Kabanata 10

43.7K 509 21
                                    


5 chaps to go and hello exciting part na ba tayo? Hihihi 


Kabanata 10


Matapos ng usapan namin ni Tatay ay dumiretso na ako sa kwarto pero hindi agad ako nakatulog dahil sa dami kong babasahin. Makakapal na libro at kailangan ko ng mas malawak na pag iisip.

"Anak.." tawag sa akin ni Nanay na naghanda pala ng gatas. "Bakit po gising pa kayo?" tanong ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ang ginagawa ko. "Hindi lang ako makatulog anak at saka gusto kitang panoorin mag aral." sagot niya sa akin at yumakap ako sa kanya habang may ngiti sa labi.

"Si Tatay po ba? Nakatulog na?" tanong ko naman at tumango siya sa akin. "Ayun ang tatay mo bagsak pagod kasi yun kanina sa palengke ang daming binuhat." kwento niya sa akin at nakinig lamang ako.

"Hayaan niyo po nanay konti na lang naman ay abogada na ako tapos po hindi ko na kayo pagtatrabahuin dito na lang po kayo sa bahay." masiya kong sambit sa kanya at kita ang saya sa mga mata ni Nanay.

"Tapos po meron na tayong malaking TV at saka magaganda pang kagamitan-----

Tumango si Nanay at tinuro na ang mga libro na babasahin ko kaya bumagsak ang balikat ko kasi ang dami kong babasahin. "Go anaaaaaak." Nanay cheered me and I smiled at her. Pansin ko ang pagiging maputla ni Nanay  kaya naman ay nagtanong muna ako sa kanya bago magpatuloy sa pagbabasa.

"Ayos lang ako anak sadyang pagod lang ako sa pagtitinda." sagot niya pa sa akin pero tinitigan ko lamang siya. "Naku anak ko ayos nga lang si Nanay. Magbasa ka na dyan at manonood ako sayo." ngumiti siya at sumunod na lamang ako sa kanyang sinabi.

Ayun nga pinanood ako ni Nanay habang nagrereview at nagbabasa ako ng mga republic at at iba pang article, kinabukasan ay maaga ang pasok ko kaya naman dali dali akong nag asikaso papasok sa eskwelahan.

Bitbit ang mga libro at maliit na bag ay masiya akong pumasok sa loob ng classroom, binabati ko naman ang mga kaklase ko pero madalas kapag nasa loob na ay seryoso na kaming lahat. Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng recital at discussion tungkol sa mga republic acts mabuti na lang talaga ay nagbasa ako ng bongga kagabi.

"Is someone guilty has the rights to defend himself or herself in the court?" The professor asked us.

Chanel raise her hand for an answer. "Yes, because each person has a human dignity and as the lawyer it's our job to defend someone in the court with proper facts." She answered seriously.

"Are you sure?" the professor asked Chanel and she nodded her head. "How sure are you and what are your basis for that one?" tanong pa nito.

"My basis for defending my client is under article 11 paragraph 1 or the self-defense. The accused has the freedom of actions to defend himself or herself in the court." sagot niya pa sa tanong.

Mahaba pa ang pinag usapan nila at muli na namang nagtawag ang aming professor para sa iba pang katanungan.

"How are you gonna defend someone in a court if he or she is clearly guilty?" Our law professor asked the class.

She glanced at us one by one and I'm the one she calls first for that question. I stood up with a grace, "I will defend my client by providing the proper evidences for that case and of course as the defendant's lawyer I will defend my client with all the proper evidences in the court." I answered back.

"How will you find the evidences to defend that person if he or is clearly guilty?" she asked me again.

"To find the proper evidences by investigating the facts and determining the applicable law, evaluating the possible keys to obtain the possible outcomes and all of this are applicable under the Zealous representation of the client which pertains to the ethical duty of the lawyers." I answered back.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon