Kabanata 22

44.1K 586 37
                                    


Update ulit kasi hindi busy sa trabaho hihi sana magustuhan niyo. 

Kabanata 22

I decided to change my surname from Lewis to Mendoza, and that decision was supported by my family. I thought they were going to be mad because I wouldn't use their last name as a lawyer. But I was wronged. They supported me and respected my decisions in life.

"I respect your decision anak." mom told me as she held my palm, "Sila ang nagpalaki sayo kaya ayos lang sa akin." sambit niya pa nung nag uusap kami dito.

"Hindi naman sa apelyido nababase kung pamilya ka namin, ang pagiging pamilya ay nababase sa pagsasama at pagtitiwala sa isa't isa." dagdag naman ni Daddy.

The family that I have right now would always check if I was doing okay. Of course, I didn't want to bother them, so I always told them that I was okay, even though I was not. That horrifying event is still inside of me.

Pakiramdam ko bigla silang dadating at sasaktan ako kaya naman wala akong tiwala sa aking paligid. Wala akong tiwala kahit kanino maski kay Zach na hindi tumitigil sa kakasuyo sa akin, pakiramdam ko ay ginagago ako ng lahat.

Masyado akong mabait noon na ang dali dali sa kanilang apakan at sirain ang tiwala ko kaya naman ngayon ay may pader na ako sa sarili na hindi basta bastang maaakyat ng kung sino man.

Kapag naging malambot ako baka masaktan na naman ako kagaya ng dati. Ayoko na, pagod na ako maging mabait sa kahit na sino.

"Atty. Lewis, oh, sorry, you're Atty. Mendoza." My co-workers talked to me.

"Yeah," I answered back while sipping on my coffee. I need to relax after reading lots of documents.

"Lewis family is one of the most influential why did you change your surname?" she asked me now.

"Long story." tipid kong sagot sa kanya.

Pagkatapos kong mag-coffee break ay bumalik na ako sa trabaho para basahin ang papeles sa bagong kaso na hawak ko. Hinahasa ko muna talaga ang sarili ko sa korte para kapag sila na ang kaharap ko talagang mailalampaso ko na sila.

Nakamasid ako sa labas kung saan kita ang kumpanya na pagmamay ari ng taong pumatay sa magulang ko. Nahukay ko na rin ang ilan sa mga mababaho niyang sikreto na pwede kong gamitin para tuluyan siyang bumagsak. 

From: Kuya Scott kong gwapito.

He owned this bar, and he sells women for money.

Nakuyom ko ang kamao ko nung mabasa ang sinabi ni Kuya Scott sa akin, talagang halang ang kaluluwa ng isa na 'yon.

"Hi.." masiyang salubong ni Zach sa akin pagkalabas ko sa law firm, agad ko siyang tinaasan ng kilay pero imbis na mailang ay ngumiti pa siya.

"Kain tayo." aya niya sa akin kaya naman inismiran ko siya bago magsalita, "Bakit naman tayo kakain ng sabay aber?" mataray kong tanong sa kanya.

I was taken back when I saw his perfect set of teeth because he smiled at me, he looks so handsome wearing that blue dress shirt paired with his black pants. 

"Libre kita."

Kuminang ang mata ko sa kanyang sinabi at pakiramdam ko ay tuwang tuwa ako, agad ko siyang nilapitan saka hinila ang kamay.

"Hindi mo naman sinabi na libre mo." nagngingiting sabi ko. "Kaninong kotse gagamitin?" tanong ko sa kanya.

"Ah, sayo na lang." sambit niya sa akin, "Wala kasi akong dala na sasakyan, Nag-commute ako papunta sayo." napakamot siya sa batok niya.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon