Kabanata 26

40.2K 543 30
                                    


Yay! Update hihi enjoy reading po. 

Kabanata 26

Nakakuyom ang palad ko at mga luha na aking pinipigilan ay naglabasan na naman sa kanyang harapan.

"Tell me what happened." He pleaded. "Bakit ka nagkaroon ng ganong sakit?" sambit niya pa.

Natahimik lamang ako sa harapan niya. "Sabihin mo sa akin bakit!!!" sigaw niya na nasasaktan na. 

"Anong karapatan mo na malaman ang tungkol sa akin?" tanong ko sa kanya.

Sinubukan niya akong abutin pero umatras ako, "Elisse." tawag niya sa akin habang naluluha sa harapan ko.

"Saka bakit ko naman sasabihin sa'yo yun? Eh diba pabigat lang naman ako sayo." pinaalala ko sa kanya ang mga sinabi niya noon sa akin.

"Istorbo ang turing mo sa akin kaya nga nagtataka ako bakit ginagawa mo pa yung mga bagay na ginagawa natin dati?" tanong ko sa kanya.

"That's because I love you so damn much." He answered back, and I shook my head. "No, you don't love me. You never did." I answered weakly.

"Sabi mo noon nahulog lang ako sa patibong mo na gusto mo ako kasi nga diba? Panay ako lapit sayo sa field akala ko ayos tayo kasi ano.." gumaralgal ang boses ko.

"Pinadama mo sa akin na gusto mo ako Zach." nasapo ko ang mukha ko sa harapan niya habang siya ay nakayuko lamang. "Pinadama mo na palagi kang nandyan tapos yung panahon na sobrang baba ko bigla mo akong iniwan----"

He cried and I could feel the agony on his voice. "I'm sorry.." he trembled.

"Matatanggap ko pa na hindi mo pinansin ang pagkakagusto ko sayo pero anong ginawa mo?" marahas kong tanong.

"Pinaasa mo ako ng ilang taon sa pagmamahal na naging komportable ako." iyak ko na at bigla siyang lumuhod.

"I'm sorry love.." iyak niya habang nakaluhod sa harapan ko. "Give me a chance please.." pagsusumamo niya sa akin.

"Sabihin mo ang dahilan para mapatawad kita?" nauuyam kong sabi sa kanya at tumingala siya sa akin.

Hindi siya nagsalita pero ang mga mata naman ay nakikiusap agad kong inalis ang pagkakayakap niya sa binti ko kaya naman natumba siya sa lapag. Inayos ko ang damit na nagulo dahil sa kanyang pagkakayakap.

"I hate you so much." I told him. "Sana hindi na lang kita nakilala." dagdag ko pa sa aking sinabi.

Kasabay ng masakit na puso ay ang paglubog ng araw na siya na namang naging saksi kung paano mawasak ang aming puso. Iniwan ko siya at hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi niya. Bakit pa? Niloko niya ako noon kaya alam kong ginagawa niya lang ang mga iyon para linisin ang sarili niya.

Pag uwi sa mansyon ay agad akong umakyat sa kwarto ko para umiyak nang umiyak. Sapo ko ang mukha habang nag aalpasan ang aking mga luha. Kinabukasan ay nag-leave muna ako sa trabaho ko para bumisita sa puntod ng aking mga magulang.

"Nay.. Tay.." paninimula ko, "Kumusta po?" tanong ko sa kanila na para silang sasagot sa akin.

"Nanay masakit po ang puso ko sana po nandito kayo para mayakap ako." nakaupo ako sa harapan ng puntod nila.

"Tatay sana nandito po kayo para sasabihin niyo na ang gorgeous gorgeous ng panganay ninyo." pagbibiro ko pa pero may mga luha na sa aking mga mata. 

Inilagay ko ang mukha sa aking tuhod habang hinahaplos ang kanilang puntod, umiyak lang ako sa harapan nila. 

"Pasensya na po ah? Natatagalan ho yung sa kaso kailangan ko po kasing pabagsakin sila." sambit ko.

"Hayaan niyo po ginagawa ko po ang lahat nang makakaya ko para mabigyan ng hustisya ang lahat ng nangyari sa atin." matapang na ang boses ko nung sinabi ko iyon.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon