Capitulo-XII

178 8 0
                                        

Silvan drew a strange symbol and markings inside the realm near the Globe of Fire, sabi nya iyon daw ang Magic Circle ay magiging isang Gate, ang entradang ito ay magkukunekta sa Globo na magsisilbing tulay patawid  samin patungo sa kabilang relmo, ang tahanan ng mga makapangyarihang nilalang na may wangis ng hayop ngunit may katawang tao.

Napabuntong hininga ako at nababagot na pinapanood ang ginagawa ni Silvan sa sahig, bukod samin naroon din ang ibang miyembro ng Council para makausyoso sa nangyayari.

May mga naligaw ding mga imortal para bumisita at para siguro manalangin sa apoy at nasaktong narito ako at nagdadrawing itong si Silvan kaya hindi nila magawang gawin ang pakay nila dahil nahihila ang atensyon nila sa kung anong ginagawa nang Royal sorcerer.

Ginala ko ang mata ko para hanapin si Melitta at nakumpirmang wala sya roon, napabuga ako at saglit na nakaramdam ng panghihinayang dahil wala sya roon upang makita akong umalis.

Pero kasalanan ko din naman dahil napagod sya ng husto kagabi.

I smirked at my sudden thought.

Mabilis na nawala ang naramdaman ko dahil kahit papano bawing bawi naman dahil masyado ko yatang sinulit ang gabi at mukhang hindi ako makakatulog ng maayos kakaisip sa kanya at pati sa malambing nyang boses.

Napapikit ako, Hindi ito ang tamang oras para mag init ka Marcus umayos ka!

Kung pwede ko lang batukan ang sarili para magising sa kamunduhan kaya lang magmumukha akong tanga dahil maraming makakakita.

Hindi ko tuloy napigilan ang pagtalim ng tingin ko sa mga naroon, They flinched when they noticed my death glare, kung bakit ba kasi binuksan ulit ang Globo sa publiko eh, gunggong talaga itong si Silvan!

"Hindi paba tapos yan?Nangangalay na ko!" reklamo ko at mabilis naman akong sinulyapan ni Silvan.

"Malapit na po kamahalan sandali na lamang..." sabi nya at dahan dahang napalunok at nanginginig pa ang kamay na nagpatuloy.

"Punyeta naman kasi wala bang paraan para makapunta doon at kaylangan mo pa kong paghintayin na matapos kang magsulat riyan!" iritado kong asik na kinaigtad nya, hindi na rin kumportable ang mga usisero kaya dahan dahan silang nag alisan, mukhang natatakot na mapagbuntunan ko ng inis.

"Kamahalan tanging ito lang po ang magdadala sa inyo ron maliban nalang kung gagamitin nyo ang kalatas ng piniks--"

"hay nako ayoko nga, masyadong sagrado ang kalatas na yon ni Seraphina at naglalaman yon ng mga mahika na tanging eredero lamang ang makakagamit" nakabusangot kong sabi.

"Pero isa po iyon sa pinakamadaling paraan--"

"Ayoko at wala rin naman iyong kwenta, sinubukan ko ng gamitin  iyon pero walang nangyari!" iritado kong sabi sa kanya.

Hindi na sya umimik at nagpatuloy na sya sa mabagal na pag guhit na mga hugis, napairap ako at hinayaan nalang sya, kung alam ko lang na matagal pa tong gagawin ni Silvan edi sana nanatili muna ako sa silid kasama si Melitta.

Napanguso ako ng maalala sya, at ang reaksyon nya ng malaman ang tungkol sa pagbubukas ng Harem.

My grip tightened, kahit anong gawin ko darating talaga ang panahon na may hahadlang sa buhay naming dalawa.

Napatingala ako sa Globo ng Apoy at matagal itong pinagmasdan, Kung bakit ba kasi ako pinanganak na Hari ng Regno Oscuro na papasan sa sumpang ito.

Kung papapiliin ako mas nanaisin kong mabuhay bilang ordinaryong tao.

Magmula nang magtungo sya sa labas kung saan naninirahan ang mga mortal, nakita nya kung gaano kasimple at kasaya ang kanilang buhay.

May mga namomroblema man ngunit lahat iyon ay posibleng malampasan lalo na kung kasama ang pamilya, yun ang naiisip nya habang pinapanood ang mag anak na naninirahan sa bukid, ayon sa kanyang pagmamasid mas masagana at masaya ang buhay na tinatamasa ng mga nasa mababang estado.

The King's Heir #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon