Capitulo-VI

194 8 1
                                        

"Ha...ako ba ay iyong pinaglalaruan mahal na duke?" Magkahalong sarkastiko at inis na tanong nya sa ginoo.

Tumuwid ng upo ang lalake at mariin syang tinignan.

"Ever since i heard your existence i already have an idea that you were not a normal human being." Seryosong saad nito.

Melitta's breathing hitched.

Who is he? And how did he know?

Wait.

Base on the ring on his finger he is the first duke, the duke who is a close relative to the royal family.

Napakurap si Melitta at nangatog ang kanyang binti sa mga ideyang biglang pumasok sa kanyang isipan.

"No ordinary human could enter the sacred realm of immortals, but i have a suspicion that you are also immortal but in a different circumstance."

Napalunok si Melitta.

"Ano kaya ang magiging reaksyon ng mahal na hari kapag nalaman nyang ang tinakda sa kanya ng dyosa ng buwan ay ang mortal na anyo nito?"

Napaawang ang labi ni Melitta at nanghina sa kanyang mga narinig.

"Nung name day palang, may suspetsya na ang Council na ikaw si Arachne, ngunit nanatili itong haka haka sapagkat nasa anyong mortal ka, ngunit hindi lahat magagawa mong linlangin, lalo na sa mga katulad kong may abilidad ng katulad ng saiyo."

Mabilis na napabaling si Melitta sa kanya, kung ganoon isang manipulator ang duke na ito? Kaya ba may alam ito tungkol sa kanya. Ngunit imposible iyon, maliban nalang kung mayroong traydor sa cosmos ang naghayag ng katotohanang ito.

At hindi lang ito basta manipulator, ka level na ito ni Cyruz na sya mismo ang nag sanay.

Mariin nya itong tinignan at sinubukang basahin ang iniisip nito.

Kung hindi sya nagkakamali, matagal na walang paramdam ang unang Duke kung kayat si Quintus ang pansamantalang namumuno sa Royal Council.

Ngayon lang ito nagbalik nung araw noong bininyagan ang anak nito.

Sumeryoso si Melitta at napansin naman iyon ni Decimus.

"Hindi ko alam kung anong koneksyon ng sinasabi mo sa tanong ko. Paano mo nasabing nagdadalang imortal ako gayong nakikita mong hindi malaki ang tyan ko at isa akong barren?" Matapang na saad nya.

Napataas ang isang kilay ni Decimus at kalaunan ay napangisi.

"Gaya ng sinabi ko, ikaw ay nasa anyong mortal ng diyosang si Arachne, ngunit kahit mortal ka, nakakubli sa iyo ang kanyang diwa at ito ay masigla kahit na hindi ito akma sa iyong pangangatawan, hula ko ay dahil narito ka sa relmo kung saan malakas ang enerhiya nang cosmos kung kaya't malakas ang espiritwal na diwa mo, gayunpaman ang katawang mortal mo ay may deperensya ngunit hindi ito magiging hadlang sa pagkabuo ng isang makapangyarihang sanggol"

Napailing si Melitta.

"Walang kabuluhan ang iyong sinasabi, ako ay isang tao lamang!" Malakas na giit nya.

Napakislot si Luna sa lakas ng boses nya at saglit itong nakaagaw ng atensyon nilang dalawa.

Tila nahimasmasan naman si Melitta at napapikit para pakalmahin ang sarili.

"Ngunit tila nalimutan mo yatang ikaw ang diyosa ng buwan na syang tunay na nakakaalam kung paano nabubuo ang isang sanggol na hinubog sa pamamagitan ng pinaghalong espiritwal na lakas at diwa."

Matalas nyang tinignan si Decimus.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Duke, ang mabuti pa ay umalis kana" galit na sabi nya rito.

The King's Heir #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon