Capitulo-XIV

118 7 0
                                    

Nang matapos maisulat ni Silvan ang simbolong magdadala sakin patungo sa kabilang relmo, ay nag-umpisa syang kumumpas ng ilang ulit gamit ang kanyang mga daliri.

Nag uusal din sya ng mga lenguwaheng hindi ko maunawaan siguro parte iyon ng salamangkang ginagawa nya para dyan, nakasimangot ang mukha ko habang pinapanood sya sa ginagawa nya at sa likod ko naman ay parang tangang mangha mangha si Arcus kakanood sa ginagawa ni Silvan.

"Ano to unang beses mo?" iritado kong tanong sa kanya.

Bigla namang natauhan si Arcus at napatayo ng  tuwid.

"Ah hindi po kamahalan, ang galing kasi ni Silvan eh..." pahinang pahina nyang saad bago napakamot sa kanyang batok.

Napailing ako bago ngumisi.

"Mas makapangyarihan parin  ako kumpara kay Silvan noh, wala pa yan sa kalingkingan ng abilidad ko..." mayabang kong sabi at mukhang nawindang naman sya at bahagya pang napanguso.

"Makapangyarihan nga, ayaw naman ipakita maduga..."

Dinig kong sabi ni Arcus sa kanyang isip kaya mabilis napalingon ang ulo ko sa kanya.

"Ano kamo?"Malakas kong singhal sa kanya.

Napatalon sya sa lakas ng sinabi ko at mabilis syang namutla.

"patawarin nyo po ako kamahalan!" malakas na sabi nya sabay luhod nya.

"Tumayo kana riyan mukha kang tanga" iritado kong sabi sa kanya at agad naman syang sumunod kaya inirapan ko nalang sya.

"Alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi ko ginagamit ang lahat ng kakayahan ko, kasama na roon ang hindi ko pag gamit sa sacred scroll of Phoenix(Kalatas ng piniks)"

Dahan dahan namang napatango si Arcus.

Ang sagradong kalatas ng  piniks ay magagamit lamang ng Hari na mula sa Fiamma Clan, ang kalatas ay naglalaman ng mga sanctified spells na masyadong sagrado at banal kaya hindi ito basta basta ginagamit para sa walang kabuluhang dahilan, at ito ang dahilan kung bakit hindi magawa ng hari na gamitin ito, iyon ay dahil hindi ito gumana noong unang beses nya itong gamitin.

Dahil ang sagradong scroll ay ginagamit lamang ng may malinis na hangarin at hindi ito magagamit nang sinomang may maitim na balak.

Kaya hindi ito  nagamit ni Haring Marcus iyon ay dahil binalak nyang gamitin ito upang buhayin ang kanyang kapatid, at balak nyang gamitin ito para wasakin ang relmo ng imortal upang mamatay na ang bawat miyembro nito.

dahil sa kanyang dahilan ay hindi naging posible ang kanyang hangarin kaya't wala itong naidulot na tulong sa Hari kaya hindi  nya na ito kailanman ginamit at tinago ito sa lugar na hindi matatagpuan ng kahit sino.

Wala syang nagawa kung hindi ang magdusa sa nangyari sa kanyang buhay at harapin ang galit ng mga nakararami dahil sa kanyang nagawa.

Tinawag syang King of Darkness sapagkat nag umpisa ang panahon ng kadiliman dahil sa kanya, Ang mga apoy sa loob ng Relmo ay nag kulay itim dahil sa kanyang apoy na naghari sa kanyang katawan sa loob ng isang siglo.

Naghari ang kadiliman sa kaharian kaya ganoon nalang ang kawalan ng pag asa ng lahat na hindi na muli liliwanag pa ang dating relmo kung saan unang naghari ang Apoy ng buhay.

Ngunit nagbago ang lahat ng dumating ang reyna kung kayat ganoon nalang ang galak ng mga commoners at itinuring syang pagpapala mula sa mga diyos sapagkat sya ang naging susi sa pagbabalik ng sigla at liwanag ng aming relmo.

"Handa na po ang entrada kamahalan." anunsyo ni Silvan kaya napatingin na sila sa harapan at nakita na nila ang mahiwang pinto na nakakonekta sa Globo ng Apoy na maghahatid sa kanila patungo sa Relmo ng mga halimaw.

The King's Heir #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon