"Sabihin mo sakin ang totoo, batid kong gumagamit ka ng mahika para hindi ko mabasa ang laman ng isip mo." Madiing salita ni Marcus.
Nanlalambot namang tumingin sa kanya si Silvan.
Nakasalampak sya sa malamig na semento at puno ng bugbog ang katawan nya, nanunuyo na ang lalamunan nya dahil napapalibutan ng apoy ang kanyang piitan habang iniinteroga sya ng Hari.
"Tuluyan mo nabang nalimutan ang iyong katapatan sa aking angkan at nagawa mong magtraydor Silver Ivan?!" Mala kulog na sigaw nito.
Napapikit sya at naramdaman nya ang paghapdi ng kanyang mata.
"Habang buhay akong magiging tapat sa Fiamma, hanggang kamatayan ay ilalaan ko ang aking sarili maprotektahan lamang ang angkan na aking pinagsisilbihan." Nanghihinang saad nya.
Ramdam ni Marcus ang sinseridad nito kahit hindi nya na marinig ang isip nito.
"Kung pag tatraydor ang ginawa kong pagpapatakas sa Reyna para proteksyunan ang kanyang sarili, then just end my life your majesty." Seryosong saad nito.
Nanggagalaiting nasuntok ni Marcus ang pader dahilan kung bakit ito nawasak.
"Sabihin mo sakin ang totoo! Sino ba talaga sya? Isa ba talaga syang diyosa? Nagdadalang imortal ba sya kaya sya tumakas?!"
Narinig nya ang paghuhurementado ng puso ni Silvan.
Napalunok si Marcus at parang nais nyang manghina at mapahiga nalang.
Kahit hindi ito magsalita base sa naririnig nya ay parang totoo nga ang mga iniisip nya.
Tumalikod si Marcus ng maramdaman nya ang pangingilid ng luha sa kanyang mata.
Bakit nagkaganito? Saan sya nagkamali? Akala nya kontrolado nya ang mga nangyayari, ngunit bandang huli ay pawang ilusyon lamang ang lahat at lahat.
Para syang nasa roleta at paikot ikot, tila pinaglalaruan ang kanyang buhay.
"Akala ko mababago ko ang aking tadhana, ngunit hindi ko pala magagawa, ako ay nakasadlak sa buhay na hindi ko ginusto, nararanasan ko ang lahat ng ito dahil sinilang ako sa angkan na ito at nasa aking dugo ang sumpa ng mga Diyosa."
Tumulo ang luha ni Marcus at parang sinasaksak ang puso nya.
"Nawala na ang mga diyosa ngunit tila hawak parin nila ang aking buhay."
"Kahit anong hirap at sakripisyong gawin ko, balewala dahil nakatakda na ang mangyayari!" Sigaw nya bago muling sinuntok ang pader na muling kinaguho nito.
Nanghihina si Silvan at kahit sya ay nasasaktan para sa Hari, nahihirapan syang makahinga habang pinapakinggan ang mga hinaing nito.
"Sino si Melitta, kahit iyon man lang ay sagutin mo." Namamaos na tanong ni Marcus.
Napaluha na si Silvan at tinignan ang Hari gamit ang matang nakikiusap.
Umiling iling ito at yumuko.
Napapikit si Marcus.
"Pinagtaksilan mo ba ako dahil nais mo na ring maipanganak ang bagong papalit na Hari?"
Napadilat si Silvan at mabilis na tumingin kay Marcus.
"Kamahalan, nagkakamali kayo..."
Huminga ng malalim si Marcus bago tinignan ng mariin si Silvan.
"Ngunit batid mo na sa pagsilang ng bagong Hari ay syang kahinaan ko, nais mo ba akong mamatay na?"
Umiling iling si Silvan.
"Hindi iyan ang dahilan kamahalan, nais ko lamang na iligtas ang Reyna sapagkat alam kong papatayin nyo ang bata kapag nalaman nyong tunay na buntis ang reyna."
BINABASA MO ANG
The King's Heir #2
Viễn tưởngThe King Series #2 COMPLETED/R-18- Vampire-Romance Fantasy This is the continuation of the story of King Marcus before the reign of the usurper, The Night King Decimus. This is the Prequel of TOD R18 Taglish Date Posted:October 25,2022 Date Finished...