Mula sa malayo ay pinagmamasdan ko ang asul na karagatan sa Isla kung saan nakatayo ang marangyang Palasyong yari sa Marbol, ang islang pribadong pagmamay ari ng royal family na napoprotektahan ng makapal na hamog, dito nakatayo ang pinagmamalaking palasyo na marble na binuo sa ngalan ni Lucretia.
Ito ay binuo upang maging tirahan ng dating reyna, ito ay magsisilbing kanyang tahanan upang sya ay maging ligtas, dahil magmula nang sya ay nag buntis muntik ng malagay sa panganib ang kanyang buhay dahil sa reaksyon ng Globo ng apoy na muntik na syang atakihin, muntik narin malagay sa peligro ang bata sa kanyang sinapupunan.
Naramdaman ni Melitta ang pagsara ng kanyang ikatlong mata at kasabay non ay pag laho ng kaninang hawak na sinulid na nakakonekta sa Harem.
Saglit syang nahilo at napahawak sya sa isang pillar upang hindi matumba.
Hindi parin nya kayang buksan ng matagal ang kanyang ikatlong mata para makita ang lahat ng mga invisible strings na nakabalot sa palasyo, kaya nahihirapan tuloy syang maghanap ng impormasyon tungkol kay Thelmuz.
"Kamahalan, magpahinga muna po kayo ipaghahanda po kita ng tsaa at mamaya po bibisita sila Lord Silvan at Lady Cecilia bago kayo umalis, saan nyo po ito nais idaos?" magalang na tanong ni Luna.
Ngumiti sya rito bago sumagot.
"Sa veranda na lamang, nais kong lumanghap ng sariwang hangin."
"Masusunod po mahal na reyna..." usal nito bago tipid na yumuko at tumalikod na.
Muli nyang sinulyapan ang Harem na nagsilbi ring tahanan nya, aaminin nyang iyon ay minsan nyang tinuring na kulungan ngunit ngayong aalis na sya, hindi nya alam kung bakit nalulungkot syang lisanin ito ngayon.
Siguro dahil napakaraming alaala ang nakapaloob sa lugar na iyon.
Ito ang lugar kung saan nagumpisang mamukadkad ang pag iibigan nila ng Hari, at dito rin ito magtatapos.
Melitta swallowed hard, and wipe away her tears.
Naglakad na sya patungo sa veranda at naabutan nya ron sila Lea at Rebecca na inaayos ang lamesa.
May naramdaman syang kung ano at hindi nya maiwasang mapatitig kay Lea dahil may tila enerhiya ang nanggagaling dito na pumupukaw ng kanyang atensyon.
"Kamahalan tapos na po naming ayusin ang inyong lamesa." magalang na sabi nila.
nanatili parin ang mata nya kay Lea at wala sa sariling napahawak sya sa balikat nito na syang kinasupresa naman nito.
"Bakit po kamahalan?" litong tanong nito.
Seryoso nyang tinignan si Lea nang makaramdam sya ng enerhiya at nawindang nalang sya nang may pumulupot na sinulid sa kanya.
napakurap kurap sya at gulat na napatitig kay Lea.
"May problema po ba kamahalan?" dinig nyang tinig ni Luna mula sa likod.
Muli syang nakaramdam ng enerhiya at pinagmasdan nya ang kanyang limang servus, dahil nararamdaman nya ang enerhiya ng mga ito.
"Ano ang ibig sabihin nito?" naguguluhang bulong nya na narinig naman ng lima.
"Ano po ba ang nangyayari kamahalan?" nag aalalang tanong ni Lea.
Naramdaman nya ang pagkilos ni Luna kayat mabilis syang lumingon dito.
"walang kikilos sa inyo!" malakas at seryoso nyang anunsyo sa kanilang lahat.
Nanigas naman silang lima dahil sa malakas na utos ng kanilang reyna.
Bakit ganoon? nalilitong tanong ni Melitta sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
The King's Heir #2
FantasyThe King Series #2 COMPLETED/R-18- Vampire-Romance Fantasy This is the continuation of the story of King Marcus before the reign of the usurper, The Night King Decimus. This is the Prequel of TOD R18 Taglish Date Posted:October 25,2022 Date Finished...
