-Hindi ko alam kung saang lugar ang aming pinuntahan, pero ang alam ko ay bahay nila Jenkins. May family gathering daw kasi sila kaya pinasundo ako upang ipakilala sa buong pamilya. Kahapon sobrang lakas ng ulan tapos ngayon ang init naman, abnormal na talaga ang panahon ngayon. Okay na rin ang pakiramdam ko, bumaba na ang lagnat liban nalang sa ubo at sipon na hindi pa rin nawawala. Hinahanap ko ang garden ngayon pero ang lawak naman kasi ng lugar. Puro garden nakapalibot at hindi ko alam kung saang garden ang tinutukoy niya.
May nakita akong tuta na paika-ika kung maglakad kaya agad ko itong nilapitan, lumuhod at binuhat sya. "Puppy, may sugat ka." Sabi ko pagkakita ng sugat sa kanyang paa.
"Excuse me ma'am, may I help you?" May lalaki na sa tingin ko nagtatrabaho as security ng bahay nila ang nilapitan ako.
"Ah, do you have a first-aid kit by any chance? Gagamutin ko lang po sana ang aso." Sagot ko. Kawawa kasi at may sugat, hindi naman sya mukhang homeless dahil sa linis at bango, baka siguro nasugatan habang naglalaro.
Agad itong kumuha ng kit at binigay sa akin. Umupo ako sa ilalim ng malaking puno bago sinimulan gamutin ang tuta. Ang lamig sa lugar na to, mahangin at sobrang fresh sa ilong ang simoy ng hangin.
"Tiis lang konti puppy, malapit na matapos." Kinakausap ko sya, as if may sasagot sa mga sinasabi ko.
Makalipas ang ilang minuto tapos ko na magamot ang sugat nito. Yung buntot nya na parang nagpapasalamat sa ginawa kong paggamot sa kanya at ang padila-dila nito sa aking kamay.
"Wag ka masyado malikot puppy, baka sumakit ang sugat mo sige ka." Ang cute nito. Matagal ko na talaga gusto mag-alaga ng aso't pusa kaso wala akong maipapakain sa kanila.
Abala ako sa pakikipaglaro kay puppy nang biglang may nagsalita, akala ko guni-guni lang pero hindi pala.
"Scarlet?" Pagtingala ko ay nakita ko ang isang magandang ginang pero doon napunta ang atensyon ko sa hawak nyang tungkod.
Mabilis akong tumayo habang buhat-buhat ang alaga. "Hello po, sa inyo po ba si puppy? Nakita ko kasi siyang may sugat kaya ginamot ko." Tanong ko bago sya nilapitan.
"Cris?" Nagtaas ang magkabilang kilay ko sa sinambit niyang pangalan. Kilala nya ako?
"O-Opo." Ano kaya ang parte nya sa buhay ni Jenkins?
"I-Ikaw ba yan?" Nalilito man sa kanyang ikinikilos ay marahan akong tumango. Hinaplos niya ang aking pisngi, ang kamay na naglalakbay sa bahagi ng aking mukha na parang pinag-aaralan ako.
"Sweety, what are you doing? I was looking for you." Biglang sumulpot si Jenkins kaya napatingin kami sa kanya habang hawak parin ng ginang ang aking mukha.
"Jenkins, may sugat kasi ang puppy na to. I was just trying to treat its wounds. I'm sorry kung natagalan ako, I couldn't just ignore it." Paliwanag ko sa kanya.
"Mom," tawag nya kaya gulat akong napatingin sa ginang. Mommy nya?
"Anak, sya ba?" Tumango agad si Jenkins. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa. Wala akong maintindihan sa kanila.
"Yes, my wife, Kris Cadell." Pakilala nya sa akin.
Agad akong nagbigay galang at iniyuko ang ulo. "H-Hello po, pasensya na kung hindi ko kayo nakilala. Hindi kasi sinabi ni- Miss Arleth ang tungkol sa inyo." Paliwanag ko sa ginang. Ayaw ko sya tawaging Jenkins sa harap ng kanyang ina at maging bastos sa paningin nya.