Third Person's POV
Hinigop nya ang sariwang hangin na humahampas sa kanyang mukha, ngayon na lamang sya nakabalik sa lugar na kanyang sinilangan hindi nya makapa ang dapat na kasayahan na dapat ay nadarama nya sa mga oras na ito dahil ngayon ay nagbalik na sya lugar kung saan nababagay ang mga katulad nya.
"Bakit ka nagbalik?"
Dinig nyang tinig mula sa kanyang likuran, nilingon nya ito ngunit muling binalik ang paningin sa magandang tanawin sa kanyang harapan.
"Hindi rin ako magtatagal."
Narinig nya ang yapak nito sa kanyang likuran na senyales na ito ay naglakad papalapit sa kanyang kinatatayuan.
"Kailangan na makaalis kana agad bago kapa makita ni Pinuno."
Nilingon nya muli ang lalake sa kanyang likuran.
" wag kang mag alala dahil narito ako upang makilahok para ipagtanggol ang ating nasasakupan mula sa mga demonyong nagnanais nakawing ang Core."
Bawat relmo ay mayroong tinatawag na core o isang globo na naglalaman ng pure mana at ito ang pumoprotekta sa bawat relmo ito ang simbolo ng buhay sa bawat nilalang na napoproteksyunan nito.
At dumating ang panahon na mayroong magnanais na magnakaw nito walang iba kung hindi ang mga nilalang na nawalan ng core dahil sa kanilang kasakiman.
Dahil alam ng lahat na tanging tagapangalagang itinalaga lamang ang maaaring humawak sa globo.
Sarkastikong natawa naman ang lalaki sa kanyang sinabi.
"Talaga ba? Hindi ba at ninanais mo rin maging parte ng isang sigalot na wawasak din sa core ng kabilang relmo?"
Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha matapos iyon marinig.
"Alam mo ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa at iyon ay para mabalik sa ayos ang lahat!" Malakas na sabi nya sa lalake.
Napailing at malungkot na tumingin sa kanya ang lalake.
"Sa simula pa lamang ay alam mo ang katotohanan ngunit binubulag ka ng iyong galit."
Nagkiskisan ang kanyang mga pangil at ngipin, hindi nito maiintindihan ang kanyang objectibo dahil hindi nito wari ang kanyang pinagdaanan.
"Iwan mo na lamang ako at pinapangako ko sayong aalis din ako sa makalawang buwan."
Natahimik ang lalake ng biglang may realisasyon.
"Sa makalawang buwan nakatakdang bumisita ang Hari ng mga Immortal."
Ngumiti sya sa lalake at muling binalingan ang magandang pagsabog ng mga tala sa kalangitan na tila nagkikislapang diyamanteng alikabok.
"Pakiusap itigil mo na ang walang kwentang bagay na binabalak mo Dayneria."
Matalas nyang sinulyapan ang matalik na kaibigan at kababata.
"Hindi na iyan ang pangalan ko!"
Nagulat naman ang lalake sa sinabi nya.
Ngumiti sya at muling sumariwa sa kanya ang mga matatamis na alaala.
"Ang pangalan ko na ay Cornelia."
♠︎♠︎♠︎
THE KING'S PALACE
Matapos ang naganap na insidente sa loob ng Relmo ay minabuting isara muna sa publiko ang tahanan ng Globo ng apoy sa takot na baka ito ay muling makapinsala ng mga immortal, ang balitang nangyari sa Reyna ay mabilis na kumalat sa bawat sulok ng mundo kung saan naninirahan ang ibat ibang clan ng mga immortal.
BINABASA MO ANG
The King's Heir #2
FantezieThe King Series #2 COMPLETED/R-18- Vampire-Romance Fantasy This is the continuation of the story of King Marcus before the reign of the usurper, The Night King Decimus. This is the Prequel of TOD R18 Taglish Date Posted:October 25,2022 Date Finished...