Kabanata 14

39K 528 24
                                    


Warning: Graphic violence ahead and sensitive topics will be discuss please read with caution


Kabanata 14

"Hindi ka namin tunay na anak.." umawang ang labi ko sa sinabi ni Nanay pero ang mga mata ay lumuluha.

I felt like a bomb just exploded inside of me when I heard those words and when I look at my siblings I saw shocked on their eyes.

"Si Nanay talaga oh grabe naman 'yan? Prank ba 'to?" tanong ko pa sa kanya at luminga sa paligid. "Mag-vlog na ba tayo family kong super gorgeous?" I asked them but they remain silent.

"Maupo ka nga anak.." si Tatay na napapapikit na lang. "Totoo ang sinabi ng Nanay mo na hindi ka namin tunay na anak." umawang ang labi ko at ang luha na kanina pang pinipigilan ay lumabas na.

Tumayo ako sa harapan nila habang nakakuyom ang mga braso, parang sinusuntok ang puso ko sa naririnig ko mula sa kanila.

"Hindi po anak ninyo ako eh." laban ko pa pero umiling lamang si Nanay sa akin, "Hindi ka namin anak sa dugo pero dito.." tinuro niya ang kanyang puso. "Anak ka namin ng tatay mo ikaw ang panganay namin."

Umiyak ako ng tuluyan sa kanyang sinabi. "Nay, kadugo niyo po ako.." pilit ko pa pero umiling siya sa akin.

"Sorry anak ngayon lang namin nasabi sayo--"

Tumingin ako kay Tatay nagbabaka sakali na sabihin niyang anak nila ako pero hindi. Hindi ako tunay na anak at hindi ko sila kadugo. Nagsinungaling sila sa akin kaya naman tumalikod ako at lumabas sa bahay.

Doon ako nag iiyak ng sobra sobra akala ko ay matatapos na ang sakit na nararamdaman ko sa sinabi ni Zach pero mas nasasaktan pala ako. 

Natulog akong hindi sila kinakausap at kinabukasan ay niyakap ako ni Nanay at tatay habang nasa kusina ako nag aasikaso ng aming kakainin. Gagayak kasi kami sa bukid para naman may makain kami.

"Anak, sorry.." iyak ni Nanay sa akin, "Sorry anak hindi namin gustong itago sa iyo ang tungkol doon." si Tatay naman ang nagsalita sa pagtingin ko sa kanilang mga mata ay nakita ko ang isang magulang na puno ng pagmamahal para sa kanyang anak.

Agad akong binundol ng konsensya kaya naman niyakap ko sila ng mahigpit, "Sorry po..."

Niyakap nila akong dalawa habang panay sila hingi ng sorry sa akin. Si Tatay ay sapo ang mukha ko.

"Ang ganda ganda talaga ng anak ko.." malambing niyang sabi sa akin kaya naman mas niyakap ko siya.

Ano pa ang dahilan para magalit o magtampo sa kanila? Sila ang nag aruga sa akin sa loob ng ilang taon. Sila ang nagmahal, nagpakain, nagpalaki sa batang ako na hindi ko alam ay inibandona ba o ano.

Humingi ako ng paumanhin sa mga magulang ko at naintindihan naman daw nila ang magiging reaksyon ko kasi nga nabigla ako sa kanilang sinabi. Nagsama sama kaming muli para mai-kwento sa amin nila Nanay ang tungkol sa kung paano ako napunta sa kanila.

"High school sweetheart kami ng Tatay niyo at ilang taong nagsama mga anak pero hirap kaming magkaanak kahit anong subok namin." Nanay started off as we listened to her story. 

"Nagpokus kami sa pagtatrabaho mga anak. Si Tatay mo ay isang gwardya habang ako naman ay waitress sa isang bar na yun." 

"Palipat lipat kami ng tahanan kasi nagmamahal ang upa o di kaya'y hindi na maayos sa lugar na iyon pero ang tirahan natin noon ay nakatira na kami." banayad ang boses ni Nanay at ang sarap sarap pakinggan.

"Madalas akong pagchismisan na baka nagbebenta ako ng laman sa bar na iyon, syempre masakit sa akin dahil wala namang katotohanan. Nagdesisyon kami ng tatay mo na lumayo sa lugar na iyon."

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon