Kabanata 20

48.7K 586 32
                                    


Last 10 chaps na lang huhuhu! Hindi po ako lawyer pero i-try ko ang best ko para sa court scene, enjoy reading po. <3

Warning: Contains sensitive topics

Tw: murder and abuse

Kabanata 20

"I'm gonna make you wet the bed again." He let out a handsome laugh.

"Omygosh." I scream and he just cackle. "Shut up, Altieri." I hissed at him.

He's wearing a handsome grin while staring at me intensely. I glared at him and held his wrist before pulling him out of the precinct.

 Nagpaalam na ako sa mga pulis sa loob ng istasyon at habang naglalakad ay nakasunod sa akin ang apat na magkakaibigan. Pumamewang ako sa harapan nila habang nakatingin ako sa kanila ng walang bakas nang emosyon sa aking mukha.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Altieri?" panenermon ko sa kanya.

Nandito kami sa gilid ng Police station, mabuti na lang talaga ay walang dumadaan masyado kung hindi maririnig nila ang panenermon ko.

"Dancing.." nagngingiting sagot ni Zach sa akin at nagtawanan ang dalawa niyang kaibigan. Walang iba kung 'di si Logan at Keith na halos maglupasay pa sa sahig kakatawa.

"WAHAAHAHAAHAAHAHAHAHHAHA tangina ang sakit mo sa apdo." halakhak ni Logan.

"HAHAAHAHAHAHAHA *coughs* HAHAHAHAHA akala mo poste na hinahangin e." tawa rin ni Keith.

Biglang tumalim ang tingin sa kanilang dalawa ni Zach at isa isa silang pinagbabatukan. "Tarantado kayo sabi niyo sumayaw ako para masuyo siya. Kasalanan niyo 'to eh. " singhal ni Zach sa kanila. 

"Syempre kwento mo 'yan masama kami dyan." si Logan na nakahawak pa sa dibdib.

"Tama." si Keith naman ang sumagot at si Mizuki ay napapailing na lang sa isang tabi.

"W--what?" nakakalokang tanong ko at isa isa silang tiningnan, humarap si Zach sa akin na parang bata. "S--suyo? anong pinagsasabi mo dyan, Altieri?" masungit kong tanong sa kanya.

Lumabi siya sa harapan ko bago tingnan ng masama ang mga kaibigan at ituro ang mga ito. 

"Sabi kasi nila dancer ka raw kaya dapat sasayawan kita para masuyo ka." sagot niya sa akin.

"Jusko po!!!" napahilot ako sa sentido ko, "Alam mo bang naistorbo ang law firm dahil sa ginawa ninyo?" sermon ko na sa kanila.

"Ganon talaga pare kapag gwapings maraming nanonood." sagot ni Logan kaya pasimple siyang sinipa ni Mizuki dahil masama na ang tingin ko.

Isa isa ko silang pinagalitan at nung natapos ay humingi sila ng paumanhin sa akin. Umalis an ang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Zach dahil sumunod pa siya sa akin. Alam kong nasa likuran ko siya pero hindi ko naririnig ang kanyang pagyabag.

"Oh, bakit andito ka pa ha?" mataray kong tanong sa kanya.

"Sorry..." 

Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi, "Dapat lang dahil hindi ako natutuwa sa ginawa mo kanina." malamig kong sambit.

"Sorry talaga hindi na mauulit." hingi niya ng paumanhin sa akin.

"Sige na may trabaho pa ako sa firm at saka baka may trabaho ka pa sa kumpanya mo." walang emosyon kong sabi sa kanya, bago siya umalis ay hinalikan niya muna ang likod ng palad ko dahilan para kumawala ang mga paru paro sa aking tiyan. Pero, mas nanaig ang galit ko sa kanya dahil alam kong hindi iyon totoo.

Umalis na siya at nakabalik naman na ako sa law firm para ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko. Gabi na nang makauwi ako sa mansyon namin dito. Sa pagpasok ay sinalubong ako ng madilim na kapaligiran.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon