Kabanata 2

64.5K 858 46
                                    


Happy new year everyone!! May we have a prosperous and abundance 2023. Long time no update, btw this un-edited so expect ng errors here. Thank you so much!!

Kabanata 2


"WAHAHAHAHAHHAHAHAHA binlocked si ate?" natatawang sambit ni Ezekiel habang nakanguso ako at nagpiprito ng isda para sa hapunan.

"Oo, kasi hindi raw niya matawagan." sagot naman netong si Erika na halatang natatawa pa rin hanggang ngayon.

Umirap ako sa kanila "Susumpa ko kapag naging kami tatawanan ko kayo." seryoso kong saad kahit naman imposible na maging kaming dalawa ni Zach.

"Luh? Si Ate siopao na siopao." pang aasar pa ni Ezekiel sa akin kaya nahampas ko siya ng sandok. "Aray naman 'teh." umilag siya sa akin at napaayos kami ng tayo nung dumating na si Nanay at Tatay.

"Anong meron at ang iingay ninyo mga anak?" si Nanay at inilapag na niya ang dalang basket galing sa palengke. 

Nakabalik na rin kasi kami sa pwesto mabuti nga at bumaba na ang upa doon, natulungan ko rin sila makapag ipon para sa puhunan sa paninda namin. Unti unti kaming nakakabalik sa pagtitinda. 

"Si ate Elisse po may crush na." si Ezekiel na nakangisi pa sa akin kaya naman nanlaki ang mata ko. 

"Aba ang panganay natin gumaganern na?" si Tatay kaya naman tinaliman siya ni Nanay nang tingin. "Joke lang, anak ano yang crush crush na 'yan ha?" kunwaring pagalit na sabi ni Tatay kaya nakurot na siya.

Inayos muna namin ang hapag kainan at sabay sabay na nagdasal. "Sino yang crush mo?" tanong ni Nanay sa akin.

"Ah.." nakagat ko ang ibabang labi dahil sa kaba. "Sabihin mo na anak hindi naman kami magagalit." nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Nanay sa akin, dahil doon ay nagkwento na ako. Syempre ano pa ba makukuha ko? Pagtawa mula sa pamilya ko.

"Anak, isa kang dalagang pilipina dapat hindi ka gumagawa ng unang hakbang." si Tatay.

"Naku ayan na naman kayo kasi babae kami at bawal mag-first move." si Nanay, "dapat patas lang 'no? dapat kapag pwede ang isang gender pwede rin yung isa." She even added.

Sabay sabay kaming magkakapatid na tumango sa sinabi niyang iyon. "Joke lang naman mahal. alam ko naman na ang babae ay pwede pa ring mag effort para sa lalaki. Nasanay kasi ang mga tao na ang lalaki lang ang gumagalaw at kapag babae naman ay hindi dapat--"

Totoo nasanay kasi ang mga tao na kapag ang gender na iyon lang ang gumagawa ay ayun lang dapat. Kung kaya ng isa dapat kaya rin ng iba, tinuro sa amin ng aming magulang na dapat pantay pantay ang lahat anumang kasarian neto.

"Anak.." 

Napangiti ako nang makita si Tatay na nakamasid sa akin habang naghuhugas ako ng plato, tumabi siya sa akin. "Bakit po?" taka kong tanong.

"Kumusta ka anak?" He asked me, "Ayos na ayos po ako. Kayo po ba?" Ako naman ang nagtanong. 

"Ayos lang rin anak. Masaya na kami kapag nakikita na ayos kayong magkakapatid." Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang malaginto kong buhok. Nagpunas muna ako ng kamay bago yakapin si Tatay.

Naramdaman ko ang init ng pagmamahal ng isang magulang. Araw araw naman nila iyong binibigay sa aming magkakapatid, hindi man kami mayaman sa pera pero mayaman naman kami sa pagmamahal at pag aaruga ng isang magulang.

"Asus, ang anak ko naglalambing palibhasa may crush na." tudyo niya sa akin.

"Tatay naman eh.." pinadyak ko ang paa sa sahig habang natatawa naman siya sa akin, wow saya yarn?

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon