Kabanata 6

43.2K 591 35
                                    


Eto na law school is here na hihi enjoy reading po at parang ang tagal matapos ng January ngayong taon, nasa isip ko nga ay January 50, 2023 na eh WHAHAHHAHA anyways enjoy reading asahan na may ilang errors kaya sorry na po agad. 

Kabanata 6

Malaking pakinabang din na naka-graduate akong may latin honors, inasikaso ko na rin ang requirements ko para sa pag apply ng trabaho. 

Kailangan ko ring magreview para sa LSAT para sa law school na papasukan namin ni Chanel, mabuti na lang ay sapat ang ipon ko sa trabaho ko noon at pagtitinda sa online. 

Napangiti ako nang pagmasdan ko ang mga law books na niregalo sa akin ni Zach nung graduation ko, he also graduated with flying colors way back on his college at maganda rin ang grades niya sa masterals.

"Nay, alis na po ako." sambit ko habang nasa kusina si Nanay, "Mag iiingat ka ha?" sagot niya sa akin.

"Opo." tanging sagot ko sa kanya.

I'm wearing a black trouser paired with white long sleeves and my hair is in high pony. I have an interview now, and I feel so nervous knowing that it's one of the big law firm in the country. 

"Napakaganda mo talagang bata." salubong ni Aling Chona kaya naman napangiti ako at nagpasalamat.

Naglalakad ako palabas sa lugar namin nang mamataan ang sasakyan ng aking nobyo, "Lah? sabi niya busy siya." bulong ko sa sarili. Dali dali akong lumapit sa kanyang sasakyan at kinatok ang bintana neto.

"Hey, Love." He smiled at me.

"Ikaw sabi mo busy ka." sambit ko pagpasok sa kanyang sasakyan at narinig ko lang ang kanyang mahinang pagtawa. 

"Syempre ihahatid ko yung girlfriend ko sa pupuntahan niya, good luck sa interview love." He said sweetly and I hugged. "Labyuuuuuuuuuu." I said in a sing song way.

"I love you so much---"

Nag-drive na siya papunta sa kumpanya kung saan gaganapin ang interview ko, sa isang coffee shop niya na lang raw ako aantayin tutal ay may aasikasuhin rin siya tungkol sa kanyang negosyo.

Pagpasok sa building ay umupo na ako sa pila kung saan tatawagin ang mga iinterview-in, tahimik akong nagdadasal at nung malapit na akong tawagin ay inihanda ko na ang sarili. Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ang lamig sa loob ng opisina ng HR. 

Confident naman ako sa mga sinagot ko sa kanya sa interview, at tuwang tuwa nung pasok ako para sa final interview at pinagtake na rin ako ng exam nung araw na iyon. Madali lang naman kaya nakapasa ako.

"Congrats, your final interview will be held on May 28 20xx." She smiled at me.

"Thank you." I said politely.

Paglabas sa building ay agad akong pumunta sa coffee shop kung nasan nakaupo si Zach, busy siyang nagtitipa roon at may kape pa sa kanyang tabi. Kita ko ang malalagkit na tingin sa kanya ng mga kababaihan.

"Hello." bungad ko sa kanya at napatingin siya sa akin. He stopped for a while before asking me.

 "How's the interview?" tanong niya at ngumisi ako.

"Hulaan mo." sagot ko nang nakangiti at umiling lang siya sa akin, "You, passed the interview." sagot niya.

"Wow, pwede ka nang pumalit kay Madam Auring." tumawa ako at napatakip nung pakiramdam ko ay nakatingin na sila sa akin dahil sa aking pagtawa, napailing si Zach sa akin bago tingnan nang pang asar.

"Yung tawa mo raw parang sa kambing." He whispered.

"Heh nga." I pouted and he chuckled, "What do you want?" tanong niya pa sa akin.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon