Sumipol ang marahang hangin.
Paulit ulit iyong nangyari na tila ako ay inuudyok na gumising mula sa pagkakatulog.
Dahan dahan kong minulat ang aking mata at ang una kong nasilayan ay ang asul na langit.
saglit akong nasilaw dahil sa liwanag ng kalangitan kaya muli akong napapikit.
Oo nga pala ako ay umalis na sa palasyo at tinawag ko si Nyx gamit ang aking isip upang dalhin ako sa lugar kung saan ako nag mula bago ako dukutin ng slave trader at ibenta sa Harem.
Inipon ko ang hangin saking baga at dahan dahang tumayo mula sa pagkakahiga at doon ko lang namalayan na sa puting buhangin ako nakaratay kung kayat nabalot ako ngayon sa buhangin.
Pinagpag ko ang aking katawan at tumayo na para pagmasdan ang kapaligiran.
Narito na akong muli, muling sumariwa saking memorya ang mainit na sinag ng araw, ang malamyos na haplos ng hangin at ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan, at ang puting buhangin na mayaman sa kabibe na may natatagong kayamanan sa loob.
Ang Isla Perlas.
Ang lugar kung saan ako muling nabuhay matapos akong matagpuan ng mag asawa sa karagatan.
Namasa ang aking mata ng maalala ko ang nangyari sa kanila, sa kabila ng kanilang kabutihan nila sakin ang nalimbag ko lamang sa kanila ay kamatayan.
Dahil sakin ay namatay ang mga inosenteng taong minsang nanirahan sa islang ito.
Pumikit ako at taimtim na nanalangin.
"Hangad kong payapa kayong ihatid ng panagwan patungo sa paraiso"
Nagpakawala sya ng kapangyarihan at kumalat iyon sa buong isla at doon nya nasilayan ang ilan sa mga ligaw na kaluluwa na nakulong sa islang iyon, na tila hindi masilayan ang tamang daan patungo sa lantsa na magdadala sa kanila sa paraiso.
"Huwag kang mag alala gagabayan sila ni Anubis" dinig nyang wika ng uwak na si Nyx.
Natanaw nya ang pamilyar na bangka na ginagamit ng sundo na si Anubis at hawak nito ang kanyang mahiwagang panagwan.
Sample only
Tumango sya at pinanood ang ilang kaluluwa nang ilang kakilala nya na sumakay sa bangka ni Anubis ng makumpleto ang pasahero ay yumuko si Anubis sa kanya at pinaandar na nito ang kanyang bangka patungo sa kabilang buhay.
"Huwag mo nang sisihin ang iyong sarili sa pagkamatay nila, ito ay nakatakdang mangyari." sabi sa kanya ni Nyx na nakadapo sa sanga ng puno malapit sa kanya.
Umiling sya at nanatiling nakatanaw sa bangka.
"Hindi ito dapat nangyari kung hindi sana ako napadpad dito." matigas na sagot nya pabalik.
"Ngunit wala ka ng magagawa, nakatakda rin ang iyong pagbabalik huwag mo palaging sisihin ang sarili mo sa mga masalimuot na nangyayari sa mundo, ikaw man ang diyosang si Arachne, tungkulin mo lamang na ihabi ang sinulid ng kapalaran upang hindi ito magbuhol."
BINABASA MO ANG
The King's Heir #2
FantasiThe King Series #2 COMPLETED/R-18- Vampire-Romance Fantasy This is the continuation of the story of King Marcus before the reign of the usurper, The Night King Decimus. This is the Prequel of TOD R18 Taglish Date Posted:October 25,2022 Date Finished...