Capitulo-IV

221 7 0
                                        

Ilang linggo palang simula nang magtungo sa mortal realm ang Hari ay nag umpisa ang pagsisiyasat ng Midwife kay Melitta sa pagbabaka sakali na sya ay nag dadalang imortal na.

"Kamahalan kailangan nyo pong humiga upang maumpisahan ko na ang pagsisiyasat ng inyong obaryo."

Namula naman si Melitta sa sinabi ng Midwife, muli nya tuloy naalala ang ginawa sa kanya noong unang dating pa lamang nya sa Harem, at ngayon ay mukhang gagawin nanaman ulit sa kanya ang nakakahiyang posisyon na iyon.

"wala bang ibang paraan upang masiyasat ako?" mahinang tanong nya sa midwife bakas na aasiwa sya sa pinapagawa nito sa kanya kaya napatikhim ang mdwife bago napangiti.

"Kinalulungkot ko po ngunit ito lang po ang tanging paraan upang matignan kayo"

napanguso naman si Melitta.

"Hindi ba pwedeng siyasatin ako ng mga salamangkero? Naalala ko noon na siniyasat ako ni Ginoong Silvan noong ako ay nanghihina dahil sa tatlong araw kong pagkawala ng malay"

Napakurap kurap naman ang midwife sa sinabi nya halatang wala itong ideya na maaari pala ang ganoon.

Hindi nakapag salita ang Midwife kung kayat nagsalita na  si Luna.

"Kamahalan maaari po na masiyasat kayo gamit ang mahika ngunit, ang prosesong kailangan gawin ng salamangkero ay kailangan nila kayong hawakan na isang bagay na pinagbabawal, walang sinumang lalake ang maaaring humawak sa babae na miyembro ng Royal Family lalo na at kayo ang Reyna at isa pa po wala dito si Ginoong Silvan at wala na pong ibang salamangkero dito sa Relmo maliban sa kanya kung kayat imposible po ang inyong nais mangyari."

Bumagsak naman ang bibig ni Melitta dahil sa mga sinabi ni Luna, hindi nya alam na wala na palang ibang salamangkero sa Relmo maliban kay Silvan hindi na sya magtataka kung bakit isa si Silvan sa kinakatakutan sa Council dahil ito sa taglay nyang kapangyarihan na tangig sya lamang ang mayroon at napakapalad ng Royal family dahil tapat na tauhan nila ang gaya ni Silvan.

Napabuntong hininga nalang si Melitta dahil sa kawalan ng pagpipilian kailangan talaga na humiga sya at bumukaka upang matignan ng midwife ang kanyang tinatagong bulaklak na tanging ang hari lang ang nakakita, mabuti nalang at babae ang sisiyasat kung kayat nabawasan ng kaunti ang pagkailang nya.

Ngunit nang umpisahan na ng Midwife ang kailangan nyang gawin ay nangamatis ang mukha nya at hindi nya napigilan ang mapatakip mukha sa kahihiyan.

napansin naman ito ng mga handmaiden nya na kinangiti nalang nila.

Ilang minuto rin ang lumipas bago natapos ang Midwide sa pagsisiyasat kay Melitta.

Inalalayan ng mga hand maiden ang Reyna sa pagtayo at pag ayos ng damit nito habang ang midwife naman ay nagliligpit ng mga gamit.

Nang matapos ito sa pag aayos ay humarap na ito kay Melitta at sinabi ang resulta.

Bumuntong hininga ang Midwife sa reaksyon pa lamang nito ay halata nang hindi maganda ang resultang sasabihin nito sa kanya.

"Wala po akong narinig na pag tibok ng puso sa loob ng iyong matris kamahalan."

Hindi nakapag salita si Melitta

"Hindi rin po kayo nag oobulasyon kung kayat hindi kayo dinadalaw, isa po itong paglaktaw sa inyong buwanang dalaw at nangyayari ito sa iba't ibang babae."

Napabuntong hininga naman si Melitta sa kanyang mga narinig kung ganoon, nahuli lamang ang kanyang regla at hindi sya tunay na buntis

"May pag asa ba talaga akong magbuntis?"

Natagalan ang midwife bago nakasagot sa kanyang katanungan.

"Mababa po ang posibilidad ngunit gagawin po natin ang lahat, kailangan po nating hintayin na magkaroon kayo at pagkatapos muli po kitang susuriin, dapat ay muli kayong magtabi ng Hari sa unang araw ng inyong obulasyon upang kayo ay makabuo na."

The King's Heir #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon