Capitulo-XI

132 4 0
                                    

"Silvan i need your help." Namamaos kong sabi bago sya sinulyapan.

He stiffened at my sudden words, his long black hair was laid down reaching his waist, and he was wearing his reading glasses and his famous dark imperial robe with gold embroidery.

Cyruz moved behind me, this time his mask is nowhere to be found.

"Kamahalan, nasa Regno Oscuro ngayon ang council at mukhang may nagaganap na sikretong pagpupulong."

I heaved a deep sigh.

Kakaalis palang ng Hari patungo sa kabiling relmo, at ngayon mukhang hindi mananatiling tahimik ang council.

"Ano po ba ang nangyari?" Tanong ni Silvan.

Pinagmasdan ko ng mabuti si Silvan, nasa likod ko naman si Cyruz at ang mga hand maidens ko ay nakatayo malapit sa mga pillar ng Harem.

Magmula ng umalis ang Hari napagdesisyunan ko ng tuluyang lumipat sa Harem at dito na manatili kahit bumalik pa ang Hari sa palasyo.

Dahil magbubukas na ang Harem dapat nandito ang Reyna upang pamunuan ito.

"Secure the premises, i don't want anyone to hear what I am about to say." Seryosong utos ko kay Silvan.

Silvan gulped before swishing his hands in the air.

He released a yellow-coloured energy on his palms and I saw how a barrier was formed right to us.

Nang makita kong matapos ang pagkabuo ng Barrier ay hinarap ko na silang lahat.

"I am with child."  Hindi kalakasan na saad ko ngunit sigurado akong narinig nila, after all they are immortal vampires.

All of them turned to stone at my sudden news.

Napakamot ako saking ulo dahil nagdaan na ang ilang segundo ngunit wala man lang silang reaksyon.

Pero napasinghap nalang ako nang sabay sabay silang nagsipag luhuran.

"Binabati ka namin mahal na Reyna!" Sabay sabay nilang sambit na kinaestatwa ko.

Napakagat labi ako bago bumuntong hininga.

"This is supposed to be grave news, not a good one." Nanghihinang sabi ko bago napaluha.

Siguro dala ng kalungkutan o  galak dahil sa kabila ng takot ko sa sitwasyon, mayroon paring masaya sa pagdadalang tao ko.

"I will promise to serve you until the end of my days my Queen." Madamdaming pahayag ni Silvan, na lubos na kinataba ng puso ko.

"We will serve you towards the end your majesty!" Sabay sabay na sabi nila Luna habang lumuluha.

Dahil sa mga reaksyon nila mas lalo tuloy akong naiyak.

"Dahil sa ginagawa nyo natitiyak kong malalagay sa alanganin ang inyong mga buhay." Nanginginig na boses na sabi ko sa kanilang lahat.

"Simula nang dumating ka sa Dark Realm, unti unti na itong nabalot ng liwanag, ang dating Kadiliman ay tuluyang naglaho at iyong pinalitan ng pagbabago, lahat kaming mga nanalig sa Diyosa na si Arachne ay patuloy na mananatiling tapat sa iyo, kayo man ay nasa anyong mortal, kami ay maglilingkod parin alang alang sa Diyosa ng Buwan na isa sa humubog ng Relmo." Mahabang saad ni Cyruz habang nakayuko.

Habang sinasabi iyon ni Cyruz ay napansin nya ang kalituhan sa mukha ng kanyang mga hand maidens.

Bumuntong hininga nalang sya bago pinunasan ang mata.

Pinipilit kong ngumiti ngunit patuloy parin ang pagragasa ng aking masaganang luha, sumasakit ang puso ko dahil sa pagpapahayag nila ng katapatan sakin ngunit nalulungkot ako dahil ang mga nananalig at naglilingkod sakin ay malalagay sa delikadong sitwasyon dahil sakin.

The King's Heir #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon