Kabanata 7

42.9K 562 18
                                    


Hello guys bagal ko mag update pero this week sisikapin ko ang two updates at sana magawa ko siya since busy ako, btw hindi po ako law student pero sisikapin kong matawid ang ganap sa law school. 

Kabanata 7

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niyang iyon, hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at hinalikan niya ang gilid ng noo ko. 

Sabay naming pinanood ang papalubog na araw, habang dinadama ang pagmamahal ng isa't isa. Mahal na mahal ko si Zach at gusto ko hanggang kami sa dulo habang sabay naming inaabot ang aming pangarap.

"Kumusta naman ang business mo?" tanong ko sa kanya habang nakatambay pa kami sa plaza. 

"Umaayos siya love." He let out a small. "Marami na ring nagtitiwala sa talyer ko at may malalaki na akong kliyente." bakas ang saya sa kanyang boses kaya naman natuwa ang puso ko sa narinig kong iyon.

Sa aming dalawa ay ako ang mas madaldal mas marami akong sinasabi at siya naman ay nakikinig lang pero nagkwkwento rin naman siya sa akin kagaya ngayon. Madalas siyang seryoso pero kapag sa akin ay malambing.

"Tapos love, lagi kaming may recital." kwento ko pa at nakinig lamang siya. 

"Tapos ang strict pa ng professor namin kaya palagi akong advance magbasa kasi ayaw ko namang walang masagot." dagdag ko pa sa kanya. 

Mahaba pa ang pinag usapan namin hanggang sa magdesisyon na kaming umuwi sa kanya kanyang tirahan, bago matulog ay nagbasa muna ako ng ilang libro para sa advance reading. May klase kasi ako bukas sa law school. 

Ibang iba na sa law school kumpara nung pre-law student pa lang ako, mas kailangan mong magpursigi at tapangan ang sarili mo. 

Kinabukasan ay naabutan ko sila Nanay na nag aayos ng paninda papunta sa palengke, niyakap ko si Nanay na agad niya namang sinuklian. "Good morning po Nanay." masayang sambit ko. 

"Good morning anak at mag asikaso ka na." nakangiting sambit niya. "Nagluto na rin ako ng almusal mo para kakain ka na lang." dagdag niya pa.

"Good morning rin po sa inyo Tatay." I said happily.

"Good morning para sa maganda kong anak." nakangiting sambit niya sa akin at ginulo pa ang malaginto kong buhok.

Nagpasalamat ako at naligo na para sa pagpasok ko sa law school, paglabas ko ay nakahain na ang kakainin ko. Masaya akong kumain kasi si Nanay mismo ang nagluto neto para sa akin. Maya maya ay gumising na rin ang mga kapatid ko para sa pagpasok din nila sa eskwelahan

Ang bilis parehas na silang nasa kolehiyo mabilis lang naman ang panahon at sa mga susunod ay nasa maganda na kaming kalagayan.

"Nakanaks ate ganda natin ah." si Ezekiel habang may mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.

"Duh, palagi naman." sagot ko at humalakhak ang tungaw. "Lakas ng hangin buti na lang matibay ang bahay---"pang aasar niya pa sa akin.

Sumimangot ako sa kanya pero maya maya rin ay ngumiti na "Kain na kayo at papasok pa sa eskwelahan." sambit ko sa mga kapatid ko.

Kita ko ang saya sa mga mata ng aking magulang habang pinagmamasdan kaming magkakapatid, inaya ko na ring kumain sila Nanay para naman busog sila pag pupunta sila sa palengke.

Pagkapasok sa law school ay sa library muna ako dumiretso para basahing muli ang inaral ko kagabi, tahimik lamang akong nagbabasa ng may lumapit sa akin na isang lalaki. Inangat ko ang ulo ko para matingnan siya, "Yes?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Uhm.." nagkamot siya ng ulo. "I'm Leonel, you are?" pagpapakilala niya.

"Ah, I'm Elisse." nakangiting pagpapakilala hindi naman ako rude na tao para hindi sumagot. Tumingin pa siya sa akin, kaya naman inantay ko pa ang kanyang sasabihin. 

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon