Capitulo-XVIII

169 8 1
                                        

Tunay ngang totoo ang sinabi ni Lord Decimus, nilisan nga ng Reyna ang Relmo at marami sa mga imortal ang nagulat dahil dito, nangunguna rito ay ang mga free folks o ang mga commoners.

At ngayon ay nakatakda ang pagbabalik ng Hari at kasama nito ang bagong nitong mapapangasawa.

Ang balitang ito ay naghatid ng masamang impresyon para sa mga commoners at kumalat na nga ang usap-usapan na pinagsawaan na ng Hari ang Reyna at dahil ito ay nakahanap na ng bago.

Marami ang nagalit at hindi makapaniwala sapagkat batid nila na ang Reyna ang nakatakdang babae para sa Hari, ngunit palagi iyong pinabubulaan ng mayayaman sapagkat wala sa katawan nito ang simbolo ng buwan.

Kalaunan ay dumarami na rin ang mga naniniwala sa usaping iyon ngunit sa kabilang dako ay may mga natitira paring hindi naniniwala at ito ay ang mga nobles na buong tapat na naglilingkod sa Hari, sila ang mga nobles na hindi kabilang sa council ngunit palihim na sumusuporta sa Royal Family, ang tanging Nobles lang na kabilang sa council na tapat sa Hari ay sila Silvan at Arcus, hindi masasama sa listahan si Crassus dahil nanatili itong neutral at dahil sa nangyaring pagkawala ng Reyna maraming nakaisip na hindi rin ito kakampi ng Hari lalo na at palagi na itong namamataan na kasama si Lord Decimus na syang kilala bilang anak ng pumatay sa dating Reyna.

"Tila nauulit lamang ang nangyari, namatay si Reyna Lucretia sa kamay ng isang Maximuz at ngayon ay naglaho na parang bula ang kasalukuyang Reyna sa pamumuno nang isa nanamang maximuz sa Council." Sabi ng isang matandang commoner habang nasa loob sila ng bulwagan ng Globo.

"Hindi ako makapaniwalang mag uuwi ng panibagong asawa ang Hari, akala ko ba ay kapag nakilala nya na ang nakatakda sa kanya ay mananatili na syang tapat?" Sabat naman ng matandang babae.

"Tila kagaya ni Tyluz na mahilig sa babae ay namana rin ito ng kasalukuyang Hari, nanalaytay talaga sa kanilang dugo ang pagiging sakim." Galit na saad ng isang lalaki.

"Hindi tayo nakasisiguro, marahil ay tsismis lamang iyan."

"Ngunit ano ang posibleng dahilan kung bakit nawawala ang reyna?"

"Maaaring may ginawa ang council at hindi pa ito alam ng Hari." Biglang sabi ng isang babae.

Natahimik ang mga nag uusap usap ng biglang nagliwanag ang Globo ng Apoy.

Nagtipon ang samut saring mga imortal sa Relmo upang saksihan ang pagbabalik ng Hari sa Regno Oscuro.

Biglang niluwa ng Globo ang isang malakas na presensya na nararamdaman lang nila sa Hari kaya naging alerto ang lahat nang masilayan na nila anino nito.

Sa likod ng lumalaglab na apoy ay may isang simbolo ang nagpakita nang nakakasilaw na liwanag at mayamaya pa ay natanaw nila ang anim na anino na papalabas sa liwanag at nang lumabas ang mga ito ay nasilayan na nila ang Hari dahil sa ginto at pula nitong Imperial robe at namataan din nila ang pamilyar na uniporme ng Kingsguard at mga maskara ng mga ito at sa tabi nila ay isang di pamilyar na babae.

Biglang umasim ang mga reaksyon ng mga naroon ng masilayan nila ang babaeng kasama ng Hari.

Mukhang tunay nga ang usap usapan, na uuwi ang Hari kasama ang bago nitong asawa.

Napakurap kurap si Marcus dahil sa dami ng mga imortal na naabutan nya sa kanyang pagbabalik.

"'Bakit ang daming tao?" Rinig nyang bulong ni Arcus gamit ang Telepathy.

"May engrandeng pa welcome ata ang Relmo ah." Si Lexuz.

"Engrande pero lahat sila ay ang mga nakabusangot na nakatingin satin." Biglang sabat ni Crixuz at doon lamang nila natanto na tama ito.

The King's Heir #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon