Kabanata 24

42.3K 533 42
                                    


Kabanata 24

"She's your babysitter way back then." mom told me and with that a bomb just exploded inside of me.

"Ba--by? Sitter?" I stuttered while asking my mother. "Sure po kayo?" tanong ko pa sa kanya dahil hindi ako makapaniwala.

"Yeah, Why?" she tilted her head seriously and my breathe labored. My father and my siblings are looking at me with full of curiosity. 

Lumunok muna ako bago magsalitang muli. "Siya po yung tumulong sa amin dati para makaalis sa Maynila at siya rin ho yung nagturo sa amin sa mga Samonte." kumuyom ang kamay ko nung masabi ko iyon.

Napatayo si Daddy sa kanyang kinauupuan. "W--what?" he asked me with his eyes full of questions.

"What did you just say?" He asked again, and when I looked at him, I saw his eyes full of rage and fury.

Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa babae at sa nalaman ko tungkol sa kanya ay mas nagulat ako. Kaya ba ganon na lang ang tingin niya sa akin nung una ko siyang nakita? Kaya ba palagi niyang hinahawakan ang buhok ko?

"Busy kasi kami ng daddy mo sa trabaho at kailangan mo nang taga bantay." paninimula ni Mommy. 

"Sakto naman na nag apply siya sa amin at maganda ang kanyang record bilang baby sitter mo kaya tinanggap namin siya." dagdag niya pa sa sinabi.

"Pero isang araw natataranta siyang bumalik sa Hacienda kasi nga nawawala ka raw." bakas na ang inis sa boses ni Daddy. 

"Sabi niya nakabitaw ka at hindi na mahanap pa." napapikit ako sa sinabi ng aking ama, "Hindi naman siya pinaghinalaan dahil mabait siyang nag aalaga sa'yo sa mga panahon na 'yon."  kwento ni Daddy sa akin.

Nakaupo ako sa couch ko dito sa kwarto habang kausap ang tao na uutusan ko para hanapin si Nora.

"Yes, just look for her." I said coldly. "Look for some information about that woman." I fisted my palm.

Kidnapping ang pwede kong masampa na kaso laban sa kanya kung mapapatunayan kong siya ang dahilan kung bakit ako nawala kila Mommy at Daddy noon. Kailangan kong mas palawakin ang pag iimbestiga laban sa kanila para sabay ko silang mapabagsak ni Alfred sa kulungan.

It's already 5:30 pm in the afternoon, and I saw how the sun gets eaten by the clouds. A sudden fear and pain rushed through my veins; those painful memories under that sunset came back to my mind, and it hurt my heart.

Way back then, waiting and staring at the sunset was my favorite thing to do. Not until they hurt me under that.

Isang katok ang narinig ko mula sa labas ng aking kwarto, "Senyorita.." tawag sa akin ng katulong. 

Agad akong lumapit sa pintuan at wala na akong emosyon sa mukha. "Yes?" taas kilay kong tanong.

"Pinapatawag ho kayo ng daddy niyo." bakas pa sa kanya ang kaba habang nagsasalita.

"Sige, makakaalis ka na." walang emosyon kong sambit sa kanya. Nag ayos na ako bago pumunta sa opisina ni Daddy. 

Pagkarating ko ay nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at may binabasa na mga papeles.  "Dad!" I called him and he immediately raise his head to look at me.

Umupo ako sa upuan sa harapan niya. "Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko na sa kanya.

Nag usap kami ni Daddy at sinabi niya ang mga plano pa para mas maging malawak ang imbestigasyon para sa ikababagsak ng mga taong umagrabyado sa amin ng pamilya ko. Napasok na ni Kuya Scott ang kumpanya nila at talagang tiwala raw ito sa kuya ko kaya naman mas mapapadali na ang pag ungkat sa kung ano pang baho ang meron siya. 

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon