Kabanata 28 (Part 2)

40K 593 10
                                    

Part two for this chapter. Enjoy reading! Happy easter sunday everyone. 😍

Kabanata 28 (Part 2)

"Nagulat ka ba?" ngising tanong niya sa akin at napakuyom ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

"Hindi iyan totoo." hindi ako naniwala kay Alfred dahil baka ginagamit niya lang ang pangalan na iyon para asarin ako.

"Imposible----"

He shook his head, "Tsk. Abogada pa naman tapos walang alam sa nangyayari sa paligid." sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng hapdi sa aking dibdib.

"Kung talagang binayaran ka niya nasaan na ang pera?" tanong ko sa kanya at inilabas niya ang palad. "Wala na." tumawa siya sa akin kaya naman lumabas ang galit ko sa mga oras na ito.

"How dare you!!" may diin kong sabi sa kanya.

"Hindi mo alam yun dahil makasarili ka. Sarili mo lang iniisip mo akala mo ikaw lang ang nagsasakripisyo." mas umalab ang galit ko sa kanya at akmang sasampalin ko na siya nung mahawakan ni Ezekiel ang kamay ko.

Nagkatitigan kami at umiling siya sa akin, "Huwag mong dungisan ang kamay mo ate." suway niya sa akin at inalis ko na ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Huwag na huwag mong aalisin ang mata mo sa taong 'to." turo ko kay Alfred.

Umalis ako sa presinto at pagdating sa sasakyan ay halos matumba pa ako. Umuwi muna ako sa mansyon na tinutuluyan dito sa Makati, pagkapasok ay nabakas ko pa ang gulat sa mga mukha ng katulong. Ang tagal ko ba namang hindi nakauwi eh pero yun na lang ang gulat ko nang lumapit sila sa akin at kumustahin ako.

"Senyorita, kumusta po?" tanong sa akin ng isa. "A--ayos lang ako.." sagot ko na sa kanya

"Congrats po at napanalo niyo na ang kaso." sambit naman ng isa at tumango ako.

"Pwede bang ipaghanda mo ako ng bubble bath?" utos ko sa isa na agad namang sumunod sa aking sinabi. Umakyat ako sa kwarto ako at saka inisip ang sinabi ni Alfred tungkol kay Zach.

Habang nakalubog sa bula ay umiinom din ako ng red wine ang buhok ko ay nakapusod na medyo magulo. Inihiga ko ang ulo sa dulo ng bathtub at saka sinandal ang likod para mag isip pa.

"Makasarili ka." Totoo nga ba yun? Masisisi ba nila ako sa naging ugali ko matapos mangyari sa amin ang trahedyang iyon? Masisisi ba nila na ganon ang pakikitungo ko kay Zach? Sa apat na taon naming relasyon laro lang sa kanya ang lahat kaya naman nagtataka ako bakit niya binayaran ang utang ng mga magulang ko.

"Shit.." I cursed under my breathe before sipping on my wine. "Sumasakit ulo ko talaga sa'yo Altieri." yun na lang ang nasabi ko sa mga oras na ito pero may ngiti sa aking labi.

Hindi ko namamalayan ang sarili ko nandito na ako sa labas ng kumpanya ni Zach at nakatago pa sa gilid para pagmasdan kung andito nga ba siya. Maya maya ay lumabas na siya sa sasakyan niya nakasuot siya ng kulay asul na armani suit, kumalabog ang puso ko nung lumibot ang paningin niya at parang nagkatitigan kami sa loob ng sasakyan ko.

"Gaga ka.." sinampal ko ang sarili. "Bakit kasi nandito ka pa?" naiinis kong sabi sa sarili ko.

Para hindi na niya mahalata ay umuwi na lang ako. Maghapon lang akong nagbasa para naman malihis ang naiisip ko kay Alfred at Zach, sa sobrang boring ay natapos kong basahin ang ilang law books.

"Senyorita.." kumatok ang katulong sa kwarto ko.

"Pasok." yun lang ang sinabi ko at sa pagpasok niya ay nilapag niya sa harapan ko ang mga sariwang sunflowers

A bouquet of fresh sunflowers and a pink card is what I saw, and my heart almost thumped when I read the small message from him.
"Congratulations on winning the case. I'm so proud of you, my love. - Zach"

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon