Kabanata 17

48.4K 584 60
                                    


Hello update for this week and  expect errors here po kaya sorry na agad. 

Warning: R18 

Kabanata 17 

Nakaawang ang labi niya na at kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa luha. Luha? Bakit naman iiyak 'to? 

Agad ko siyang tinaasan ng kilay ng makita siya sa harapan ko. Umayos siya sa pagkakatayo at para siyang nawawalang bata. 

"Oh, I forgot to introduce this man." inakbayan siya ni Daddy na ikinagulat ko.

"This is Zach Lavin Altieri the CEO of The Quelli Ardenti group of cars and inc. He's the son of the famous Hernan Altieri." nakangiti pa si Daddy habang sinasabi iyon.

"Zach meet my youngest daughter. Elisse Serafine Lewis and she's a lawyer now." proud na sabi ni Daddy.

Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Zach sa tuwa na ikinairap ng mata ko. Gusto ko siyang sigawan kasi ang kapal ng mukha niyang magpanggap sa harapan ng totoo kong magulang matapos lahat ng sinabi niya sa akin.

"Hi, nice meeting you." inabot niya sa akin ang kanyang kamay pero sa dulo lang ako ng daliri niya humawak at parang nandidiri pa.

"Yeah." tipid kong sabi.

Nakita ko ang sakit sa mata niya dahil sa ginawa ko pero hindi ko pinansin kung ano man ang nararamdaman niya. "Pwede na ho ba akong umalis? Hindi po kasi ako makahinga." naiirita kong sambit.

"Sige anak, puntahan mo na rin ang lolo at lola mo." si Mommy.

Tumalikod na ako sa kanila pero nung lumingon ay nahuli ko na nakatingin siya sa akin na para bang gusto niya akong hawakan. Umirap ako sa kanya bago muling maglakad sa loob ng hotel na ito.

Bakit nandito na ang gago na yun? Sila lola na nga lang ang tatanungin ko tungkol sa mga Altieri na 'yan.

"Sa kanila kami bumibili ng sasakyan dahil maganda ang quality at ngayon naman ay sa anak na." sambit ni lolo kaya naman napanganga ako.

What? Ang dami namang brand ng magagandang sasakyan bakit sa pamilya pa talaga ni Zach. Buong gabi akong nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang mga tao sa kapaligiran. Ganito pala talaga kapag mayaman puro ka-plastikan ang alam.

"Uy.." tawag ni Kuya Scott sa akin.

He's wearing a black dress shirt and holding a glass of wine. "Kung nakakamatay yang tingin mo ang dami ng namatay." tawa niya pa.

Umirap ako sa kanya at napangiti lang siya sa akin. "Sungit naman." sinundot niya ang bewang ko kaya napatalon ako.

"Kuya.." I hissed at him and he just let out a small laugh before caressing my blonde hair.

"Smile ka nga, ganda ganda mo kapag nakangiti." napailing na lang ako sa kanyang sinabi.

Bihira na kasi akong ngumiti magmula nung nangyari sa buhay ko ang ganong eksena. Pakiramdam ko hindi ko na deserve ang ngumiti sa mundong ito. 

Kita ko si Zach na kinakausap pa rin nila Mommy at Daddy, wow ha? Haba naman ng ata ng usapan nila.  Tumingin siya sa pwesto ko kaya agad ko siyang sinimangutan na ikinalaki ng kanyang mata.

Habang kumakain ako ng pasta ay napapansin kong may tumitingin at tama nga ako meron nga. Walang iba kung hindi ang mokong na yun. Tinitingin tingin niya sa akin? Saka kanina pa niya ako tinitingnan naiinis na ako.

"Anak.." tawag ni Daddy sa akin kasama niya si Mommy at si Zach.

"Ah. Tapusin mo muna ang pagkain mo." dagdag niya pa sa sinabi at tumango lamang ako.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon