Kabanata 13

37.8K 516 56
                                    

Happy National Women's month to all the women out there!! Hindi tayo basta babae lang. 

Anyways, another update for this week hihi sipag yarn kasi 'di busy.  Expect errors here po kaya sorry na agad  mwaaaa!I t

Kabanata 13

"Surprise." he said in a glee as I stared at the picnic blanket with lots of food in front of us.

"What's this?" I asked him before sitting on the ground. "Stress ka eh kaya ayan naghanda ako para dito." sagot niya.

"Salamat love!!" masiya kong sambit at kinuha ang maliit na kahon para sa kanya. "A--ano 'to?" taka niyang tanong.

Napangiti siya ng buksan ang maliit na kahon na may lamang kwintas na ang pendant ay susi ng sasakyan. Alam ko kasing mahilig siya sa sasakyan kaya ayun ang pinag ipunan ko para sa regalo sa anibersaryo namin.

"Wow!!" kita ang saya sa kanyang mga mata bago niya ako patakan ng halik sa labi. 

"I love you love." I said happily.

He smiled at me "I love you the most---"

Nahuli man sa pagbigay sa kanya ay nakita ko pa rin ang pagmamahal sa kanyang mga mata. kapag may problema ang bawat isa sa amin ay pinapalakas namin ang loob ng isa't isa. Ang pagmamahal namin sa isa't isa ay mas tumibay pa sa ilang taon na magkasama kami. Sino ba'ng hindi matutuwa yung dating crush ko lang noon ay boyfriend ko na ngayon?

Araw araw niyang pinapadama sa akin na andyan siya kung wala man siya sa araw na iyon ay sobra ang pagbawi niya sa akin. Mahal na mahal ko si Zach at alam kong sa sarili ko na hindi ko kaya ang wala siya.

Hindi ako iiwan ni Zach kasi ayon ang pinangako niya sa akin, ayun ang pinaramdam niya pero nagkamali ako. 

Malamig siyang nakatingin sa akin habang ako ay nag aalpasan ang mga luha sa mata. Nanatili siyang walang emosyon.

"You fell in my trap." He laughed at me and stared from my head to toe. A lone tear escape from my eyes. 

"You're just playing around." kumuyom ang kamay ko sa kanyang sinabi pero pagak lamang siyang tumawa. "Love, please wag ka nang magbiro." garalgal kong sabi.

"Baka ano prank lang 'to diba? HAHAHAHHA" tumawa pa ako pero hindi nagbago ang kanyang ekpresyon.

"I'm not.." malamig niyang sagot "I'm just pretending that I like you and I decided to court you para naman may saysay ang paglapit mo sa akin---" 

Umawang ang labi ko sa narinig at hinanap ang boses bago magsalita. "A--anong sabi mo?" tanong ko.

"Niligawan kita kasi naawa ako na panay ka lapit sa akin dito sa field." sumikdi ang sakit sa aking puso. "I courted you for 4 months almost 5 months tapos nakuha ko agad ang oo mo." dagdag niya pa.

"Ibig mong sabihin lahat ng pinakita mo?" nanginig ang boses ko at isa isang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. "Ibig sabihin lahat ng yun wala lang?" tanong ko pa at umasa ako na tatanggi siya pero hindi.

Tumango siya habang malamig na nakatingin sa akin. "Nakakapagod pala magmahal ng kagaya mo 'no? Istorbo tapos panay iyak kapag may problema hindi kagaya ni Margaux." dagdag niya pa.

"Tama ka magkalayo kayong dalawa sobra...."

Pakiramdam ko ay tinutusok na ang puso ko ng sobra sobra dahil sa kanyang sinasabi. "Let's break up!" sambit niya sa akin pero lumuhod ako sa kanya na ikinagulat niya.

"Please, don't leave me..." I cried in front of him while the sun is setting. "Hindi.. na ako iiyak love kapag may problema sa bahay 'di kita iistorbohin love." iyak ko pang lalo pero nanatili ang malamig niyang tingin sa akin.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon