa harapan ko.

"W-what are you doing here!?" nanlalaking matang tanong ko sa kaniya, paano niya nalaman kung san ang condo ko? Kay Heily? Kay Seira? Kay Vera? Walang hiya talaga sila!

"I made an almusal for you." nakangiting sabi niya saakin at iniangat ang paperbag na dala niya, bigla namang nawala ang ngiti sa mga labi niya ng bumaba ang tingin nito sa suot ko. What!?

"Why are you wearing that? Bakit hindi ka nagsuot ng robe bago ka lumabas? What if I'm not the person who's infront of you right now? Your nips are erected!" wtf? bigla naman akong napatingin sa sa suot ko at napatakip bigla ng makitang isang manipis na sando ang suot ko at wala pa akong bra.

"W-well, pindot ka kasi nang pindot sa doorbell. H-hindi ko na naisipang magsuot ng robe dahil sa kaantukan ko!" balik ko sabi sa kaniya, parang kasalanan ko pa.

"Wait, what are you doing here btw? Kanino mo naman nalaman tong lugar ko?" tanong ko sa kaniya.

"I have my ways, get inside and put a robe." I raised my right eyebrow at tiningnan ito ng seryoso.

"Who are you to boss me around?" diretsahang tanong ko sa kaniya.

"I'm your girlfriend." seryosong sabi niya sakin.

"That was 2 years ago." I saw a glimpse of sadness on her eyes sa sinabi ko.

"Did we break up? I can't remember breaking up with you." seryoso pa ring sabi nito sakin.

"Then I'll tell you now, we're over." iniwas nito ang tingin sakin at tumalikod, tumingala ito.

"You didn't mean that." nilingon nito ako ulit at namumula na ang gilid ng mata at ilong nito.

"I mean it." napalunok ako ng sinabi ko yun, why is it so hard looking at her right now?

"No, take it back." umiling ako.

"You can leave now." isasara ko na sana ang pinto ng pigilan niya ito.

"What!?" pabalang sa sabi ko sa kaniya, gusto kong iiwas ang tingin sa kaniya dahil nagsimula na namang tumulo ang mga luha sa mata niya.

"Don't you l-love me anymore?" natigilan ako sa tanong niya.

"I loved you..." I paused.

"And 2 years is enough to forget and moved on, so please let go of my door and leave." pilit kong pinapatigas ang pagkakasabi ko non dahil unti unti na naman akong lumalambot.

Unti-unti niya namang binitawan ang pintuan ko, kaya mabilis kong isinara yun pagkatapos niyang bitawan. Napasandal ako sa pintuan at huminga ng malalim.

Gusto kong purihin ang sarili ko dahil nagawa ko yun ng hindi umiiyak sa harapan niya but the pain is still there, seeing her teary eyes and shaking hands gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko pero hindi, hindi pwede.

"It's okay, Shye. It's okay." pilit kong pinakalma ang sarili dahil nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.

Bigla namang may nag notif sa cellphone ko kaya kinuha ko yun at tiningnan. Message galing sa unknown number.

The Naughty Encounter | COMPLETEDWhere stories live. Discover now