Capitulo-III

181 8 0
                                    

5 Month's ago...

"I will be away for long my Queen..."

Natigil sa pag babasa ng libro si Melitta dahil sa sinabi ng Hari sa kanya, kasalukuyan silang nasa veranda ng Golden palace upang magpahangin sa mahalimuyak na hardin ng Jasmine.

"Bakit saan ka pupunta kamahalan?"
Tanong nya bago sinara ang libro at ipinatong ito sa mesa.

"Ako ay magtutungo sa ibat ibang Realm para sa isang misyon, mahalaga ito para sakin at para sa kinabukasan nating dalawa."

Napakunot noo naman si Melitta, hindi nya maunawaan ang sinasabi ni Marcus.

"Para saan ba ang misyon na iyan?"
Marahan nyang tanong.

Sinikop nya ang maalong kayumangging buhok na umaabot hanggang sa kanyang hita at pinirmi iyon sa kanyang balikat.

Habang ginagawa nya iyon ay pinapanood ng Hari ang kanyang mga munting pagkilos.

"Ang misyon ko ay upang palawigin ang aking impluwensya, nais kong magtungo sa iba't ibang relmo upang bumuo ng alyansa at imungkahi ang ating abilidad na makatulong sa kanilang mga suliranin sa pag protekta ng mga core upang ito ay mapanatiling buhay at lumalagablab."

Relmo? Core?

Biglang may kumirot sa kanyang ulo at biglang may nagflash sa kanyang isipan ngunit saglit lamang iyon.

"Anong relmo ang iyong pupuntahan aking Hari?"

Napangiti naman si Marcus sa tinawag sa kanya ni Melitta, simula ng italaga ito bilang Reyna ng regno oscuro ay inumpisahan na nito ang pag aaral ng tungkol sa kanilang batas at tradisyon kaya dapat sya nitong galangin bilang nakakataas sa kanya subalit, minsan mas nais nya parin na tawagin sya nito sa pangalan ngunit ngayon ay may hatid na ligaya din pala ang pagtawag nito sa kanya na kanyang hari.

"Ang relmo ng mortal, dahil iyon ang madaling puntahan at malapit satin, hindi magiging mahirap sakin ang makibagay sa kanila dahil hindi naman nalalayo ang itsura ng mga imortal sa mortal dahil batid mo ng nagmula ang unang angkan sa mortal na tao."

Napatango naman si Melitta ng marinig iyon ngunit mukhang nalilito ito bagay na naiintindihan ni Marcus, dahil hindi lahat ng imortal ay alam ang tungkol sa ibat ibang relmo.

"Sa pamamagitan ng alyansang ito ay mapapalawig ko ang aking kapangyarihan at impluwensya nais kong gamitin ang yaman ko upang makatulong at para narin palawigin ito para sa ating kinabukasan maging sa kinabukasan ng ating relmo ganon narin ang aking karunungan at kapangyarihan."

Sumimsim ng tsaa si Melitta habang pinoproseso ang mga sinabi ni Marcus.

"Kamahalan, bakit nyo po balak palawigin ang inyong yaman sa mundo ng mga tao? Ano po bang binabalak ninyo at sa paanong paraan ito makakatulong sa kinabukasan ng Relmo kung karamihan sa miyembro nito ay mayayaman at miyembro ng Elite society sa Mortal realm?"

Ngumisi si Marcus bago sya sinagot.

"Dahil nais ko ring mapabilang sa alta sociedad sa mortal realm, kahit kailan ay hindi nilisan ng Hari ang kanyang palasyo ngunit sa pagkakataong ito ay babaguhin ko ang nakasanayan dahil hindi lamang sa palasyo nararapat ang Hari kailangan ko ding lisanin ang trono upang may mas matutunan sa malawak na mundo ng mga tao."

Ngumiti si Melitta dahil sa mga sinabi nito dahil napag alaman nya na kapwa pareho ang kanilang nais, nagpatuloy ang kanilang pag uusap tungkol sa mga plano ni Marcus at tahimik lamang na nakikinig sa kanya ang Reyna.

Dumating ang araw ng paglisan ni Marcus na labis na tinutulan ng Council sapagkat hindi nya pinaalam sa mga ito kung saan talaga sya mag tutungo dahil sa Reyna lamang sinabi ni Marcus ang balak nya wala namang nagawa ang mga council dahil hindi naman nila kayang pigilan ang pag alis nito kung kaya naman binunton nila ang galit at inis nila sa Reyna na syang pansamantalang hahawak sa trabaho ng Hari habang ito ay nasa malayo.

The King's Heir #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon