Capitulo-VII

132 6 0
                                    

"Bakit mo naman nais na magtungo ako kaagad sa Relmo nang mga Halimaw?" Mariing tanong ni Marcus kay Decimus.

"Dahil may nakarating na impormasyon sakin mula sa Heneral ng pinuno ng mga Mystical Beasts tumawag ito gamit ang communication stone."

Sumeryoso naman si Marcus nais nya na sanang umalis upang magtungo sa kanyang Reyna ngunit mukhang importante ang ibabalita nang unang Duke.

"At ano ang impormasyong kanyang pinabatid?"

"Kasalukuyang may kinahaharap na problema ngayon ang Relmo ng mga halimaw kamahalan dahil sa banta nang paglusob ng mga Demonyo upang sakupin ang kanilang relmo, atin namang alam na ang Relmo ng mga demonyo ay tuluyan ng naglaho dahil sa pagkawala ng protektor nito na pinangangambahang nasa mundo ng mga mortal, ang mga demonyong nawalan ng tirahan ay nagnanais sakupin ang pinakamalapit na relmo iyon ay ang relmo ng mga halimaw."

Mahabang paliwanag ni Decimus.

"What a coincidence, tunay akong magtutungo sa kabilang relmo at iyon ay relmo ng mga halimaw ngunit hindi ko alam na ganoon na pala kalala ang sitwasyon, dapat sa susunod na buwan pa ang nakatakda kong paglisan ngunit tila ay mapapa aga ang aking pag alis kung ganyan pala ang nangyayari sa relmo na ating kaalyado."

Naging kaalyado ng mga imortal ang mga halimaw nung panahong nanganganib ang pangkat ng imortal matapos maging halimaw ng mga bampirang mula sa angkan ni Tyluz.

"Siyang tunay kamahalan, nangangamba ang kanilang pinuno sa nalalapit na digmaan kung kayat nangangailangan sila ng tulong mula sa atin upang mapagtibay nila ang seguridad ng kanilang core upang hindi ito makuha ng mga mananakop."

Napatango si Marcus at sandaling nag isip upang makapag desisyon.

"Ipapatawag muli kita Duke Decimus upang talakayin ang bagay na ito pag iisipan ko kung uunahin kong magtungo sa Relmong iyon o gawin ang hiling ng council, sa ngayon kailangan ko munang bumalik sa palasyo." Sabi ni Marcus at tinalikuran na si Decimus at sumunod naman sa kanya ang kanyang mga KingsGuard.

Nang makalabas na sa portal ang Hari ay nilabas ni Decimus ang kanyang communication stone para tawagan pabalik ang Heneral.

"Nakausap ko na ang Hari, ikaw na ang bahala sa gagawin mo pag nariyan na sya."

"Huwag kang mag alala,kung tunay mo nang namanipula ang damdamin ng Reyna nasisiguro kong matagumpay kong mapapaikot saking palad ang Hari."

Napangisi si Decimus dahil ganap nang naisasakatuparan ang kanyang mga plano na kanyang binuo matagal na panahon na ang nakalilipas.

"Hindi ko kailangan magsayang ng enerhiya upang kontrolin sya, alam kong sapat na ang sinabi  ko upang lisanin nya ang lugar na ito dahil hindi nya nanaisin na mapahamak ang tagapagmana ng Hari."

"Kung ganoon ay kailangan ko ng maghanda upang tuparin ang iyong kahilingan."

"Mabuti, hangad kong magtagumpay ka sa iyong misyon Cornelia wag mo akong bibiguin, nasa akin ang anak mong si Euphy."

Seryoso at nagningas ang mata ni Cornelia bago nagsalita.

"Hinding hindi ako mabibigo, Decimus."

————————

Matapos lisanin ni Decimus ang Golden Palace ay naiwang tulala si Melitta sa hardin ng Jasmine.

"Kamahalan..." pagsusumamo ni Luna, lubos syang naaawa sa reyna ngayon matapos nyang marinig ang pag uusap nila ng Duke.

"Totoo ba iyon Luna?" Nanghihinang tanong ni Melitta.

"Ang alin po kamahalan?"

Nagtuluan ang mga luha ni Melitta at hinarap si Luna.

The King's Heir #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon