Kabanata 21

45.6K 592 37
                                    


Hello po update for today hihi sana magustuhan niyo and btw this is un-edited so expect po ng errors.

Kabanata 21

Ang alam ko galit ako kay Zach pero bakit nasasaktan ako sa nakikita kong sitwasyon niya. Agad ko siyang ginising para magising siya sa masamang panaginip o kung ano man ang dahilan bakit siya nagkakaganyan ngayon sa harapan ko. 

"Hey.." mahinahong sambit ko. "Wake up.." 

Agad siyang nagdilat ng mata at sa kanyang pagdilat ay nagtama ang mata naming dalawa. 

His hazel-brown eyes stared with my blue ones, and I felt like my heart was about to go out while our gazes were locked with each other.

"You're here.." he mumbled and I nodded my head. "Are you okay?" I asked him softly.

"Oo." sagot niya sa akin at pilit siyang bumangon "Sure ka?" muli kong tanong sa kanya.

"Ayos lang ako kasi andyan ka na." mahinang sambit niya sa harapan ko.

Napaigik siya nang maramdaman ang hapdi sa kanyang tagiliran, kaya naman nataranta ako sa mga oras na ito.

Tumayo ako sa harapan niya para maabutan siya ng tubig. "Here." abot ko sa tubig na agad niyang tinanggap.

"Thank you." he told me, "Btw, why are you here?" he asked me curiously. 

My eyes narrowed at him and I put one hand on my waist before speaking. "Pasaway ka, huh?" inis kong sabi.

"May lagnat ka tapos may tama ng baril." panenermon ko sa kanya. "Tapos ano nagbabad ka sa ulan?" para na akong nanay sa harapan niya.

Nakatitig siya sa akin habang sinesermonan ko siya dahil sa kapasawayan niya sa buhay. Kumuha ako ng unan para ihampas sa mukha niya kasi nakakainis talagang nagagawa niya pa ang pagngisi habang nag aalala ako. 

Nag aalala? Ha? Anong pinagsasabi mo dyan, Elisse?

"Ouch." he touched his face. "Bakit?" naguguluhang sambit niya dahil sa pagpalo ko sa kanya ng unan.

"Kita mo na ngang sinesermunan ka tapos pangingiti ka pa d'yan." mataray kong sagot sa kanya.

Ngumiti siya sa akin bago magsalita, "Ang ganda mo naman kahit nanenermon." sambit niya na nagpatibok sa aking puso.

Tumalikod ako sa kanya para pigilan ang kung ano mang nararamdaman. Huminga muna ako nang malalim bago humarap sa kanya at suot ko na ang malamig kong ekspresyon. "Oh, tapos?" taray ko sa kanya.

"Sabi ko lang maganda ka e." bulong niya sa akin.

"Ewan ko talaga sayo." inirapan ko siya.

"Sorry.." 

Tumingin siya sa akin at tumango ako. "Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Konti lang wala kasi akong gana." sagot ko sa kanya roon.

Agad siyang tumayo muntik pa nga siyang matumba kaya naman dali dali ko siyang inalalayan. "Dahan dahan nga." mahinahon kong sambit sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami sa kanyang kwarto. Bumaba kami sa kusina at pinaupo niya ako banda sa counter.

"Gagawin mo?" tanong ko sa kanya.

"Lulutuan ka." sagot niya sa akin kaya naman umawang ang labi ko. "Ha? marunong ka?" sunod sunod kong tanong.

"Konti, nagpaturo lang ako ng iilan kay Travis." sagot niya sa tanong ko.

Bigla kong naisip si Travis sa pagkakaalala ko kasi ay nakulong siya. "Kumusta na pala si Travis?" tanong ko sa kanya.

Safe Haven (Organización Intrepída series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon