This is the last chapter of the King Series book 2 and Postremus will be posted next, enjoy reading and see you on the 3rd book, Maraming salamat!
♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎
Tears pooled her eyes when Marcus pulled his arms away from her grip.
"Who are you, you are not my Queen." Malamig na sabi nito.
Melitta swallowed hard, and tried to speak without breaking.
"Please, your majesty just listen to me..." halos nakikiusap na tono nya.
Marcus narrowed his gaze, parang pinipilipit ang puso nya na tila hindi na sya pinapayagang huminga sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.
"Kung ganoon sino ka?" Pasigaw na tanong nito, nasa loob sila ng Palasyo ngayon sa opisina nito, matapos ang nangyari sa loob ng Relmo ay kagad syang pina alis nito at pinatungo rito.
"Ako si Melitta-"
"For fucksake! Who are you really?! Answer me right now! Huwag mo nang sagarin pa ang pasensya ko!"
Nakagat ni Melitta ang kanyang labi at marahang suminghap para mag ipon ng lakas.
"Ako ang mortal na persona ni Arachne."
Napapikit si Marcus at unti unting bumaling sa ibang direksyon.
Nagtuluan ang mga luha ni Melitta, she expected this to happened, but still it is difficult when it is already happening because you realize you are still unprepared.
"Matagal mo na ba kong niloloko?" Nanghihinang tanong ni Marcus.
Mabilis syang umiling, nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa masaganang luha.
"Hindi, kailanman ay hindi kita niloko Marcus."
Nanatiling nakatitig sa kanya ang Hari, his eyes were bloodshot and he looks pained and defeated in front of her.
Ngayon nya lamang ito nakitang ganoon.
"Wala akong alaala noong dalhin ako dito, buong akala ko ay isa lamang akong alipin."
Tumango tango si Marcus habang nakayuko.
"Kung ganoon hindi ka totoong imortal? Wala kang dugo ni Tyluz kagaya nang sinabi ni Silvan?"
Hindi kaagad nakasagot si Melitta ngunit napapikit nalang sya at tumango.
Marahas na napabuga ng hangin si Marcus.
"Umpisa pa lamang ay pinagtatakpan kana ni Silvan, nagawa nya akong linlangin upang maitago ang tunay mong katauhan."
Lumuluhang tinignan nya si Marcus.
"Hindi nya alam ang katotohan nung una kamahalan, nalaman nya lamang noong nag umpisa syang magsaliksik, iyon ang panahong wala kayong malay." Salaysay nya.
"Ngunit pinili nya paring itago, kahit nagtanong na ako noon ay nakuha nya parin akong linlangin!" Gigil na sabi ni Marcus at nag iba pa ang kulay ng mata nito.
"Iyon ay dahil natatakot ako." Pag amin nya na kinatigil ni Marcus.
Napasinghap si Melitta at parang may nakawala ang bigat sa kanyang dibdib dahil sa pag amin nya.
"Natatakot ako dahil alam kong darating ang araw na ito." Nababasag na usal nya.
"Natatakot ako dahil batid kong hindi mo hiling na magka anak, natatakot ako dahil ayaw kong matulad sa mga Royal consort na namatay sa kamay mo, at natatakot ako na kapag nalaman mong ako si Arachne ay kakamuhian mo ako ng husto!"
BINABASA MO ANG
The King's Heir #2
FantasyThe King Series #2 COMPLETED/R-18- Vampire-Romance Fantasy This is the continuation of the story of King Marcus before the reign of the usurper, The Night King Decimus. This is the Prequel of TOD R18 Taglish Date Posted:October 25,2022 Date Finished...
