Kabanata 29

48.8K 588 10
                                    

Contains: Sensitive topics.

Enjoy reading po and expect errors here. 

Kabanata 29

"Hindi ko na kayang wala ka sa akin." sambit niya sa harapan ko habang hawak ang mga kamay ko agad na tumulo ang luha sa mga mata ko, "Don't cry love. Lagi ka na lang umiiyak eh." ang boses niya ay malambot at binigyan niya pa ako ng halik sa pisngi.

Nakatayo lang kami sa labas ng reception kung saan ginanap ang kasal ng kaibigan kong si Chanel at ang asawa niyang si Travis na kaibigan naman ni Zach. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa aking balat.

"I hate you! I hate you!" I told him, and he just nodded. "I hate you, but I'm always looking for you." I stared at his hazel-brown eyes.

I saw how his mouth gaped while he looked at me intensely. "What? What did you say?" He stuttered.

Marahas kong pinunasan ang luha sa mata ko bago lumapit sa kanya at ihampas ang bulaklak sa dibdib niya. "Matalino ako eh pero kapag nandyan ka pakiramdam ko ang bobo bobo ko. Sabi ko galit ako sayo pero ano? Hinahanap kita Zach. Hinanap kita...." mas umawang ang labi niya sa akin at nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. 

Sa hindi malamang dahilan ay dinampi ko ang labi ko sa kanya. Ilang segundo naglapat ang labi namin at halos kumalabog ang puso ko nung muli niyang titigan ang mga mata ko sa oras na ito. 

"I love you, and I will accept your rage because that means you have feelings for me, even if it's just a hatred." He told me, and I remained silent. "Kesa naman wala kang pakialam sa akin 'di ba? Handa akong trabahuin ang tiwala at pagmamahal mo kahit na mag hirap ako basta nasa akin ka lang." 

"Pwede bang ayusin natin 'to?" tanong niya pa sa akin at nahihiya akong tumango sa kanya. Grabe kasi mga sinasabi niya eh wala ba siyang preno sa bunganga? Hindi na ako makahinga dahil sa lakas nang tibok ng aking puso.

I covered my mouth when I realized that I was the first one to initiate the kiss between us. 

"Hey? Are you okay? Bakit ganyan ka makatingin sa akin, mahal?" nag aalalang tanong niya sa akin. "Totoo ba talaga?" tanong ko kaya naman kumunot ang noo niya sa akin.

"Ang alin?" tanong niya rin. "Na ako ang unang humalik sa'yo?" dahil nga sa tinanong ko ay sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

"Oo, ikaw ang unang humalik sa akin." sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko dahilan para maglabasan ang mga paru paro. "I love you, Elisse." He told me and I nodded.

"Sagutin mo ako kapag maluwag na ang puso pero sa ngayon hayaan mo akong patunayan sayo na mahal na mahal kita." hinawakan niya ang palad ko saka ito binigyan ng halik.

Kung noon ay pinaghalong sakit at saya ang nararamdaman ko kay Zach ngayon naman ay puro saya na lang ang nararamdaman ko kapag nandyan siya. Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Nung hindi siya nagpakita sa akin ay siya na lang ang iniisip ko palagi.

"Saan tayo?" tanong ko sa kanya dahil nasa reception pa kami ng kasal nila Chanel.

"Hmm? Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya sa akin. "Ah, uuwi na ako tapos ikaw pumasok ka na sa loob dahil andon ang mga kaibigan mo magtetext na lang ako kay Chanel na nakau---" pinutol niya ang sasabihin ko at saka pinagsiklop ang kamay ko. 

"Kung saan ka dun ako." parang bata na sabi niya sa akin. Hinayaan ko na magkahawak ang kamay naming dalawa at sa mansyon sa Makati kami pumunta.

"Hi!!" masiyang bati ko sa mga katulong namin pagpasok at nakita ko pa ang gulat sa kanilang mga mukha.

"Se--senyorita? Binati mo na kami totoo ang diyos." nakakalokang sambit ng isa sa akin at bahagya akong natawa.

Narinig ko ang tawa ni Zach sa likod ko. "Masungit ba ang senyorita niyo? Pasensya na kayo sa kanya." yun lang ang sinabi niya.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon