Ika-labing pitong siglong nakaraan...
Pinulupot ko ang pulang bandana saking noo at binuhol iyon sa likod ng aking ulo, inayos ko ang maalon at kulay kayumanggi kong buhok na umaabot hanggang sa aking hita.
Muli kong binalingan ang apoy na lumalagablab sa templo na aking pansamantalang sinisilungan, ito ang aking naging tahanan sa mundo ng mga mortal at ito rin ang templo ng aking kapatid na si Seraphina, ang Diyosa ng Araw ang simbolo ng buhay na walanghanggan.
Hindi ako maaaring lumabas sa templong ito dahil ikakamatay ko iyon,ganap akong magiging mortal kapag lumabas ako dito at ako ay magkakaroon ng kamatayan.
Hindi pa ako maaaring mamatay, hindi pa maaari hanggat hindi ko pa natatama ang mali.
Huminga ako ng malalim at napakunot ng matanaw ang isang estrangherong barkong papalapit sa bundok kung nasaan naka tirik ang Templo ng Araw.
Walang ibang napapadpad na barko dito kahit kailan dahil walang maaaring makahanap ng lugar na ito dahil ang islang ito ay natatakpan ng makapal na hamog kung kayat walang mortal ang naglalakas loob upang ito ay pasukin.
Mayroong anim na relmo ang inilikha ng mga Diyos ito ay ang Relmo ng Mortal, Immortal, Relmo ng Halimaw, Relmo ng Kamatayan,Relmo ng Espiritual na tribo at ang Relmo ng kalawakan.
Ang Relmo ng kalawakan ang aking pinagmulan naroon nakatira ang lahat ng Diyos na lumikha sa mga Relmong nabanggit.
Kung ganoon ang barkong ito ay nabibilang sa Relmo ng Immortal sapagkat ito lamang ang mga nilalamg na may kakayahang makakita sa kadiliman na kahit sa ilalim ng makapal na hamog ay masisilayan parin nila ang nakakubling isla kung saan matayog na nakatayo ang templo ni Seraphina.
Ngunit bakit sila narito, nahigit ko ang aking paghinga ng may biglang mapagtanto.
Alam na ba nila na narito ako sa lupa ng mga mortal?
Ngunit paano?
Napalunok ako at biglang kinabahan, hindi ito dapat mangyari, batid kong hindi pa ito ang oras na makakaharap ko ang mga immortal.
Dumaong ang barko at nagsibabaan ang mga armadong kalalakihan, nakaitim na baluti ang mga ito at mayroon itim na tela ang nakabalot sa kanilang mga mukha bilang takip sa kanilang pagkakakilanlan.
Hindi ko naiwasan ang mapalunok at matakot dahil ako ay kasalukuyang mortal ngunit dahil sa kapangyarihan ng buhay na nagmumula sa apoy sa templo ay nanatili akong bata.
"Ikaw ba ang tagapagsilbi ng templong ito?" Tanong sakin ng isang lalaking nakaitim.
"Ako nga." Tipid kong sagot pilit na pinapatatag ang boses na muntik ng pumiyok.
Umihip ang panghapong hangin at nilipad ang ilang hibla ng aking buhok.
"Kung ganoon..."
Unti unti silang lumapit at mula sa palad ng lalaking nakaitim na baluti ay lumabas ang pamilyar na kapangyarihan.
Napalunok ako ng mapagtanto kung ano iyon, Ang latigo ng alaala.
"Sino kayo at ano ang kailangan nyo?"
Mahinahon kong sabi.
Nagkatinginan ang tatlong lalaking nakaitim bago sumagot ang nasa gitna.
"Narito kami upang isagawa ang pinaguutos ng aming Hari."
Nanlaki ang mata ko, hindi maaari.
"Hawakan ninyo siya!" Utos nya sa dalawang kasama at tila isang buhawi na nakarating agad sila saking harapan at hawak na ang dalawa kong magkabilang braso.

BINABASA MO ANG
The King's Heir #2
FantasiThe King Series #2 COMPLETED/R-18- Vampire-Romance Fantasy This is the continuation of the story of King Marcus before the reign of the usurper, The Night King Decimus. This is the Prequel of TOD R18 Taglish Date Posted:October 25,2022 Date Finished...