Kabanata 19

44.9K 546 76
                                    


Update po ulit para sa mga mahal kong readers. Thank you guys for the love and support hihi.

Kabanata 19

I fisted my palm as I told them the truth about what happened to me. I saw how my family's mood switched from curiosity to anger.

"That's why you avoided us." mom told me and I nodded. 

"Natatakot po ako nung una kasi mayaman kayo at hindi ko naman po kayo kilala." mahina kong sambit. "Iniisip ko po noon baka saktan niyo ako kasi hindi niyo naman po ako kilala eh." dagdag ko pa.

"But the moment we saw you unconscious on the ground, We knew that you're my daughter," mom told me, and I saw a loving mother while she was staring at my blue orbs.

I can see my replica with her as she looks at me with a smile on her face. 

"Ang sakit sa akin na makita yung anak namin nagkaganon at hindi namin alam ang dahilan." si Daddy ang nagsalita. 

"Salamat po sa pagtitiyaga sa akin sa mga panahong nasa baba ako." 

Ang mga kapatid ko ay nakikinig lamang sa akin pero bakas na bakas ko ang pag aalala sa kanilang mga mata.

"Ano'ng plano mo?" tanong ni Kuya Cloud sa akin.

"Lalaban ako kuya pero mahirap silang kalaban dahil nasa mataas silang posisyon." sagot ko.

"We're not Lewis for nothing. I can tap up some information and help you to destroy them." si Kuya Cloud.

"Just tell us. What do you want? Protection?" si Kuya scott naman ang nagsalita roon.

"Yes kuya at para sana sa mga kapatid ko."  sagot ko sa kanya, "Ayokong may gumalaw sa kanila kahit isa." 

"Palakasin mo muna ang loob mo anak kapag handa ka na saka ka kumilos." si Daddy at tumango ako sa kanya. Dahil nga nalaman na ng pamilya ko ay mas dumami ang koneksyon ko para hanapin kung nasaan ang lalaking pumatay sa kanila.

Alfred Samonte

Nagtagis ang bagang ko ng mabasa ang pangalan niya mula sa impormasyon na binigay sa akin ng private investigator na inuutusan ko. Dahil nga natandaan ko ang mukha ay agad kaming nakapagpagawa ng facial composite para sa kanya.

Nasa Maynila siya at ang kumpanya niya ay malapit sa isang law firm. Matayog ang kanilang negosyo at may ilan rin silang foundation para siguro matakpan ang kahayupang ginagawa nila.

Muling sumagi sa akin ang gabing pinahirapan niya kami at kung paano niya kinuha ang buhay nila Nanay at Tatay sa harapan ko mismo. 

Si Tito Jacob ay isa rin sa nagpayo sa akin kung ano ang mga dapat gagawin sa paglaban ko sa kaso, Magaling talagang abogado si Tito dahil na rin siguro na nasa lahi namin ang pag aabogasya. 

Habang nagmumuni ako ay tumunog ang cellphone ko dahil sa email ni Zach. 

From: zachlavin.quelliardenti@gmail.com 

Hi, how are you? Alam kong hindi ka magrereply pero sana okay ka lang. Anyways, I miss you my love. 

I fisted my palm and calm myself as I read his text. "Gago.." tanging sambit ko at hindi ko namamalayang napapangiti ako.

"What the hell?" I slapped my face. "Why are you smiling? Idiot." I mumbled.

I went to bar and enjoy drinking again. Mukhang nakahiligan ko na talaga ang pag iinom pero hangga't maari dapat moderate lang ako sa alak. Nilinga ko ang paligid at kita ko ang iba't ibang kulay ng ilaw.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon